REIGHN SELESTINE Tumingin siya sa akin at ngumiti siya. Ang ganda ng ngiti niya na nagbibigay sa akin ng hindi komportable na pakiramdam. “Hi, Reighn,” nakangiti na bati niya sa akin. Nahihiya akong ngumiti sa kanya dahil ayaw ko naman siyang deadmahin. Nakatingin silang lahat sa akin. Ngayon ko lang nalaman na dito pala siya nagtatrabaho. Ang buong akala ko kasi ay hindi. Sa ibang department lang pala siya. Kung nandito siya ay posible kayang nandito rin ang boyfriend ko? Pero kasi ang sabi niya sa akin ay may kilala lang siya. Nagsisinungaling kaya siya sa akin? Alam ko kasi na buntot niya ang babaeng ito. “Hindi mo man lang sinabi na nandito ka. Kung alam ko lang ay sana kahapon pa ako pumasok.” sabi niya pa sa akin. “Hindi ko rin po alam na dito po kayo nagtatrabaho,” sabi ko sa k

