Nakauwi na kami sa bahay ngayon. Sinabi ko kay Van na dito na lang muna kami tutuloy sa bahay namin para naman makasama ko ang mga magulang ko at para naman makabonding din nila ang kambal. "Van! Dito ka na magtanghalian sa amin. Tutal, nakahanda na ang pagkain." Hindi na nakatanggi si Van kaya umupo na kami sa hapag kainan. Katabi ni mommy at daddy ang kambal dahil na rin sa request nila. "Momsie! I want egg." "Me too! Ohh! And fish!" "Me tooo!" Nagtawanan kami sa sinabi nila. Halatang nag-gagayahan eh. "Mom, alis po pala kami ngayon." "Oh. Okay. Saan naman ang punta niyo? Gusto niyo iwanan ang mga bata sa amin? Kami na ang bahala sa kambal. Diba, baby?" "Uhm. Isasama po sana namin sila. Inimbitahan kami ni Nin sa birthday party ng anak niya at sinabi niyang isama ko daw po si Va

