Jade's POV Nanigas ako sa puwesto. Ang swerte ko naman ata ngayon. Akala ko ba "No one will see us", anong nangyari? Hindi ko alam kung paano ko haharapin ngayon si Papa kaya pinili ko na lang na manatili sa puwesto ko para makapag-isip. Tutal naman kanina pa ata sya dyan, so kung magpapanggap lang ako na tulog baka magka-time pa ako para makapag-isip ng palusot. Pero mukhang nahuli ata ako sa sarili kong plano at ang bilis na nagfire back yun. Gumalaw kasi si Hilaw at mas hinapit pa lalo ako. Ngayon ko lang narealized na kaya pala madilim kaninang pagmulat ko ay dahil nakaharap ako sa dibdib nya. Imagine, dyan ko hinilamos yung mukha ko kanina. Ay talagang kinakalibutan ako! Akala ko naman kasi unan, yun pala hindi. Tapos nakita pa ni Papa yun!!!! Ang swerte ko naman!!!! He-he-he--hay

