REIGHN SELESTINE Walang paglagyan ang saya sa puso ko. Sobrang saya ko sa araw na ito. Kasama namin ang pamilya namin. Kasama namin ang buo kong angkan at umuwi rin sila Mama Veron, Gwen at ang dalawang kapatid ng asawa ko. Sa totoo lang ay kumpleto na kaming lahat maliban sa daddy ng asawa ko. Alam ko na kahit masaya siya ay iba pa rin kung nandito ang daddy niya. Masaya ang lahat, at kitang-kita sa mga mukha nila na masaya rin sila para sa amin. “Daddy, magkakaroon na po ba ako ng kapatid?” tanong ng anak namin sa asawa ko. “Gusto mo na ba?” malawak ang ngiti na tanong ni Vin. “Opo, gusto ko na po. Ang cute po kasi ng mga baby,” sabi niya kaya lalo akong napangiti. “Ano po ba ang gusto mo? Baby girl or baby boy?” nakangiti na tanong ko sa anak ko. “Hmm… Boy po, mommy.” nakangiti

