VIZENCIO “Kumain ka na,” malumanay na akong nagsalita dahil ayaw ko na na maging masungit sa kanya. Hindi ko naman talaga gusto. Nagpapanggap lang ako sa kanya para pigilan ang sarili ko. Kung ganito ba naman kaganda ang nasa harap mo ay talagang mahihirapan ka ng magpigil. Makinis niya pa lang na leeg ang nakikita ko pero naiinitan na ako. Sh*t! Kailan pa ako naging many*k? Hindi naman ako ganito noon. “Thank you,” sabi niya sa akin at nagsimula na siyang kumain. Habang kumakain siya ay nakatingin ako sa kanya. “Tapos ka na?” tanong ko sa kanya dahil tapos na siya agad. “Opo,” sagot naman niya sa akin. “Ang kaunti naman ng kain mo. Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ko sa kanya dahil kaunti pa lang talaga ang kain niya. “Hindi naman, kuya. Busog na kasi ako.” “Ang payat mo. Ikaw la

