[JOSEPH'S POV] "Babe, kain na tayo." Tawag ko sa napakaganda kong asawa. "Okay." Sagot niya. Pinagmasdan ko siyang maglakad ng mabagal dahil sa malaking tiyan niya. Kabuwanan niya na kasi ngayon at excited na akong maging tatay ulit. Sinalubong ko siya at inalalayan nang maglakad. I pulled her chair at hinintay na makaupo siya bago ako naupo sa tabi niya. Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya. Adobo ang ulam na niluto ko ngayon. Kami lang dalawa ngayon dito ni Reese sa bahay dahil mamaya pang hapon darating ang mga bata galing school. Susunduin sila ng mga magulang ko kasi nakiusap ako sa kanila. Ayaw ko na kasing iwan magisa si Reese. Baka mamaya manganak na lang to bigla, sino sasama sa kanya papuntang ospital? Nagfile ako ng two-month leave mula ng dumatig ang kabuwanan ni Ree

