WEEKS had passed and still, maganda pa rin ako. Biro lang. Ilang linggo na rin mula noong nagpaalam ako kay Clarence na mawawala ako ng ilang linggo dahil aakyat ako ng langit at magdo-donate ng katangahan. Biro lang ulit. Dito raw ako magaling eh. Ang magbiro ng seryoso kaya maraming napapaniwala, ayon iyan kay Kyra. Dati, ang gusto ko lang naman happy-happy lang. Ayoko ng mga seryosong usapan o seryosong sitwasyon, hindi ako nakakatagal doon... at iyon nga siguro ang dahilan ng lahat ng ito. Sumama ako kay Daddy rito sa Cebu kung saan may project na naman siya. Tutal ay bakasyon naman kaya pumayag si Mommy. Puro gala ang ginagawa ko araw-araw dahil nasa trabaho nga si Daddy. Sa tuwing gabi lang kami nagkikitang dalawa. Sa ilang linggong pamamalagi rito marami na akong natutunang bi

