“INAASAHAN mo na ito, hindi ba?” maingat na tanong ni James kay Mikaella nang mapagsolo na sila sa kanilang silid. Inihatid sila ng driver sa isa sa mga resthouse na tintuuluyan diumano ng mga bisita. Sabi ni James ay sa palasyo daw talaga ang alok ng hari, maayos lang nito iyong tinanggihan. At ang resthouse na kinaroroonan nila ngayon ay may iisang bedroom lang. “Ang pagsasama natin sa iisang silid…” Tumango si Mikaella. Ang resthouse ay yari sa mga native products. Makintab ang sahig at napakapresko sa paningin ng pagkakaayos ng mga gamit. Napansin din niya na ang malalaking kagamitan tulad ng mga upuan at estante ay yari sa kahoy. Napakalawak ng bedroom. May parte na may sofa set, may dressers, may mini-kitchen minus cooking utensils and stove, malaki rin ang comfort room,

