Four Years later Ezekiel pov He is back, numb. Naging napakahirap para sa kanya ang tanggapin ang sabay na pagkawala ng kanyang mag-ina. Dumating sa point na halos di siya natutulog sa kakahanap kay Abby. He know her for a long time na naisip niyang di nito magagawa na lumayo. Alam niyang minahal siya nito, pero nanatiling palaisipan sa kanya ang dahilan ng paglaho nito na parang bula. Four years mahigit na ang lumipas, ngunit pakiwari niya ay tila kahapon lang nangyari ang lahat. Napanatili ng panahon ang pagmamahal niya sa babae sa kabila ng naging pasya nito na iwanan siya. Alam niyang karuwagan ang isuko ang pagmamahal para sa kanya. "Hey men, pahinging chocolate!" Si Jhai na kakapasok lang. Napatingin naman siya dito, he closed his life to his friends. Pakiramdam niya kasi ay

