KINAKABAHAN akong papasok sa school ngayon at first time 'to. Alam niyo namang hakot ko lahat ng self-confidence diba. Ang dahilan? Ngayon na malalaman ang results ng exam namin last week. Dumiretso ako sa bulletin board kung saan nagkukumpulan na rin ang mga estudyante. Sosyal ang bulletin board, LED monitor. Hindi naman ako kakabahan ng ganito kung talagang pag-e-exchange student lang ang pag-uusapan, para kasing s***h Clarence na eh kaya namamawis na ang kamay ko kahit hindi ako pasmado. Nakisiksik ako sa kanila hanggang sa makita ko ang list. Hinanap ko ang Med Department and there I found my name at the top! On the 1st place! Shookt! Kasunod si Edrian. Malamang kung hindi nagparaya ang isa, siya talaga ang una. Sinundan ko pa pababa ang list at nasa ikalima na si Mier Veloroso,

