CHAPTER 6

1027 Words
“HIJA, GISING na. Hindi ka kumain kagabi,” rinig kong saad ni Aling Elena. Minulat ko ang mga mata ko. Tipid na ngumiti ako, tanda ng pagbati sa kaniya. Tumayo ako at tumungong banyo. Bago pa man ako makapasok, nagsalitang muli si Aling Elena. “Ayos ka lang ba, hija? Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo, pagod lang siguro iyon...“ Pagpasensiyahan? “'Yon pa rin ho... ang ginagawa ko hanggang ngayon...” Hindi ko na narinig na sumagot si Aling Elena kaya pumasok na akong banyo. Habang naliligo biglang pumasok sa isip ko ang litrato. Ang litratong binigay ng Mamang driver... Kunot-noo kong tinitigan ang litrato nang makalabas ako sa banyo. Paano ko... naman malalaman kung saang lupalop nakatira ang isang 'to? Sinuri ko ang litrato. Isang napakaseryosong lalaki; kayumanggi ang kulay nito. Tama lang ang tangos ng ilong, may pagkasingkit ang mata at may nunal sa gilid ng kaliwang mata. Siguro matandang isa o dalawang taon sa 'kin... Tinalikod ko ang litrato, napansin ko ang nakasulat dito gamit ang asul na tinta ng ballpen. Halatang iyon ang address nitong lalaki. Nagbihis ako at bumaba sa sala. Madaming pagkain ang bumungad sa 'kin. Iba't-ibang putahe ang nakalatag sa hapag-kainan. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at lumabas ng bahay. “Mang Eddie, pakisabi na lang ho kay Aling Elena na may pupuntahan lang ho ako. Pakisabi na rin ho na gagabihin ako ng uwi...” Si Mang Eddie ang taga-bantay rito sa bahay. Siya rin ang taga-linis ng pool dito. “Walang problema, hija,” nakangiting tugon nito. Sumakay ako ng taxi. Naalala ko ang address na nakasulat sa litrato kaya tinanong ko ang Taxi driver kung saan ko naman matatagpuan ang lugar na 'yon. “Alam niyo ho ba kung saang lugar ito?” Pinakita ko sa kaniya ang address. “Dalawang oras ang biyahe patungo riyan, hija.” “P'wede niyo ho bang ihatid ako sa lugar na 'yon?” magalang na tanong ko. Napatingin sa 'kin ang driver at napakamot sa ulo. “Naku, hija! malayo ang lugar na iyon. Pero kung gusto mo. Sige, pero magbabayad ka ng malaki...” “Wala hong problema.” May katagalan ang biyahe namin kaya mariing ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at inisip ang nangyari sa 'kin kagabi. Sino at bakit? Kung balak nilang patayin ako, bakit ngayon lang kung p'wede naman noon pa? Mas'yado nilang pinatagal kung gano'n... Napamulat ako sa amoy ng hangin na nalanghap ko. May kasamaan ito at nakakasakit sa tiyan. Dumaan kami sa makipot na daan, halos magkakatabing bahay ang mga narito. Hindi ko alam kung ligtas ba ang pumunta rito pero wala na akong magagawa, nandito na rin ako kaya tapusin ko na 'to... Huminto ang sasakyan sa isang tabi. May maliit na tindahan sa gilid at maraming bata ang pakalat-kalat. Binayaran ko ang driver at tipid na ngiting nagpasalamat. “Salamat ho.” “Wala iyon, hija, mag-ingat ka. Mukhang maraming daga rito,” bilin nito bago pinaharurot ang sasakyan. Inilabas ko ang litrato at nagsimulang nagtanong-tanong. “Manong, kilala niyo ho ba ito?” Yumuko pa ako para makita ang mukha ng matandang tindero ng maliit na tindahan. Tumingin sa 'kin ang tanda at sinuyod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Hindi ko na nakikita ang batang iyan. Tanungin mo, hija sa mga kapitbahay.” Lumalim ang titig ko sa tanda. “Nakikita mo ba iyan?” Turo niya sa maliit na eskenita. “Pumasok ka riyan, nandiyan ang bahay nila. Kung hindi ako nagkakamali, ang ika-apat na bahay ang kanila.” Tumango ako sa kaniya. “Salamat ho.” Hindi pa rin mawala ang titig niya sa 'kin. Kumunot pa ang noo nito. “Ikaw ba ang kasintahan ng binatang iyon? Biruin mo kay gandang dalaga. Pakisabi sa boypren mo, hija, iyong utang kamo, huwag niya nang bayaran...” Malawak na ngumiti ang tanda. Inayos nito ang mga dilata saka tumingin sa akin. “Naku, hija, huwag ka nang mahiya. Ganiyan din si Mameng noong kapanahunan pa namin. Mga magkasintahan talaga ngayon, may pahiya-hiya pang nalalaman,” iling-iling na saad ng tanda. “Gano'n ho talaga siguro...” Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Naglakad ako patungo sa sinabi ng tanda. Maraming mata ang nakamasid sa bawat galaw ko. “Iyong kasal niyo, dapat imbitado ako, kung hindi, ti-triplihin ko ang utang ng boypren mo, hija!” rinig kong sigaw ng tanda. Hindi ko na ito pinansin. Tinuloy ko ang paglakad papasok sa eskenita. Natanaw ko ang tatlong kababaihan. Siguro isa silang pamilya... Maikli ang buhok ng isa, kayumanggi ang balat nito. Ang pangalawa nama'y may kahabaan ang buhok, itim na itim ito tulad ng kulay ng buhok ko. Parehas sila ng kulay ng balat no'ng isa. Ang huling babaeng namataan ko ay ang Ali. Mataba, tantiya ko magkasing-edad lang sila ni Aling Elena. “Sino ba 'yan?” rinig kong saad ng maikli'ng buhok. “Ewan! baka naghahanap ng u-upahan,” walang ganang sagot ng mahaba ang buhok. “Sa suot niyang 'yan, uupa rito? Naku! Tingnan mo ang sapatos mukhang mamahalin tapos uupa rito? i-pusta ko 'tong kilay ko, kung uupa nga 'yan.” “Kilay? 'Kala mo naman maganda 'yang kilay mo, mukha namang sa pusa.” “Aba! Anong sa pusa? Ikaw nga iyang mukha mo puno ng butlig para kang asong pini-pimples.” “Hoy! tumigil kayo riyan, mukhang papunta rito ang dayo,” ma awtoridad na wika ng matabang Ali. Nang tuluyang napasok ko na ang eskenita. Lumapit ako sa tatlo 'tsaka ipinakita ang litratong hawak ko. “Kilala niyo ho ba... kung sino 'to?” tanong ko sa kanila. Pinag-agawan nila ang litratong pinakita ko. Parang may nakita silang artista sa emosyong bumakas sa mukha ng dalawa. “Si Byron ba ito?” nanigurong tanong ng matabang Ali. “Si Byron? My labs!? 'Yong asawa ko!" Napatikhim ako dahil sa biglaang pagsigaw ng maikl'ng buok. Tingin ko ka-edad ko ang isang 'to... “Anong asawa? Hindi nga makatingin sa 'yo kasi mukha kang dugyuting pato, asawa pa kaya?” nandidiring sabi ng mahaba ang buhok. “Naku, hija, ilang linggo nang hindi umuuwi ang batang iyan,” anang Ali. “Paano ba naman, Nay! Itong si Lisa, ang daming lisa at kuto kaya siguro hindi na umuwi. Ayaw mahawaan,” saad ng mahaba ang buhok. Tumingin sa akin ang Ali at muling nagsalita. “Pansin ko sa mag-amang iyon, padalas nang padalas ang away. Kawawa nga ang batang iyon natigil sa pag-aaral. Nitong nakaraang linggo lang nang umalis si Byron, tumindi na kasi ang away nilang mag-ama.” Napabuntong-hininga ang Ali at muling nagpatuloy. “Mabait na bata iyong si Byron, magaling makisama, at napakatalino pa.” “Gano'n ho ba?” wika ko. Tumango ang Ali at tipid na ngumiti. “Bakit mo ba hinahanap si Byron, hija?” tanong niya sa 'kin. Masama na ba ako kung... magsisinungaling ako ng isang beses? Napatitig ako sa Ali bago napaiwas ng tingin. “A-Ako ho kasi ang girlfriend niya ho...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD