“Kuya, saan tayo pupunta? Para alam ko kung ano ang dapat kong isuot!” tanong ko sa kanya. “J–Just wear comfy clothes,” sagot niya sa akin. “Okay,” sagot ko na lang at kinuha ko ang dress ko. Simple lang ito at komportable ako. Hindi siya masyadong mahaba at hindi rin maikli. Sakto lang sa height ko. Naghanap rin ako ng ribbon sa buhok at ‘yon ang ginamit ko. Hindi naman ako sanay maglagay ng make-up kaya naman lip tint lang at nagpulbo ako. Habang nag-aayos ako ng buhok ko ay lumabas na si kuya sa banyo. Nakita ko kung paano tumulo ang tubig mula sa buhok niya kaya wala sa sarili na tumayo ako at kinuha ko ang face towel sa cabinet. Lumapit ako sa kanya at nilagay ko sa buhok niya ang towel. “Use it, kuya para matuyo na ang buhok mo.” sabi ko sa kanya. “Puwede ba na ikaw na ang ma

