REIGHN SELESTINE “Mahal—” Hindi ko na nagawa na tapusin ang sasabihin ko dahil sa gulat. “Mahal?” kunot noo na tanong niya sa akin na nagbigay sa akin ng kakaibang takot. “T—Tito pogi, let me explain.” Natatakot na sambit ko pero nagulat na lang ako dahil bigla niyang sinuntok si Vin. Hindi lang isang suntok kundi tatlo. Hindi man lang siya pinigilan ni Vin at hinayaan lang siya na suntukin niya ito. “Tito, stop it. Huwag mo siyang saktan.” Umiiyak na sabi ko sa kanya para tumigil na siya. “T*ngina! Si Reighn pa talaga, Vin? Bakit? Wala na bang babae? Bakit ang pamangkin ko pa? Ang bata pa niya! Alam ba ito ni kuya?” Galit na tanong ni Tito pogi. “I love her,” sagot ni Vin habang hawak ni tito ang kwelyo niya. “You love her? Eh parang anak mo na nga siya! Tapos sasabihin mo mahal

