Episode 3

1623 Words
"Oh. Honey. Maaga pa diyan ah. Nandito na kami sa airport. Yes. Don't worry. Yes, of course. The kids are fine. But I think naiinitan na sila. Magche-check-in na lang muna kami and we'll eat tgere. Okay. You take care. Okay. Bye. I love you, too, honey." Kakalabas lang namin ng eroplano at talaga namang ramdam agad namin ang init. Tinawagan agad ako ni Van para mangamusta. Lumapit ako sa mga anak ko at yumuko para mapantayan ko sila. "Sweetie, punta muna tayong hotel tapos dun na tayo kakain. Hm?" "Nay, I'm sleepy." Sabi ni Charlie na namumula na ang pisngi sa init. "Me too." Said Dane sabay hikab. "We'll get some sleep after we eat, okay? For now, punta muna po tayo doon." They nodded and so we headed outside. Sa labas, naghihintay ang isang empleyado ni Van dala ang kotse niya na siyang gagamitin ko muna habang nandito kami. Hinatid niya kami sa malapit na hotel sa Captured dito sa Camarines Sur. Pagkacheck in namin, pinakain ko muna yung kambal tapos binihisan sila ng mas komportableng damit saka pinatulog. Second time pa lang nilang umalis ng Paris kaya hindi pa sila sanay sa time zone. 8:45am na kasi dito samantalang sa Paris, 1am pa lang. Yung una, sa Hong Kong Disneyland. Gift namin ni Van sa kanila nung 3rd birthday nila. Nung nakatulog na sila, I headed back to the kitchen para kumain na. Inuna ko muna yung mga bata at inaantok na sila. Nagpadeliver na lang nga kami eh. Inayos ko ang gamit ko para sa pagpasok ko sa opisina mamayang hapon pag gising ng mga bata. I finished packing my things in no time so I decided to fire up Google. Naghanap ako ng mga magagandang lugar na pwede kong pagdalhan sa mga bata pagkatapos ng mga dapat ayusin sa opisina. Nagparoom service na lang ako ng lunch namin para hindi na hassle. Maya-maya, nagising na rin sila. We ate and we headed to the office. "Hello ma'am. How can I help you?" Magalang na bati ng babae na nasa information desk. Her name tag says she's Anna. "Hi there, Anna. I'm here to fill in for Mr. Van Javier's position." I stared at her. Ngumiti naman siya na parang nahihiya. "Ah eh. Sorry po, ma'am. Akala ko po kasi, lalaki ang partner niya eh. Sorry po talaga!" Nakayuko niya pang sabi. I laughed at her shy gestures. "Okay lang yun. By the way, I'm Reese Ann. Tapos sila naman ang mga baby ko. Si Charlie and Dane. Say hi to Tita Anna, kids." Pumunta sila sa inuupuan ni Anna saka hinalikan siya sa magkabilang pisngi. "Wow. Ang cute niyo naman! Pasok na po kayo sa office ni Sir. Inayos na po namin yan sa pagdating ng papalit sa kanya. Yun nga lang po, hindi namin alam na babae kaya wala po kaming masyadong binago." "Naku, hindi niyo na kailangang ayusin yan. Hindi naman kami magtatagal dito." "Ay ganun po ba? Sayang naman! Marami po sanang magagawa dito sa lugar namin." Pumasok na kami sa office ni Van. Maliit lang ang space pero kasya naman ang isang sofa at table. May mga nakasabit na canvas sa puting pader. May carpet ang sahig kaya agad na naghubad ang mga bata ng sapatos saka sumalampak sa sahig dala ang mga laruan nila. Naiiling akong pumunta sa table ng makita kong nakisali si Anna sa paglalaro. Ipinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng mesa. May mga papel na nakasalansan ng maayos sa gilid. Sa kabilang banda naman, nakapatong ang pen holder, personal mirror at dalawang picture frame. Napangiti ako habang hinahaplos ang mga litrato. It's a picture of me and him. Nakaakbay siya saakin tapos nakahawak ako sa waist niya. Pareho kaming nakangiti at naka peace sign. Yung isa naman, picture naming apat kasama ang mga bata. Nakaupo kami sa lapag tapos nakayakap sa leeg niya si Charlie tapos sa akin naman nakayapos si Dane. Lahat kami nakangiti. It was taken last year bago kami pumuntang Disneyland. "Alam niyo po, Ma'am Reese, ngayon ko lang narealize na kayo po pala yang nasa picture na hawak niyo. Hehe." Natutuwang sabi ni Anna. Ibinaba ko ang hawak kong picture frame saka tumawa ng mahina. "Ahh. Oo. Hehe. Last year lang ito kinunan sa Paris." "Wow. Ang swerte niyo po sa asawa niyo. Ang bait niya at ang gwapo pa." Pagkarinig ko nun, parang natigil ang mundo ko. Asawa? A bitter smile slowly crept on my face. What the hell? Asawa? Wala akong asawa. "Nayy! Where's daddy?" Ang boses ni Charlie ang nagpabalik sa akin mula sa pag-iisip. Binuhat ko siya at iniupo sa lap ko. "Sweetie, bukas pa pupunta dito si daddy. Tatapusin lang niya yung school niya then, he'll go here to see you and Dane." "Waaahhh. Really!? Can we call him? Can we call him? Pleaseee? Nanayyyy. Please!?" How can I say no to this cute kid? "Baby, I know you missed your dad already. Pero nasa school pa po siya ngayon at pagagalitan siya ng teacher niya kapag tinawagan natin siya." She pouts. "Daddy's teacher is bad." I chuckled as I hug her tight. "Tatawag din yun si Daddy. Sa ngayon, you can play here with Dane, hm?" I kissed her cheek bago siya bumaba sa lap ko saka pumunta kay Dane. "Grabe naman po si Sir Van. Ayaw kayong mahiwalay ng matagal sa kanya." Anna giggled. "Huh? Oo. Ganun talaga yun." May pagkachismosa tong si Anna ah. "Kamusta po ba siya maging asawa? Siguro ang sweet niya. Madalas ko nga po siyang naririnig na may kausap sa phone at sigurado po akong ikaw yun. Nag-a-i love you, eh. Hehehe." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya and right there, I knew it. Si Van ang tinutukoy niyang asawa ko. Ngumiti nalang ako. "Nakuu. Sorry po maam! Napaparami na yata ang kwento ko. Hehe. Dadalhin ko na po yung kailangang documents. Sir Van also said that you have to review the financial reports for the past 3 months. And kung may kailangan po kayo, tawagan niyo na lang po ako sa intercom. Have a nice day po. Bye, babies." Paalam niya. Tumango na lang ako. "Bye Tita Anna!" Sabay na paalam ng kambal. I sighed saka ipinikit ang mga mata ko. Mula ng manganak ako, hindi ko na siya naalala pa. Ngayon na lang. Bumalik sa akin lahat ng mga nangyari noon. Yung mga panahon na nakita ko ang sarili kong lumagapak sa lupa. Yung mga panahong kinailangan ko siya. Ang paglayo ko mula sa mga kaibigan at pamilya ko para lang makalimutan mo siya. Lahat yon, nawalan ng saysay sa pagbalik ng mga alaalang iyon. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa naisip ko. Tiningnan ko ang mga anak ko na masayang naglalaro sa sahig bago ko hinalungkat ang bag ko para kunin ang phone ko. Sa nanginginig na kamay, dinial ko ang number ni Van. Panay ang ring pero walang sumasagot. Nakailang try na ako pero wala. Nanghihinang inihilamos ko ang mukha ko sa aking mga palad. Shit! Paano kung pag-uwi ko sa amin, nandun din siya? Paano kung magkita kami? Paano kung makita niya ang mga anak ko? Hindi pwede. Wala siyang anak. Wala siyang karapatan! Tiningnan kong muli ang mga anak ko. My angels. Sila ang naging pag-asa ko nung mga panahong gusto ko nang sumuko. Sila ang tumayo saakin mula sa pagkakadapa. Sila ang naging ila ko ng mga panahong itinulak niya ako sa dilim. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag sinaktan sila. Tama nang ako lang ang nasaktan niya. Wag lang ang mga anak ko. Nagitla ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Si Van! Sinagot ko ito agad. "Honey!" Hindi pa man siya nakakapagsalita, inunahan ko na siya. "Please, pumunta ka na dito. I miss you. Please. Please, honey. Please. I need you here." I said almost whispering my last words. "Reese. Anong problema? May nangyari ba diyan? Ang mga bata?" Hindi ako sumagot. Feeling ko kasi, iiyak ako bigla eh. Namimiss ko na siya. "Hey. Reese. You're worrying me. Talk to me, please." "Honey. I miss you. Pumunta ka na dito." Para akong batang nagmamakaawa sa mama niya na tabihan siyang matulog kasi natatakot siya sa dilim. "Okay. Nagpabook na din naman ako ng flight. I'll be there before you know it. Mabuti na lang at natapos agad ang defense ko. Bukas ng umaga, baka nandiyan na ako. Sige na. Ingat kayo okay? Didiretso na ako sa hotel room niyo pagdating ko diyan." "Okay. Bilisan mo, please." I whispered. He chuckled. "Sus. Miss na miss mo ako eh. Sige na. Ingat kayo. I love you, honey." "Okay, thank you." "Nay, is that daddy? Can I talk to him? Please?" Charlie said as she pulls my shirt. I nodded at tumalon talon na siya. Lumapit sa amin si Dane at nakitalon na rin. "Hon, the kids wants to talk to you. Loudspeaker ko." "Sweetie," Van called. "Daddyyyyy!" The kids shrieked with glee. Van laughed. "I can hear you just fine. Behave ba kayo kay nanay? Papunta na diyan si Daddy." "Yehey! We miss you Dad! Please, puntahan niyo na po kami dito." "Okay. Papunta na ako diyan. I miss and love you both, okay? Hon, nasa airport na ako. Tawag na lang ako bukas pag nasa Pilipinas na ako. Ingat kayo ah. Bye." "Nay, let's go home. Baka nandun na po si Daddy." Grabe naman tong mga to. Para isang araw pa lang hindi nakikita si Van, parang 48 years hindi nagkita. Tss. And look who's talking? Kung papuntahin mo yung tao parang nasa kanto lang siya ah. I glared at my conscience. Shut up! Kailangan ko siyang makausap. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari pag-uwi ko sa amin. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD