HINDI maubos-ubos ang luha ko habang pinapalipad ang sasakyan patungo sa address na binigay ni Clarence. Sht talaga. Anong nangyari?! Napahampas ako sa manibela habang nagmananeho. “Ang tanga mo naman Edrian, para madisgrasya pa!” Hindi ko na talaga malaman ang nararamdaman ko. Gulat, lungkot, inis, kabado, dagdagan pa ng pagtataka. Habang binabaybay ko ang daan ay 'di ko maiwasang magtaka sa binigay na address ni Clarence. Paanong sa morgue sila, sa pagkakaalam ko walang hospital na naroon. Wala rin siyang nabanggit na hospital. Wala namang morgue na morgue lang talaga. Ang morgue parte ng hospital. Takte, 'di ko na talaga maintindihan. Pagkarating ko sa eksaktong address ay napanganga ako sa malaking pangalan na talagang umiilaw pa. 'Morgan Morgue' Ano 'yan? Bakit kailangang m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


