ILANG araw na akong living zombie mula noong pangyayaring iyon. Pumapasok naman ako sa klase, gumigising para sa bagong araw pero natutulog sa gabi na may luha sa mata. Ang dami ko pa ring katanungan. Ang dami kong bakit na hindi ko masagot-sagot dahil sila lang ang makakasagot. Ang problema nga lang, hindi ko naman alam kung maniniwala ako sa mga sagot nila. Naalala ko ang unang beses na umiyak ako at dahil sa kanila iyon. Sinabi kong titigil na ako dahil nasasaktan na ako at parang hindi na siya healthy para sa akin. Paano kaya kung tumigil na ako noon pa lang? Paano kaya kung 'di ako ang nakapasa? Well, hindi naman sana ako ang nandito kung hindi sa ginawa ni Edrian. Magiging kami kaya ni Clarence? Ang sabi ko pa noon 'pag 'di ako pumasa, titigil na ako. Pero ito na nga ngayon, nand

