Miguel's Pov Nag aantay ako ngayon sa kaibigan kong si Michael dahil siya ang kinuha ko para umasikaso sa isang party na nais kong gawin dahil sa merging ng kompanya ko at sa isa pang kasosyo ko. Habang nag hihintay ako ay may dumating na babae, maamo ang mukha nito na parang anghel, kamukhang kamukha niya ang taong minahal ko noon, yun nga lang ay babae ito. Humingi ito ng tawad sakin, at maging ang boses nitoy kaparehang kapareha ng sa kanya. Napag usapan namin ang mga nais kong gawin nila sa party ko, hanggang sa matapos kami at tanungin ko ang pangalan nito. Justine sir, Justine Veron. saad nito na agad na nag pabago saking emosyon, may halong saya at pangungulila ngunit nangibabaw ang galit ko rito. Nang aalis na siya ay hinawakan ko siya sa kanyang mga braso at hinatak papuntan

