REIGHN SELESTINE Buong araw akong nasa school. Hindi na muna kasi ako umuwi at sa library na lang ako tumambay. Tinapos ko na din ang lahat bago ako uuwi para naman wala na akong gagawin sa apartment ko. Tulad ng nangyari kahapon ay hindi na kami nagpapansinan ni Kian. Unti-unti ko na lang din tinatanggap sa sarili ko na tapos na siguro ang pagkakaibigan namin. Siya na mismo ang lumalayo sa akin. Ayaw ko naman na ipilit ang sarili ko na maging magkaibigan kami kahit pa ayaw na niya sa akin. Mas mabuti na ganito na lang kaming dalawa. Makakalimutan rin niya ako at ganun rin ako sa kanya. Kaysa malungkot ay mas pinili ko na umuwi na lang dahil kaunti na lang din ang mga students na nandito. Napangiti ako agad dahil nakauwi na ang boyfriend ko. Ang aga niya ngayon, mukhang maaga siyang nat

