VIZENCIO Kailangan naming mag-usap ng kapatid ko pero hindi pa ngayon. May kakaiba akong nararamdaman at naiisip. Dahil hindi naman siya ganito kaya nagtataka ako sa mga narinig ko mula kay Ren-ren. Nalaman ko rin na kaya siya nahimatay dahil nasaktan siya. Kaya naman sinabi ko sa kanya na kailangan na naming pumunta sa doktor. Ayaw kong bumalik ang sakit niya dahil alam ko na sobrang nahihirapan siya noon. Ayaw kong malungkot siya dahil ang tanging nais ko lang ay mapasaya ko siya. Mahal na mahal ko siya kaya gusto ko na manatili sa tabi niya. Sa tabi niya habang buhay. Kaya ngayon na may pagkakataon ako ay hindi na ako aalis sa tabi niya. Galit ako sa sarili ko dahil sa sobrang selos ko kaya ko siya nasasaktan kahit pa hindi ko naman intensyon na maramdaman niya na hindi siya mahalag

