ALAS sais pa lang ng umaga ay nagising na kaagad ako. Monday at may pasok na ako sa eskwelahan. Halos dalawang linggo ko ring hindi nabisita ang school. Namiss ko ang magturo ng mga batang maliliit. Nakakapagod man pero napapagaan nila ang loob ko.
"Good morning, class. Namiss niyo ba si teacher?"
"Good morning, teacher. Opo!" Sabay na sabay ang malakas nilang boses na sagot sa akin. Ito talaga ang nagpapaganda ng araw ko. Ang mga batang estudyante ko sa grade 1.
"Namiss ko rin kayo. Okay, take your book and turn the page to ninety. Kulayan ang mga object na nakikita niyo." Utos ko sa mga bata. At itinuon ang aking mata sa mga nirereview kong booklet.
Napatunghay ako nang may pumasok na mga lalaki. May dalang pagkain ang mga ito at isa isang ibinibigay sa mga esktudyante ko.
Napatayo akong nakaawang ng malaki ang bibig. "Sino kayo? At bakit binibigyan niyo ng pagkain ang mga students ko?"
"Good morning, Celestine. Ako ang bumili ng mga food. I bring also for you," pumasok si Mauro sa loob ng classroom at may dala ngang paper bag. Lumapit ito sa akin at inilapag sa ibabaw ng lamesa ko ang dala niya.
Pinameywangan ko siya habang nakataas ang isang kilay. Ngiti ang iginti nito sa aking matalim na tingin.
"Hindi ko naman sinabi na magdala ka ng pagkain sa amin ng mga estudyante ko."
"Nagkusa na lang ako. Alam ko na 'di ka pa nag aalmusal." Sabi nito. Napakaangas pa rin niyang tignan. Kahit na nagmamagandang loob na ito.
"May canteen kami sa school. At may free breakfast ako araw araw. Kaya hindi mo na kailangan na magdala ng pagkain. Masasayang lang 'yan sa akin."
Matiim akong pinagmasdan ni Mauro saka humarap sa mga estudyante.
"Kids, start eating now. Me and Teacher Celestine will have our breakfast here," dire diretsong sabi nito sa mga bata.
Nakita ko ang saya sa mga mukha nila ng umpisahan na nilang kumain. Bumaling naman ng tingin si Mauro sa akin.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang pumalakpak ito ng tatlo. At lumapit ang tatlong lalaki sa kanya. Pumunta sila sa gawi ko saka inayos ang lamesa at inihilera ang lahat ng pagkain. Naglagay din sila ng dalawang upuan magkaharapan. Pumunta sa likuran ko si Mauro at ipinaghila ako ng upuan.
Idinadaan ako sa pagiging gentleman, 'di naman gentleman. Bubulong bulong akong napilitan na maupo.
"Masanay ka ng makita ako araw araw dahil kahit na magalit ka. Araw araw pa rin kitang pupuntahan dito sa eskwelahan. Let's eat. Lalamig ang pagkain," anito. Nagsimula na itong tahimik na kumain.
Napagmasdan kong maigi ang mukha ni Mauro. Guwapo naman ito at maganda ang tangos ng ilong. Pure pinoy pero parang may pagka-foreign blood sa kaguwapuhan. Dumagdag na maputi ang balat nito at parang babae sa sobrang kinis. Talo pa ata ako.
'Celestine, mamaya mo na ako titigan. Naghihintay ang pagkain." Basag nitong sabi sa akin. Napayuko ako bigla dahil sa hiya.
Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Baka kung anong isipin niya sa akin. Akalain pa nitong may gusto ako sa kanya.
"W-Wala akong gusto s-sayo."
Napatigil ito at nakangiting tumingin sa akin. "Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko h-hindi kita g-gusto." Ulit ko sa sinabi ko kanina.
"Alam ko naman, Celestine. Pero hintayin mo lang na makasal tayo. Dahil sisiguraduhin ko na mamahalin mo rin ako. Ihanda mo na ang sarili mo. Magiging akin ka rin."
NASIRA ang buong araw ko, ang unang araw ko sa klase ko. At bitawan ako ng salita ni Mauro na mamahalin ko rin siya kapag nakasal kami. Pa'no mangyayari kung mataas pa sa building ng Cruz Industries ang inis ko sa kanya?
Hapon na at nakauwo na ang lahat ng mga estudyante ko. Naiwan ako dahil dadaan pa ako sa opisina ko. Kinuha ko lang ang bag ko at lumabas ng classroom. Ikinakandado ko ang pinto mang may maramdaman akong taong nasa aking likuran.
"May nakalimutan ka ba? Hindi ko kailangan ng sundo," wala sa loob na sabi ko.
"Hi, Celestine. Naistorbo ba kita?"
Natulos ako sa aking kinatatayuan. Pamilyar ang boses niya. Kaagad akong napaharap sa lalaking sumagot sa akin.
"Ninong Lauren?"
"Dumaan ako para sana imbitahan kang kumain sa labas. Iyon ay kung wala ka ng gagawin. Sa sinabi mo kanina parang may susundo sayo." Ngingiti ngiting wika ni Ninong Lauren. Lumabas ang puting puti at pantay pantay niyang ngipin.
"Huh? H-Hindi po... W-Wala po..." Napakamot ako sa aking ulo, kahit ako hindi ko maintindihan ang sinabi ko.
Lumapit si Ninong Lauren sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute mo kapag nagba-blush. May gagawin ka pa ba?"
Hinawakan ko naman ang pisngi ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako. "Meron po. Dadaan lang po ako sa opisina ko."
"E, 'di samahan na kita. Hintayin na lang kitang matapos."
"Okay lang po sa inyo ang maghintay?"
Sunod sunod na tumango ito sa akin.
"Hindi naman ako nagmamadali. Saka maaga pa naman. Makakaabot pa tayo sa ipina-reserve ko."
"Ha? Nagpareserve na po kayo?"
"Oo, e. Pero okay lang. Tapusin mo muna ang trabaho mo," sagot nito.
Niyakap ko ng mahigpit ang bag ko. Napatitig na naman ako sa guwapong mukha ni Ninong Lauren.
Siya talaga ang ideal man ko. Guwapo, mabait, masarap kasama, masarap kausap at higit sa lahat mukhang daks. Si Mauro na ang layo kay ninong. Malabong mangyari ang sinasabi nitong mamahalin ko siya.
Nang nasa opisina na kami ni ninong ay kaagad kong ginawa ang mga nakabinbin kong trabaho. Napatingin ao sa gawi ni ninong. Tahimik lang itong nakaupo at kinakalikot ang kanyang phone.
Halos trenta minutos ay konti na lang ang mga pipirmahan kong dokumento.
"Marisol, can you come inside my office?" Utos ko sa sekretarya ko sa kabilang linya. Si Marisol ang gumagawa ng trabaho ko kapag wala ako sa opisina at 'pag nagtuturo ako. Tanging siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa eskwelahan.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Marisol at agad na ibinaba ang receiver ng telepono.
Ilang segundo lamang ay pumasok sa loob ng opisina ko si Marisol.
"Ma'am, may iuutos po kayo?"
"Yes. Pakiayos mo na lang ang lahat ng folder. Itutuloy ko na lang bukas ang mga hindi ko natapos. At kapag tapos ka na, puwede ka ng umuwi," utos ko at bilin ko kay Marisol.
"Sige po. Ako na po ang bahala." May kakaibang ngiti ito sa labi na napatingij kay Ninong Lauren.
"He is my Ninong Lauren."
"Ah... Ninong niyo po pala si pogi. Ang akala ko manliligaw niyo na ma'am," mahinang bulong ni Marisol sa akin.
Pinandilatan ko ito ng mata. "Marinig ka niya. Nakakahiya sa ninong ko."
Kinikilig naman na ngumiti si Marisol sa akin saka sinimulan na gawin ang inuutos ko.
NAGING masaya ang gabi ko dahil iyon kay Ninong Lauren. Pero ang kasiyahan kong iyon ay naglaho nang sinabi niya na aalis siya ulit. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse niya, nasa tapat ng building ng condo ko.
"Sandali lang ako, Celestine. Babalik din ako kaagad."
"Pero, ma-miss ko po kayo. Puwede po bang ipagpaliban niyo muna ang pag alis niyo?" Ang isang pakiusap ko sa kanya.
Kinulong ng mga palad niya ang mukha ko at nagtama ang mga tingin naming dalawa. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. At alam kong ramdam ni Ninong Lauren 'yon.
"I will miss you too. Gusto kong may patunayan sa sarili ko. Pagkatapos ay babalik ako. Mayroon akong aaminin sa iyo. Mahihintay mo ba ako?"
Naging malikot ang mga mata ko. Gusto ko lang makita ang buong mukha niya at baunin iyon sa akin. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"O-Opo. Maghihintay ako sayo, Ninong Lauren."
Ngumiti siya ng matamis at hinagkan ang mga mata ko na walang tigil ang pagbagsakan ng luha ko. Saka niya pinalis ng kanyang kamay. Nagdulot ng hindi maipaliwanag na kuryente sa akin ang halik na 'yon ni Ninong Lauren. Nagliparan ang mga paro paro sa akong tiyan.
"Sa pagbabalik ko, ayoko ng maririnig na tinatawag mo akong ninong. Magtiwala ka lang na babalik ako para sayo, Celestine. Naniniwala ka ba sa 'kin?"
Sunod sunod akong tumango at walang alinlangan.
"Thank you. I will cherish this night. Kapag mamiss mo ako. Remember na mahal kita..."
Pinagtakhan ko ang huling sinabi niya.
"Ha? A-Ano pong sinabi niyo?"
Matamis na ngiti pa rin ang naitugon niya sa akin.
"Malalaman mo rin ang sagot sa pagbabalik ko. Sige na. Medyo late na rin. May trabaho ka pa bukas," ang tanging narinig kong sagot niya.
"Sorry po kung hindi kita maihahatid bukas sa airport. Gusto ko sanang bago ka umalis ay makita kita. Pero may klase pa ako. At kapapasok ko lang sa trabaho. Sana kasi sinabi niyo ng mas maaga, hindi muna sana ako pumasok sa eskwelahan."
"Okay lang. Mas maganda nga na hindi mo makita na umalis ako. Baka magkaiyakan pa tayong dalawa."
Napanguso ako. "Last day mo nga na sana magkasama tayo, 'nong. Iiyak po talaga ako."
"Kaya nga mas gugustuhin ko na hindi mo makita ang pag alis ko para hindi ko makita ang mga mata mo na lumuluha."
Natigilan ako nang bigla akong konabig ng yakap ni ninong. Sa higpit ng yakap niya na parang ayaw niya akong pakawalan. Para tuloy ayoko ng matapos ang gabing ito.
NAKALABAS na ako ng kotse ni Ninong Lauren. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang init ng yakap niya.
Walang lingon akong nagmamadaling pumasok sa loob ng building. Ayokong muling lingunin si Ninong Lauren. Maiiyak na naman ako at baka hindi ko pa siya payagan na umalis.
Nang makapasok ako sa loob ng condo ko ay doon ko na ibinagsak ang mga luha ko.
"Mahal na nga ata kita, Ninong Lauren," nasabi ko habang humahagulhol ng iyak.