“Gusto naman, pero minsan kasi nakakalungkot lang talaga mag-isa kuya. Buti ikaw hindi ka nalulungkot? Pero matanda ka na rin kasi at sanay ka ng mag-isa kaya bakit ka malulungkot?” “Grabe ka sa akin, kailangan mo pa bang ipamukha sa akin na matanda na ako.” natatawa na sabi niya kaya saka ko lang na-realize ang lumabas sa bibig ko. “Sorry, kuya. Hindi ko po sinasadya,” sabi ko sa kanya. “Ikaw lang ang kilala ko na mahinhin pero pasmado ang bibig.” parang bata na nagtatampo na sabi niya sa akin. “Huwag ka ng magtampo, kuya. Kasi totoo naman ang sinabi ko. Sabi nga ni mommy, masakit talaga ang katotohanan.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Simula ng maging mommy mo siya ay ang dami mo nang alam. Sana naman hindi mo namana pati ugali niya,” sabi pa niya. “Hahaha, wala naman mali sa ugal

