REIGHN SELESTINE “Magbakasyon tayo sa Pinas kapag tapos na ang school year mo.” sabi niya sa akin. “Balak ko sanang umuwi na doon para doon mag-aral ng college,” wala sa sarili na sambit ko. “Iiwan mo ako? Aalis ka?” malungkot na tanong niya sa akin kaya wala sa sarili na napalunok ako. “Mahal, hindi pa naman siguro ‘yon. Pinag-iisipan ko pa kaya hindi pa sure,” kinakabahan na sabi ko dahil lumuwag ang yakap niya sa akin. “Still may balak ka pa rin na iwan ako?” malungkot pa rin na sambit niya. “Mahal, kapag sinabi mo na gusto mong kasama mo ako ay hindi ako aalis. Pero kapag sinabi mo na ayaw mo sa akin ay aalis ako,” sabi ko sa kanya dahil siya na lang yata ang dahilan kaya gusto ko pa magstay dito. “Then, stay. Stay with me, dito ka lang sa tabi ko.” sabi niya sa akin. “Then, I’

