CHAPTER 10-2

769 Words

Hindi siya sumagot sa akin. Tumayo siya at tumalikod sa akin. “Aalis ka na? Hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ko sa ‘yo?” naiinis na tanong ko sa kanya. “Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?” “Oo, kasi bigla ka lang nagpakita sa akin at pagkatapos ay hahalikan mo ako. Sa tingin mo hindi ko kailangan ng sagot?” naiinis na sabi ko. “Matulog ka na, aalis na ako.” sabi niya at tuluyang lumabas sa pinto ng apartment ko. Hindi ko namalayan na nakatulala ako sa pinto na nilabasan niya. Nakabukas pa rin ito ngayon. Bigla na lang akong natumba at napaupo sa sahig. Pero bigla akong nagulat nang bigla siyang bumalik. Tumingala ako sa kanya at hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang baba ko. “Isara mo ng mabuti ang pinto mo,” sabi niya sa akin at muli na naman niya akong hinalikan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD