Matapos ang labang naganap sa pagitan ni Cross at Grande, Eugene at Sera nagkita sila Cross sa isang silid. " Kung ganoon tayo pa lamang ang narito" wika ni Cross kay Eugene " Ano na kaya ang nangyari sa kanila?" pag aalala ni Eugene Habang nagpapahinga ang dalawa si Veridian naman ay ilang araw ng hinahanap ang Diyos na si Rain. Makalipas ang apat na araw nahanap niya ito at nagsimula ang kanilang paglalaban subalit wala sa anu mang atake ni Verdian ang nakawang tumama kay Rain. ( Anong gagawin ko, tumatagos lamang ang mga atake ko dahil nagagawa nyang maging tulad ng sa tubig..... ice spell ang hindi ko natutunan na kailangan ko ngayon) wika ni Veridian sa sarili habang nag iisip ng dapat nyang gawin. " Bakit hindi ka na lamang sumuko? Isa pa wala kang makukuha na kahit ano pa man

