THIRD PERSON POINT OF VIEW Kumaripas ng takbo si Zachariah papasok sa ospital at dumiretso sa emergency room. Pauwi na siya mula sa mansyon ng mga Asidera ng makatanggap siya ng tawag mula sa nobya na naaksidente daw ang kaibigan niya. So he drive as fast as he can just to reach the hospital. Sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ni Zachariah. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Nakita niya ang nobya sa labas ng ER at umiiyak ito habang hindi mapakaling pabalik-balik sa paglalakad. "Babe." Pagtawag ng pansin ni Zach sa nobya. Agad namang inangat ni Amabelle ang ulo niya at nagmadaling lumapit at niyakap ang kasintahan. Nang mayakap na niya ang nobyo ay doon na siya umiyak ng malakas. "What happened?" Bakas sa boses ni Zachariah ang pangamba at pag-aalala. "There was an accident. T

