One

1295 Words
Isang marahas na hininga ang pinakawalan ko matapos kong ilagay ang huling paso na ililipat ko. Hindi ko akalain na matatapos ko ito ng isang araw lang. Well, alam ko naman na hindi madali ang trabaho ng isang kasambahay pero nang sabihin ni Nanay Cleo na ang tanging gagawin ko lang ay ang pag-aalaga sa garden at greenhouse na ipinagawa ni Sir Akia, akala ko ay madali lang dahil maalam naman ako sa pagtatanim. Pero hindi ko inaasahan na hindi lang pagtatanim ang gagawin ko. When she said that I will take care of the garden and the greenhouse, she meant literally taking care of those two places. Ako lang, walang ibang tutulong sa akin dahil isang tao lang ang gusto ng amo ko na mag-asikaso ng lugar na ito. Masyado daw kasing maselan ang lalaking iyon kaya naman ayaw nito na paiba-ibang tao ang pumapasok dito at humahawak sa mga bagay dito sa garden. At dahil doon, wala akong choice kung hindi mag-isang ipasok ang mga pasong may laman ng lupa sa loob ng garden matapos itong i-deliver sa labas. Naupo ako sa bench na mayroon dito at pinunasan ang noo kong basa na ng pawis. Itinali ko na din ang mahaba at kulot kong buhok pagkuwa’y pinaypayan ang sarili ko. Tatlong araw pa lang nang dumating ako dito. And so far, maayos naman ang lahat. Mabait sa akin ang mga kasama ko at hindi sila nagtatanong sa kung anuman ang nangyari sa nakaraan ko na naging dahilan ng pagkakapadpad ko sa probinsya na ito. They respected my privacy and stayed nice to me. At sa tatlong araw na iyon ay hindi ko pa nakakaharap si Sir Akia. I already talked to him on the phone once when he instructed me what I need to do here in his garden and greenhouse. I kinda wonder why even he doesn’t ask anything about me. Well, not that I want to tell them my past. Nagtataka lang ako dahil nagawa nilang magtiwala sa akin at patuluyin ako dito gayong isang prinsipe ang may-ari nito. Yes, Akia Vran Henan, ang ikalawang prinsipe ng bansang ito. At alam ng lahat ng mamamayan dito na siya ang nagmamay-ari ng mga farm na siyang nagsu-supply ng lahat ng pagkain na mabibili sa mga palengke at supermarket sa buong bansa. He rarely appears in public and people actually preferred not to socialize with him because just like his two cousins, they were super intimidating. They are known for being bad princes. And he was famous for being a cruel person. Lahat ng mga taong kumakalaban sa kanya at sa pamilya niya ay talaga namang nagdudusa ng matindi. Ilang mga noble family na din ang pinabagsak niya dahil nagrereklamo ang mga ito sa pagiging pabor ng emperador sa kapatid upang kontrolin ang daloy ng pagkain sa buong bansa. Tinanggalan niya ang mga itong kanilang mga titulo at ari-arian. Ang mga lalaki ay ipinapatapon sa mga minahan sa malalayong isla sa dulo ng bansa. Ang mga babae naman ay nagiging tagasilbi ng mga nakahandang tanggapin sila bilang kasambahay. Kapag wala naman ay wala silang ibang maaaring gawin kundi maging utusan sa mga pabrikang ipinatayo ng mga Henan upang mayroon silang maipangbili ng kanilang pagkain sa araw-araw. At dahil doon ay wala nang nagtatangka na makialam sa pamamalakad niya pagdating sa pagkain ng bansa. Alam nilang hindi nila kayang kalabanin ang paboritong kapatid ng aming emperador. Huminga ako ng malalim at tumayo para magpatuloy na sa pagtatrabaho. Sa ngayon ay kailangan ko lang namang diligan ang mga halaman dito. Ang sabi ni Nanay Cleo ay uuwi dito si Sir Akia dahil may mga personal na halaman ito na gustong itamin kaya kailangan kong magpahinga ng maaga ngayon lalo na’t ang gusto ni Sir Akia ay maaga akong pumunta dito. Tanging itong mga nasa garden lang naman ang kailangan kong diligan. Iyong sa greenhouse, may automatic sprinkler iyon. After this, pwede na akong bumalik sa quarters ko dahil libre na ang buong hapon ko. “Who are you?” Mabilis akong bumaling sa pinto ng garden kung saan nanggaling ang boses. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ng amo ko. “Oh, are you Lumen?” tanong niya Yeah, a lot of people thought that my name is Lumen and not Lumine. Ilang beses ko na silang itinama pero hindi pa din nila ma-correct ang tamang pronunciation kaya naman hinayaan ko na lang. Tuluyan siyang pumasok at sinilip ang mga nakatanim na bulaklak sa paligid. “Ikaw iyong dinala dito ni Manang Cleo?” Tumango ako. Pinatay ko muna ang gripo at bahagyang yumuko upang magbigay galang sa kanya. “Ikinagagalak ko kayong makaharap, mahal na prinsipe.” Nang mag-angat ako ng ulo ay nakita kong nakangiwi siya habang nakatingin sa akin. “Hindi ka ba nila sinabihan na huwag akong tatawaging prinsipe kapag nandito ako sa farm?” tanong niya na mabilis kong inilingan. Napabuntong hininga na lang siya at tumangu-tango. “Okay, nasabi ko na din naman. Kapag nandito ako, Akia or Sir lang ang itatawag mo sa akin. At hindi mo kailangan na isipin na prinsipe ako ng bansang ito. Walang kinalaman ang titulo kong iyon sa lupaing ito.” “Ahm…” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung tama bang sumunod ako doon. “It is an order, Lumen,” sabi niya na muli kong ikinatingin sa kanya. “So, you are bound to obey that, okay?” Bumuntong hininga ako pagkuwa’y tumango. “Okay po, Sir.” “And drop the honorifics,” dagdag niya. “Hindi nalalayo ang edad natin para gumamit ka ng mga iyon.” Ang dami namang demand ng isang ito. Mas mahirap kaya iyong mga inuutos niya kaysa gawin kung ano ang nararapat. Pero dahil nga amo ko siya ay wala naman akong choice kung hindi sundin ang gusto niya kaya muli akong tumango. “Naiintindihan ko.” “Good,” aniya. “Pwede ka nang magpahinga. Ako na ang bahala dito at bumalik ka na lang dito bukas ng mga ala-singko ng umaga.” “Okay po.” Naghugas muna ako ng kamay at inalis ang apron na suot ko. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Sir Akia dahil mabilis na siyang pumasok sa greenhouse kaya lumabas na ako. At dumeretso ako sa quarters na nasa two storey building na nasa gilid ng mansion. Doon ay nakita ko si Nanay Cleo na nakaupo sa isang duyan kasama si Cecil, isa ding kasambahay pero sa loob siya ng mansyon naka–assign. “Tapos ka na sa trabaho mo?” tanong ni Nanay Cleo. Umiling ako. “Pinaalis na ako ni Sir Akia.” Nanlaki ang mga mata niya at agad na tumayo. “Nandiyan na ang batang iyon?” Kumunot ang noo ko. “Hindi niyo alam na dumating na siya?” balik ko. “Pinaalis na niya ako sa garden kahit hindi pa ako tapos magdilig dahil siya na daw ang tatapos noon. Pinapapasok na lang niya ako bukas ng maaga.” Bumuntong hininga siya at napasapo ng noo habang umiling. “Pasaway talaga ang batang iyon.” Tumingin siya sa akin. “Oh siya. Magpahinga ka na dahil siguradong mabigat ang trabaho na gagawin niyo ni Sir bukas.” Bumaling naman siya kay Cecil. “At ikaw bata ka, halika na at siguradong pagkatapos noon sa kanyang greenhouse ay maghahanap iyon ng pagkain.” At nagmamadali silang pumasok ng mansion. Siguro ay madalas gawin ni Sir Akia iyon. Ang bigla na lang umuwi dito nang hindi nagpapasabi sa mga narito kaya madalas mataranta si Nanay Cleo. Napailing na lang ako at pumasok sa building. Marami-raming paso din ang binuhat ko kanina kaya medyo sumakit ang braso ko kaya tama lang din na makapagpahinga ako ng maaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD