Tumingin siya sa akin pero ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko kasi maintindihan ito sarili ko. Bakit ba ang bilis ng t*bok ng puso ko ngayon? Bakit? Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Miss na miss ko siya kahit pa may galit ako sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko dahil masaya ako na ngayon ay nandito siya. Pinaupo niya ako sa upuan at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. “Kumain ka na,” malumanay na siyang magsalita. “Thank you,” sabi ko at nagsimula na akong kumain. Gusto kong umiyak dahil sobrang miss ko ang luto niya. Kahit pa gusto kong kumain ay kaunti lang ang kinain ko. Ayaw ko naman ipalahata sa kanya na gustong-gusto ko ang luto niya. Iniisip ko na kakainin ko na lang mamaya kapag umalis na siya. “Tapos ka na?” tan

