REIGHN SELESTINE “Mahal, ano pong problema?” malumanay na tanong niya sa akin. “Ayaw ko niyan,” sabi ko sa kanya habang nakakaramdam ng inis sa kanya. “Ano po ang gusto mo?” malambing na tanong niya sa akin. “Maasim,” sagot ko sa kanya. “Maasim din po ito,” sagot niya sa akin. “Pero hindi naman kulay red,” naiinis na sagot ko sa kanya. “R–Red?” nauutal na tanong niya sa akin. Ewan ko ba mas lalo akong naiinis dahil nakatulala lang siya sa akin habang nagtatanong siya kung pula ba. “Nakakainis ka talaga!” “Mahal, bakit naman–” “Ano bang problema mo sa pula? Mas gusto ko ‘yun,” sabi ko sa kanya. “Pero hindi ko kasi alam kung may red ba na mangga. Kung gusto mo ay balatan ko na lang tapos lagyan ko ng coloring na red.” sabi pa niya sa akin na dahilan para mas mainis pa ako sa kany

