Akia’s POV
“Oh?”
Bumaling ako kina Hain at Adriel, mga pinsan ko na talaga namang sanggang dikit ko mula pa pagkabata, na kapapasok lang ng garden ko.
“You have a problem?” tanong ni Hain. “Bakit bigla kang nag-aya dito?”
Naupo sila sa carpet na nilatag ko sa bermuda grass at dumampot ng pagkain na ipinahanda ko kay Lumen kanina bago ito tuluyang magpahinga.
“Akala ko ba ay ikaw ang pupunta sa condo ko para makapag-inuman tayo?” ani Adriel. “Bakit nagtawag ka dito?”
We often met with each other to hang out for a while. At may schedule kaming sinusunod kung saang lugar kami tatambay.
At tulad ng sinabi ni Adriel ay dapat doon kami ngayon sa condo niya pero dahil sa nangyari kanina ay tinawagan ko sila para dito na lang kami mag-stay.
Bumuntong hininga ako pagkuwa’y diretsong tumingin sa kanila. “I met someone.”
Kumunot ang noo nila. Nasa akin ang buong atensyon nil at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
‘And?” tanong ni Hain.
“I think I fell in love.” Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito nang maalala ko ang magandang mukha ng babaeng nakita ko kanina sa talon.
Hindi sila nagsalita. Nananatili lang silang nakatitig sa akin tsaka tumangu-tango lamang at nagsimulang kumain.
“Seryoso ako, dude!” sabi ko. “Na-love at first sight yata ako sa babaeng iyon.”
“Dude, hindi ko alam kung magugulat pa ako sa sinasabi mo,” ani Hain. “Pero alam mo namang parang sumpa sa pamilya natin na ma-love at first sight sa isang babae.”
Well, he is right about that.
Hindi ko alam kung bakit pero halos lahat ng lalaki sa pamilya namin na ikinasal na ay na-love at first sight sa mga asawa nila. Habang ang ilan sa amin na single pa ay mayroon na ding lihim na minamahal.
Tulad na lang nitong si Hain na na-love at first sight sa isa sa mga empleyado niya. Habang ito namang si Adriel na hindi pa nagku-kwento pero tingin ko ay may gusto na din ito sa babaeng iniligtas niya noong nakaraan.
At hindi ko inaasahan na maging ako ay mahuhulog agad sa isang babaeng ni hindi ko alam kung ano ang pangalan at saglit ko lang nakita.
Shit! Hindi ko alam kung blessing ba o sumpa ang ganito.
Minsan ay ipinagpapasalamat na lang namin na iyong mga nagustuhan ng mga kapamilya namin ay gusto din sila at nauwi sa kasal ang relasyon nila.
Maayos din namang makisama ang mga napangasawa nla kaya walang nagiging problema sa relasyon namin sa kanila at iyon ang dahilan kaya kahit paano ay itinuturing naming blessing ang ganitong sitwasyon.
Pero itong sa amin ni Hain at Adriel, tingin ko ay matagal pa bago ito magkaroon ng resulta. Ni hindi nga nilalapitan ni Hain ang babaeng gusto niya. Iyong kay Adriel naman ay alam kong hindi niya mapormahan dahil may trauma na mapalapit sa lalaki. At ako, ni hindi ko alam kung anong pangalan ng babae.
Ginulo ko ang buhok ko. “Ano na ang gagawin ko? Ni hindi ko alam kung taga-saan ba siya dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.”
“Hindi ba’t nakita mo sa falls na malapit dito?” tanong ni Hain. “Na-check mo na ang mga empleyado mo?”
Tumango ako. “Pinatawag ko lahat. Kahit iyong mga nag-i-stay sa kadulo-duluhan ng farm pinapunta ko dito pero wala sa kanila.”
“Baka taga-ibang property na nakapalibot sa falls na iyon,” sabi ni Adriel matapos ubusin ang laman ng alak na kinuha niya. “Kaninong property pa ba ang nasa paligid ng falls?”
“Kay Alchiem.”
Kumunot ang noo niya. “May property dito si Alchiem?”
Tumango akong muli. “Binili niya iyan last month. Plano daw niyang gawin na resort pero hindi pa din naman niya pinakikialaman,” sabi ko. “Ang mga dating empleyado pa din ang mga nandoon at wala namang napapabalitang bagong dating.”
“So, kilala mo ang lahat ng taga-doon?”
“Syempre,” I am still a prince of this country kaya kailangan kong kilalanin ang mga taong naninirahan sa paligid ko. Para din iyon sa seguridad ko at ng mga nagtatrabaho sa akin kahit pa mahigpit ang seguridad sa kabuuan ng lupain ko. “Isang tao lang naman ang bagong dating dito. Iyong staff ko na tumutulong sa akin sa pag-aalaga nitong garden at greenhouse.”
At sigurado namang hindi si Lumen iyon.
Ibang-iba ang itsura ng babaeng iyon sa nakita ko sa talon. Kulot ang buhok ni Lumen. Matangkad din siya at medyo kayumanggi ang kulay. While the woman that I met at the falls has whiter skin, straight long hair and has much shorter height.
Aish!
Kung hindi lang ako namangha sa kagandahan niya ay nahabol ko sana siya.
“Sir Akia…”
Bumaling kami sa pinto nang mayroong kumatok doon at ilang sandali lang ay pumasok si Lumen. May dala itong tray na puno ng pagkain at bote ng alak.
“Ipinadala pa ito ni ‘Nay Cleo.” Lumapit siya sa amin at inilapag ang tray sa gilid ng carpet. “Papatulugin na kasi niya ang mga kasambahay sa mansion at maagang gigising ang lahat para maghanda sa pagha-harvest ng mga prutas.”
Madami-dami na naman ang dinala niya dito kaya tingin ko ay hindi na kami kukuha pa. Tsaka wala kaming planong uminom ng maraming alak ngayon. Siguradong puro pagkain lang ang pagtutuunan ng pansin nitong dalawa kong pinsan.
“Ikaw iyong nakakatulong ni Akia sa pag-aasikaso dito sa pinakamamahal iyang garden?” tanong ni Adriel. Inilahad niya ang kamay sa harap ni Lumen. “I am Adriel Revin, pinsan nitong boss mo.”
Tinanggap naman ni Lumen ang kamay nito. “Lumine.” Agad siyang bumitaw sa kamay ni Adriel at bumaling sa akin.
“This is also our cousin,” tukoy ko kay Hain na walang planong magpakilala dahil abala sa pagkain ng chichiryang dala ni Lumen. “He is Hain Canalla.”
Bumaling siya kay Hain, nag-bow at muling tumingin sa akin. “May kailangan pa po ba kayo dito?”
Umiling ako. “Matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas. Salamat.”
Ngumiti siya pagkuwa’y tuluyan nang umalis.
Bumaling sa akin si Adriel. May mapaglarong ngiti sa labi nito na ikinakunot ng noo ko. “This is kind of interesting.”
“Yeah,” sang-ayon naman ni Hain. “I am amazed he didn’t even realize that.”
“What the hell was that?” tanong ko sa kanila.
Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli lang silang tumingin sa akin pagkuwa’y ipinagpatuloy na lamang ang pagkain ng mga inihandang pagkain.
“Seriously, dude!”
“Huwag mo nang isipin ang babaeng iyon,” sabi ni Hain. “Kung talagang nakatadhana kayong dalawa, darating ang araw na magkikita ulit kayo.”
“Right,” pagsang-ayon ni Adriel. “Kung pipilitin mo agad ang pagkikita niyo, baka matakot lang siya sayo. Alalahanin mo, you were known as the cruel prince of this country. You should take those things easy.”
That makes sense.
Mukha ngang natakot ko siya kanina nang bigla akong magpakita. Siguro ay nakilala niya ako kaya agad siyang tumakbo palayo at hindi na nag-abalang lumingon sa akin.
Yeah, I will just wait for us to meet again. Pero sana lang ay mangyari iyon sa lalong madaling panahon.