CHAPTER 17-2

636 Words

Tumango na lang ako bilang sagot. “Good,” nakangiti na sabi niya at bumalik sa niluluto niya. Ako na naman ay nakatingin lang sa kanya. Naiinip ako kaya naman bumaba ako. Kaagad naman siyang lumingon sa akin. “Kukunin ko lang ang phone ko, kuya. Tatawag lang ako kay mommy.” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya mabilis akong pumasok sa room ko para kunin ang phone ko. Kaagad kong tinawagan si mommy. “Mabuti naman at tumawag ka na. Hindi kita makontak,” sabi niya sa akin. “Sorry po, mommy nakatulog na po ako kagabi.” “Okay ka lang ba?” malambing na tanong niya sa akin. “Opo, okay na okay po mom.” “Mabuti naman, ingat ka lagi d’yan. Okay lang mag-enjoy pero dapat mag-ingat ka pa rin. If ever na balak mong pumunta sa bar ay ‘wag na ‘wag kang tatanggap ng drinks na galing sa iba.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD