Chapter 9.d

1517 Words
Zhairell Kheina X. Mirchovich’s POV “Sigurado ka sa desisyon mo?” tanong ko kay Kuya Zhaiken nang sumulpot ako sa gilid niya matapos niyang ihatid si Lucifen sa gate ng Chess Estate. “Magagalit si Moon sayo dahil trabaho niya itong pinapagawa mo kay Lucifen.” Nakita ko kasi sila na lumabas ng mansion kaya palihim akong sumunod. Wala naman silang nabanggit kanina na aalis pala si Lucifen kaya siguradong may secret mission ito na gagawin. “Isa si Moon sa target ng mga Aletta.” Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa mansion kaya sumunod ako sa kanya. “Hangga’t hindi bumabalik sa atin ang kontrol sa Shiganshina at Trost, malalagay lang sa panganib ang buhay niya kapag hinayaan ko siyang lumabas dito.” “Ibig sabihin ay plano mo silang ikulong ni Jin dito hangga’t wala tayong nagagawa sa sitwasyon ng dalawang syudad na iyon?” Tumangu-tango siya. “Losing them will hit us hard and I can’t let that happen.” Well, tama din naman ang desisyon niya. Malaking parte sina Jin at Crescent kung bakit sa kabila ng mga nangyayari ay nananatiling nagkakaisa ang mga estudyante ng Royal University. Kung tutuusin kasi ay pwede naman na silang umalis dito at magpilit na lumabas ng bansa. They can do something to contact their parents but they are aware that it might also complicate our situation more so they are all cooperating with us. So, we really have to be careful about doing things that involve Crescent. Sa sitwasyon na ito, si Lucifen lang talaga ang choice namin para sa trabahong ipinapagawa sa kanya ni Kuya Zhaiken. Pero… “Sa tingin mo ba, magagawa ni Lucifen ang ipinapagawa mo?” tanong ko. “Kung si Strea nga, hindi magawang makapasok ng Royal Region, magagawa kaya niyang makarating ng border?” Getting out of the mainland was already hard, even for Strea who was good at sneaking in and out of anywhere. Paano pa kaya sa isang tulad ni Lucifen na hindi pa naman ganoon katagal na humarap sa training ng parents namin? Kuya Zhaiken sent him out to go where our parents were stationed. Hindi pa malinaw kung saang parte ng border sila naroon pero tingin ko naman ay kaya nang alamin ni Lucifen iyon. Pero tulad nga ng sinabi ko, sa paglabas pa lang niya ng mainland ay siguradong hindi na magiging madali para sa kanya. Lalo pa kaya kung ia-approach niya ang border. Hindi pa man din siya naipapakilala sa publiko bilang anak ng isang Ziare Xermin-Mirchovich kaya posible ding hindi agad siya paniwalaan kahit pa ipakilala niya ang sarili niya. “I will not send him away if I don't trust his skills.” Tinahak na niya ang daan pabalik ng mansion kaya sumunod na lang ako sa kanya. “At alam din niya kung gaano kahalaga ang bagay na ito kaya siguradong gagawa siya ng paraan para makarating kina Mommy.” “I trust his skills but his training was not even finished so you can’t blame me for worrying.” “I am also worried,” he said. “But all we can do is pray that he can do the thing that only he can do.” Bumaling siya sa akin. “Let’s just trust him, okay?” Bumuntong hininga ako. “Fine. But make sure you will inform Crescent about this first thing in the morning, okay? Siguradong magagalit iyon kapag nakatunog na si Lucifen pa ang higit mong inaasahan kaysa sa kanya.” “Fine,” aniya. “I will tell her.” Tinapik ko ang balikat niya. “Okay. Then, I gotta go back to my thing.” Nag-iba na ako ng daan dahil hindi naman ako matutulog ngayong gabi. Marami pa akong pinagkakaabalahan bilang paghahanda ko sa pagpuslit sa kampo ng mga Aletta lalo na’t malayo-layo din ang iba-byahe ko para makarating doon. “This is so not cool, Z!” inis na sabi ni Hydra pagpasok ko pa lang sa silid na itinayo nila sa tabi ng greenhouse ni Rayzsel. “Do we really have to change the color of our hair?” “Aba’y syempre!” mabilis na singit ni Cassiopeia. “Disguise ang tawag diyan. Alangan namang umaligid tayo sa Rod Region nang ibinabalandra ang pagmumukha niyo ni Orion. Eh ‘di agad na nakatunog ang mga Aletta.” “She is right,” pagsang-ayon ko at naupo sa gilid. “High profile kayo ni Orion sa lugar na iyon kaya required kayong mag-disguise kung talagang gusto niyong sumama sa akin doon.” Halos lahat naman ng underlings ng Chess’ Queens ay mga high-profiled people. Katulad na lang nitong si Hydra na siya mismong namumuno sa Brand Province ng Rod Region at si Orion ay tagapagmana ng ama niya na kasalukuyang pinuno ng Aska Province. Anak ng marquess si Cassiopeia. High-paying lawyer si Capricorn. Military doctor naman sina Caelum at Crux na nakakasama na ng first generation ng Chess na ipinapadala sa iba’t-ibang parte ng mundo para sa mga mission. Lynx, Attila, Vela and Cetus had already established their empire outside the country. At si Cancer, future king iyan ng isang bansa sa Europe. Kaya sa totoo lang, may mga pagkakataon na napapaisip ako kung bakit pumapayag ang mga ito na utus-utusan ng isang tulad ko na hindi pa nga halos nakakatapos ng pag-aaral. Samantalang sila, sa kabila ng edad nilang hindi naman nalalayo sa akin, ay matataas na ang achievements. “Naiintindihan ko naman na kailangan natin ng disguise.” Huminga ng malalim si Hydra. “Pero dapat ba talagang permanent color itong ginamit niyo sa akin?” Inis niyang ginulo ang buhok. “Siguradong kakalbuhin ako ng kapatid ko kapag nakita niya akong ganito.” She has natural straight blonde hair. At gustong-gusto iyon ng kapatid niya para sa kanya kaya talagang tinutulungan pa siya nito sa pag-aalaga ng buhok. Pero dahil kailangan naming siguraduhin na hindi makakatunog ang mga Aletta sa plano namin ay kinulayan namin ng itim ang buhok niya. “Huwag mo na munang isipin ang kapatid mo,” ani Crux. “Kung hindi agad natin matatapos ang problemang ito, siguradong matagal pa kayong magkikita.” Bumuntong hininga na lang siya. Well, alam naman niyang wala din siyang choice. Kahit ako lang ang pupuslit sa mismong base ng mga Aletta, ang mga underlings ko naman ang magse-secure ng buong rehiyon. Hindi iyon magiging madali dahil iilan lang naman kami pero oras kasi na magawa namin iyon ay siguradong maiko-contain namin ang main force nila sa loob lang ng rehiyon na iyon. At kapag nangyari iyon, maaari nang kumilos ang buong Chess para linisin ang ibang rehiyon at tuluyang makuha ang kontrol sa buong mainland. “So?” Tumabi sa akin si Cetus. “What is our exact plan? We are ready to set out in three days.” “Then, here is what you are going to do,” I said. “All of us will enter the Rod Region. We will take down every facility that the Aletta Clan was using to sustain their base.” Hydra and Orion will first check their territory. The others will shut down all the power grid, water dams, food markets, and other shopping malls or convenience stores around the region. They will guard those facilities, just in case someone tries to open it again. Habang ginagawa nila iyon, ako naman ang pupuslit sa loob ng base ng mga Aletta para kitilin ang buhay ng leader nila. Killing their leader might not do much since they could just appoint another one but it will surely trouble them even just for a while. And it will buy us some time to finally execute our plan to completely take back control over the whole mainland of Avenir Kingdom. “What about communications?” tanong ni Mairon. “And transportation once we got there? You know, just in case someone needs backup.” “May ginawang communication device si Zeci,” sabi ko. “Need pang i-test kaya makukuha pa lang natin iyon bago tayo umalis.” Some of the RU students were also helping him so that we could have a stable communication signal. “As for the cars, we can just take some near where you are stationed.” “I have a lot of motorcycles in our house. Pwede niyong kunin doon bago kayo pumunta sa lugar ng misyon niyo.” sabi ni Orion. “Sa ganitong sitwasyon, wala na tayong magiging problema dahil real time naman ang communication natin. Madali tayong makakasaklolo sa kung sino man ang mangangailangan ng backup.” Alam kong hindi magiging madali ang gagawin namin. Iilan lang kaming kikilos para sa kabuuan ng Rod Region pero tingin ko naman ay kakayanin namin ang misyong ito. We just have to take everything easy while slowly making progress. It is not easy, but it is still doable. And I trust my underling’s skills. We will succeed in isolating the Aletta inside their base and Chess will get control of the mainland. With this, our parents can just focus their attention on guarding the border of our country.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD