Chapter 8: Beginning of Lies

1380 Words
"GOOD morning, my lovely wife. Kumusta ang tulog mo?Are you comportable with our new home?" When I heard my husband's voice, I immediately opened my eyes wide. I gave him a warm glance. "Yes. How about you? Anong oras ka umuwi kagabi?" Sumandal ako sa edge ng kama. Inayos ko ang buhok ko. Mukhang kakatapos lang niya maligo. "Late na rin ako nakauwi, hon. After kasi ng meeting namin tinawagan ako ng tropa. Alam mo na-ang hirap naman tanggihan. "Mm. Kumain kana ba? May pupuntahan kaba ngayon?" Pag-iiba ko sa usapan. "Hindi pa. Sabay na muna tayong kumain bago ako pumasok sa kompanya." He assisted me into the restroom when he finished getting dressed. I washed my face and cleaned my teeth. Perhaps after I eat, I'll take a shower. "Let's go, hon." Saad ko nang matapos akong magbihis-nagsuot lang ako ng white shirt at short. Marahan niya akong binuhat pababa patungo sa dining area. "Good morning, sir Rowan." Selena greets him. As I expected she wouldn't really be able to consider me as her boss. "Good morning, Ma'am Helena." She smiled bitterly. "Sumabay kana kumain samin, Selena." Paanyaya ko. Kumuha siya ng plate at spoon sa kitchen. Pagkabalik niya umupo siya sa other side ng table-malapit kay Rowan. "What happened sa leeg mo, Hon?" I asked, my curiosity intrigued. Selena and I are both staring at him. Rowan, on the other hand, began to chuckle. He stopped eating. Pinunasan niya ang kanyang labi using table cloth. Natatawa niyang hinawakan ang kanyang leeg. What's wrong with him? "Herver, kissed my neck." "What?" Gulat kong tanong sa kanya. "You knew what he was like, hon, particularly when he was wasted. He kisses everyone, including his buddies." "If he kissed you, bakit may naiwan na kiss mark? Ano iyon? Nilaplap ka niya?" "I'm not sure. I was already drunk. I wasn't paying attention to what he was doing. I thought hindi magkakamarka iyon. Kanina ko lang din nakita na may naiwan na marka." Natatawa niyang sinubo ang kanin. "Grabe naman pala siyang malasing. Nag club ba kayo?" "Hindi naman. Pumunta lang kami sa bar. After noon umuwi na rin kami." Nagpatuloy na ako sa pagkain ko. "Are you mad?" He asked. "No, I am not mad. I'm just curious." "So, you trust me?" "Yes, I trusted you. Naniniwala ako sa sinasabi mo. Alam ko naman na hindi mo magagawang mambabae." Kilala ko si Rowan hindi niya magagawang magsinungaling sa akin. Hindi niya magagawang lokohin ako at ipagpalit sa ibang babae. "Mm. Anyways, baka ma-late ako ng uwi mamaya, hon. Huwag mo na akong hintayin. Mauna ka ng matulog." Si Rowan nalang ang kaisa-isang inaasahan na tagapagmana ng kanilang kompanya at iba pang ari-arian. Even if I wanted him to stay at my side, he is not able to do it because he has many obligation and responsibilities to fulfill. It is his duty to manage their company properly to be successful and be the top business in the business world. "Mm. Hon, I'm finished. Could you please fetch my bag, Selena? Thankyou." Utos niya nang matapos si Selena sa pagkain-actully naunang matapos kumain si Selena sa amin. "Hon, kung gusto mong lumabas sabihan mo lang si Selena at ang driver natin para hindi ka maboryo rito." "Really?" "Oo naman. Wala ka naman gagawin diba? Pumunta ka nalang ng mall. Mag shopping ka para malibang ka naman. Hindi iyong parati kang nandirito sa bahay." Kung magaling na sana ang mga binti ko edi sana malaya kong nagagawa ang mga gusto ko. Ayaw ko rin umasa nalang kay Rowan-may pangarap din naman ako. "Sir, here's your bag." Inabot ni Selena ang bag sa asawa ko-nagkatitigan silang dalawa nang hawakan ni Selena ang balikat ni Rowan. "Thank you, Selena." Inalis ni Rowan ang kamay ni Selena sa balikat niya. "Selena, could you please do me a favor?" "Yes, sir. Anything." "Pakisamahan si Helena sa mall-gawin mo kung ano ang ipag-uutos niya saiyo. Huwag mo rin siyang pagbubuhatin ng mabibigat, okay?" "Ah. Okay po sir." Masamang tumingin sa akin si Selena. "Hon, aalis na ako. I love you." He kissed my lips. "Don't stress yourself okay? You can use my debit card." Umalis na siya nang i-abot niya sa akin iyon. Bumalik na ako sa sala at nanood. "Selena, pwede mo ba akong samahan mag mall?" Nagce-cellphone lang siya sa kabilang sofa. Though, katulong siya rito pero gusto kong maging komportable kami sa isat-isa. "Busy ako." Masungit na sagot niya. "Okay." Pag-iiba niya ng sagot. "Ayos lang naman kung ayaw mo akong samahan. Hindi naman kita pinipilit- dito nalang ako sa bahay." "Sus. Ang plastik mo masyado, Helena. Kesyo ayos lang pero isusumbong mo naman ako kay sir Rowan." Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. I won't tell him, beside malalaman naman niya kung umalis ako hindi." "Ewan ko sa'yo, Helena. Simula nang magpakasal ka kay sir Rowan naging magulo na ang buhay ko. Ayos naman na ako sa mansyon bakit ba kasi pinapunta pa ako rito." "Pwede ka naman umalis at bumalik sa mansyon. Wala naman pumipigil sa'yo na gawin iyon." "Malamang si sir Luciano na mismo ang nagsabi na magsilbi ako sa inyo-kung hindi ko gagawin iyon baka mawalan pa ako ng trabaho." "Mukhang ayaw mo naman rito. Pwede kong kausapin si tito Luciano para makabalik ka sa mansyon." "Talaga?" Nagagalak niyang tanong. Bakas sa mukha niya ang tuwa nang sabihin ko iyon ngunit mabilis din nawala. "Hayst. Nevermind. Huwag nalang. Salamat nalang." "Bakit naman? Akala ko ba gusto mong bumalik sa mansyon." "Hindi rin naman papayag si sir Luciano na bumalik ako sa mansyon. Wala rin saysay kung kakausapin mo siya." Hindi kami close ni Selena pero kaibigan ang turing ko sa kanya. Mula nang ipakilala ako ni Rowan sa pamilya niya roon ko nakilala si Selena. Natural na suplada siya pero kaya ko pa naman tiisin iyon. Mabuti nga at nakikipag usap siya sa akin ngayon. "Ma'am, helena." Tiningnan ko ang tumawag-iyong driver pala. "Bakit po kuya Rey?" Lumapit siya sa pwesto ko. Pinaupo ko siya sa bakanteng sofa sa gilid ko. "Gusto ko po sanang magpaalam." Panimula niya habang nakayuko. Nanginginig ang mga kamay niya. Tiyak na may problema siya base sa paraan ng pananalita niya. "Ano po iyon?" "Magpapaalam po sana ako. May sakit po kasi ang anak ko at kailangan kong bumalik sa hospital-natatakot po ako na baka hindi ko na siya makita." Sa tono palang ng pananalita niya mukhang may malubhang sakit ang anak niya. Sino ba naman ako para pigilan na makita ang anak niya? No one knows kung hanggang kailan tayo mabubuhay o kung kailan tayo mamamatay. "Sure po, puntahan mo na po ang anak mo mukhang kailangan ka niya sa mga oras na ito. Pero hanggang kailan po ba?" "Isang linggo lang po ma'am Helena. Gusto ko po siyang alagaan." "Nasabi mo na ba ito sa sir mo?' "Hindi pa po ma'am. Natatakot po ako na baka hindi niya ako payagan." Halos lahat ng katulong at katiwala sa pamilyang Hidalgo takot sa kanila. "Naiintindihan ko po. Sige po ako nalang ang magsasabi sa kanya." "Salamat po ma'am Helena. Pangako po babawi ako sa inyo. Pagsisibilhan ko kayo hanggang sa huling hininga ko." "Don't mention it po, kuya Rey. Mag iingat ka po. Pakisabi na rin po sa anak mo magpagaling siya." Tuluyan na ngang umalis si kuya Rey-mukhang hindi na talaga ako makakaalis ngayon. Isa lang naman ang iniwan na driver ni Rowan. Hindi naman marunong mag drive si Selena. "So, hindi na tayo aalis, Helena?" Napanganga ako sa tinanong ni Selena. Inilingan ko na lamang siya. Nagpahatid na lang ako sa kanya sa garden at 'di kalaunan ay nagpaalam din saglit para manguha ng maiinom. Habang nagtitingin ng mga bulaklak may nagbato sa akin ng matigas na bagay-saktong tumama sa ulo ko. Tiningnan kong maigi iyon. Napagtanto ko na nilukot na papel iyon na may kasamang bato. Sino namang walang hiya ang gagawa nito sa akin? Luminga linga pa ako ngunit wala naman akong nakitang tao sa labas. Binuksan ko ang papel. "I have some wonderful news for you, Helena. I didn't realize how terrific your husband in bed, girl. It's a shame you have still not tasted him. But don't worry, I'll take care of him. I will extend my legs for him."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD