REIGHN SELESTINE “Reighn,” napalingon ako sa taong tumawag sa akin. “M–Micah.” sambit ko sa pangalan niya. “W–Wala akong narinig,” bigla na lang siyang namutla kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya. “It’s okay, wala namang problema. But, can you keep it?” nakangiti na sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin kaya napangiti ako. “Micah, ‘wag ka sanang mailang sa akin ha.” sabi ko sa kanya dahil baka bigla na lang niya akong layuan dahil sa nalaman niya. “Sorry, pero tingin ko hindi ako bagay na maging kaibigan mo.” sabi niya sa akin. “Why? Ayaw mo ba sa akin?” tanong ko sa kanya. “Hindi, nahihiya lang ako dahil kasi mayaman ka tapos ako–” “Don’t say that, hindi naman kailangan na ang mayaman ay para lang sa mayaman. Na mayaman lang ang dapat niyang maging kaibigan. Hind

