"NAKAKAHIYA kay Ninong Lauren." Sawata ko sa kaibigan ko nang malapitan ko siya. Nagulat si Joy sa narinig. 'Di makapaniwala na ninong ko ang lalaking kasama ko. Saka nahihiyang tumingin kay Ninong Lauren. Pinagtatawanan ako nito dahil sa hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Ninong Lauren, best friend ko po, si Joy." Pakilala ko ng formal sa kaibigan ko. Nahihiya pang itinaas ni Joy ang kanyang kamay. Tinablan din ng hiya sa ginawa niya. Tumingin ito sa akin at napanguso. Tinawanan ko ang itsura ni Joy.
"Hi, Joy. Please to meet you." Bulalas ni ninong na pinipiglan ang tawa at inilahad ang kamay para makipagkamay.
Kiming tinanggap ni Joy ang pakikipagkamay ni Ninong Lauren.
"So, nagkakilala na kayong dalawa. Tutal andito si Joy. Then, let's make our food at mag-movie marathon tayo." Masiglang sabi ko na nagpapalit palit ng tingin kay Ninong Lauren at Joy. Binitawan ng kaibigan ko ang kamay ni ninong.
"I like it. I will do the honor to cook a good for both of you, ladies. May maipagmamalaki rin akong talent bukod sa kaguwapuhan ko," hindi ko alam kung nagbibiro si ninong. Pero totoo naman ang sinabi niyang gwapo siya.
Tinulungan kong magsalansan si ninong ng mga pinamili namin at inilagay sa mga cabinet sa kusina. Habang si Joy ay nasa sala, nanonood ng movie. Nang matapos kami ay inumpisahan na ni Ninong Lauren na maggayat ng sibuyas at bawang.
"Celestine, sa sala ka na. Puntahan mo ang kaibigan mo r'on."
"Gusto ko po kayong tulungan." Tanggi ko.
"Kaya ko na ito. Saka walang kasama ang kaibigan mo. Sige na."
Napilitan akong sumang ayon sa sinabi ni ninong. Bago ko sinundan si Joy sa sala ay piinagmamasdan ko si Ninong Lauren. Guwapo pa rin talaga at maganda ang hubog. Kaya napapagkamalang boyfriend ko. Talo pa nga niya ang mga kaedaran ko. Sana'y wala pang natatagpuang babaeng mamahalin si Ninong Lauren. Baka sakali na kami ang nakatadhana.
Potek! Umaasa ako. "Bakit may gusto ka na ba sa Ninong Lauren mo?" nausal ng sarili kong utak.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang lalaking malapit ng mag-40's pero mukha pa ring bata? Makalaglag panty pa rin si ninong. Kahit ang garter ng panty ko ay lumuluwag.
"Yes, Celestine. May sasabihin ka pa ba?"
Napaayos ako ng tayo nang bumalik ang akin ulirat sa imahinasyon kong imposibleng mangyari.
Sunod sunod akong umiling kay Ninong Lauren saka napakagat labi. Nag alangan akong tumalikod habang ngingiti ito sa akin. Nakakahiya ang ginawa ko. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Baka isipin nito na pinagpapantasyahan ko siya.
"Oh, Celestine, tapos na ba kayong magluto? Nagugutom na ako," kaagad na tanong ng kaibigan ko habang umuupo sa tabi niya.
"Hindi ako ang nagluto. Nagprisinta si ninong na siya na raw ang magluluto."
Maa lumapit pa si Joy sa akin. "Ang guwapo ng ninong mo. Hindi ko halata na medyo may edad na siya. Crush ko na ata siya," kinikilig na bulong nito sa akin.
Napa-roll ang mata ko. Magkaribal pa ata kaming magkaibigan.
"Crush mo na si Ninong Lauren? Parang ngayon mo pa lang siya nakilala."
"Ang lakas ng dating niya. Shet! Celestine, may girlfriend na ba siya?" Parang linta na hindi mapakali si Joy.
"Hindi ko alam. Ikaw kaya ang magtanong para malaman mo," sagot ko na halata ang pagkairita ko.
Napatingin bigla si Joy sa akin. Tila nang-uusig ang kanyang mgs tingin sa akin. Saka ngumiti ng nakakaloko.
"Celestine, ha. May itinatago ka ba sa akin? Aminin mo nga, may gusto ka sa ninong mo, ano?"
Natigilan ako, 'di ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Pero pulang pulang pisngi ko at tenga. Aaminin ko ba o 'wag na lang sagutin ang tanong ni Joy? Huli na niya kaya ako.
"H-Hindi, no," tanggi ko na nautal. Kinagat ko ang labi ko sa kagagahan ko. Alam kong hindi titigil itong kaibigan ko sa kakausisa.
Napaismid si Joy. Tinawanan niya ako ng malakas. Hindi naniwala ang kaibigan ko sa isinagot ko.
"Kilala kita, Celestine. Alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo sa akin at hindi. 'Wag mo ng itago sa akin. Aminin mo na lang kasi."
Pinipigilan ko ang sarili ko na umamin. Tutuksuhin ako ni Joy. Alam na alam niya kapag nagsisinungaling ako. Mamula mula ang tenga ko. At kilala niya ako na never pang nagkaroon ng boyfriend. I have crushes sa school. Pero hindi naman mauuwi sa love. Dahil masyado akong mapili at mataas talaga ang standard ko sa mga lalaki. Hindi ako open sa nararamdaman ko sa iba.
"Ano ka ba, Joy! Hindi ko gusto si Ninong Lauren. Saka 'wag ka ngang maingay baka marinig tayo." Napatingin ako sa may gawi ng kusina. Ngunit, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ninong Lauren na nakatayo sa pintuan.
Kunot ang noo niya at naka-cross arms.
"Ano bang binubulung bulong mo d'yan sa kaibigan mo, Celestine? Saka, narinig ko ata ang pangalan ko n binanggit mo."
Napasulyap ako kay Joy na nanunukso ang mga tingin. Pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Saka pinakibot ang labi.
"Ah, wala po. Nasabi po kasi ni Celestine na magaling daw po kayo magluto," si Joy ang sumagot.
Napangiti si Ninong Lauren sa amin. Natulala ako nang naglakad ito palapit sa aming magkaibigan. Bukas ang tatlong butones niya sa taas. Litaw ang mabalahibong dibdib nito. Bakit gan'on ang guwapo pa rin niya kahit na pinagpapawisan siya?
"Sa totoo lang si Celestine talaga ang magaling magluto. Taga-kain lang ako. Dahil sa matagal kami hindi nagkita. Pinaglutuan ko siya," kuwento ni Ninong Lauren pero ang mata niya ay nasa akin.
Nangilabot ako sa paraan ng pagtitig niya. Nagtayuan ang balahibong pusa sa braso ko.
"Huwag kang maniniwala, Joy. Si Ninong Lauren talag ang magaling magluto at hindi ako. 'Di nga ako nagluluto sa condo ko. Puro in can ang mga pagkain ko. Bukod sa iinit mo na lang ay nakakatipid pa ako," ani ko. Hindi naman halata na kuripot ako.
"Celestine, kahit kailan ka talaga. Paglabas ng building niyo, marami kang pagpipilian na puwedeng kainan. Ang sabihin mo, kuripot ka talaga," sabi ni Joy na ikinatawa ni Ninong Lauren.