Single at Workplace

2247 Words
Jade's POV Naalala nyo yung sinabi kong "Mukhang mamalasin ako." parang nagkakatotoo na nga sya. Kasalukuyan akong naandito ngayon sa restaurant namin para magwork, since may one week off kami. Wala naman kaming planong magbabarkada dahil may kani-kanila silang lakad. Ang alam ko pupunta ngayon si Stella sa family side ni Jerome para bumisita. Close naman na sya dun sa kamag-anak ni Jerome kaya walang problema. Si Rina naman susundo sa kuya nyang galing ibang bansa. Si Molly, ang alam ko bahay daw muna sya. Habang si Cheska may birthdayan daw na pupuntahan. Iniimbitahan pa nga ako kaso tinanggihan ko dahil di naman sya yung magbibirthday kaya imposibleng kilala ako dun sa pupuntahan nya. Mamaya ma-out of place pa ako. Pero ngayon parang humihiling ako na sana umo-oo na lang pala dapat ako, kasi di ko matansya kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa lalaking kakapasok lang. May brown stipped white long sleeve sya at darker brown jeans. May tangkad at puti itong lumilitaw kahit sa karamihan ng tao. May napakaliwanag na aura, na para bang may dala-dala syang sariling ilaw sa likod, dahil sa kapansin-pansin nyang mukha na nakangiti at namumula. Siguro dahil sa init mula sa labas. Isang pamilyar na mukha na once ko nang napuri. Bakit kaya naandito 'tong tao na to? Mukhang naliligaw na naman. Nakakatakot na kausap ko lang sya nung isang araw, tapos naandito naman sya ngayon. Imposible namang sinusundan nya ako dahil dun sa akala nya, diba? "Bakla, pwedeng ikaw na kumuha dun sa order ni Pogi. Magreretouched lang ako ng make up. Haggard na kasi ang lola mo." kulbit sa akin ni Weng, yung waiter talaga dito. Grabe, siya 'tong tinutulungan sa trabaho tapos ako pa inutusan. Hindi kaya ako nasweldo dito. "Hoy gaga, bakit ako? May table pa ako eh." "Bakla naman eh, nakakahiya yung face ng ate mo ngayon." sabay kurot nya sa braso ko. Mabilis ko naman yung iniwasan dahil sa sakit. Pinanglakihan ko sya ng mata na kinahaba ng nguso nya. Akala mo naman cute. "Oo na!" pag-irap ko dito pero bago pa man sya ngumiti ay hiniritan ko na. "Okay na sana, kaso mali-mali ka lang eh. Anong ate? Dapat kuya!" kaagad akong kumaripas papalayo nung hahablutin pa nya ulit ako. "Talaga 'tong gagang to!" pahabol pa nya. Hahahaha, anong akala nya sa akin, hindi babawi? Pagkatapos nya akong utos-utusan. Ganto kasi talaga kami dito. Lahat ata ng mga nagtratrabaho dito medyo puro pabiro at loko-loko. Normal na kasi sa amin yun. Well sa akin, oo, kasi tatay ko ang nagpalaki sa akin. Sa mga nagtratrabaho naman dito, I think nahawa lang sila kaya nakakalimutan nila yung serious sides nila. Minsan nga, pati utak feeling ko nakakalimutan din namin eh. Sobrang tawang tawa ako nung nakalabas ako sa may front desk. Kaso lahat ata talaga, hindi pwedeng permanente. Unti-unting nawala ang mga ngiti ko nang maalala ko ang lalapitang table para kuhaan ng order. Pano kasi, papalapit palang ako ay lumalapad na kaagad ang ngiti nya. "Welcome po, Sir." pagbati ko rito. Syempre, kailangan professional pa rin ako. "Eto nga po pala yung menu namin." pag-abot ko sa kanya nun. "Thank you." pagtango nya. Deretsyo nya akong tinignan sa mata nang hindi nawawala ang ngiti na nakadikit sa mukha nya. "Sir." pagturo ko sa menu, ang ibig sabihin nun ay kukunin ko na ang order nya. Sinisigurado ko lang na oorder sya. Masasayang oras ko neto eh. At tsaka, mukha bang sulatan ang mukha ko at dun nya hinahanap ang laman ng menu namin, ha? "Order na po kayo-eh-eh." hilaw kong ngiti dito, bago lumiwas ng tingin. Ngunit ganun na lang ang pagtataka ko nang makita ang mga taong nagkukumpulan malapit sa may serving lane, na pumapagitan sa kusina namin at sa dinning hall namin. Naglalabasan dun ang mga tao galing sa kusina na tinatawag ni Weng. Aba?! Chimis lang, bess?! Wala ba talaga silang ibang gagawin at talagang pinapanuod nila ako, ha? Excuse me, working hours kaya ngayon at medyo busy!!! May gahd! Ako lang ata ang matinong waiter dito ah. Papa ha! Ano ba 'tong mga pinipili mong empleyado dito? Sabi na't ako talaga dapat ang mag-iinterview next time sa mga papasok dito. "Shu!" pagsinyales ko sa kanila. Para kasi silang nanunuod ng sine dito. Talagang mga nakangiti pa sila, ha. Napailing na lang ako nang patago para hindi mahalata yun ng lalaking nakaupo sa harap ko. Dapat kasi bilisan na nyang umorder. Lubos naman akong natauhan nang makitang nakasilip ang mga tingin nya sa akin. Ayan tuloy pati ako nawawala sa pagtatrabaho. "Umm, yes, Sir? Oorder na po ba kayo?" "Yes." tipid nyang tango. "Can I have your best seller dish here, and your dishes for today?" sabay flip nya ng walang bahala sa menu. Namatay tuloy ang buhay sa mga mata ko. Tama nga ako. Loko-loko nga to. English, huh? Sya nga yun. Yung Hilaw, sa mall at yung same na Hilaw dun sa school, na nakatulad ng una naming pagkikita ay kung ano-ano rin ang sinabi. Ngayon, for sure, nakakasigurado akong ganun din ang mangyayari. Mukhang walang pinagbago 'tong Hilaw na to, at puro kung ano-ano lang rin ang sasabihin dito. Kaya kinapitan ko ang kamay nya na wala namang ginawa kundi balibaliktarin lang yung menu. See, sinong oorder nang ni hindi man lang alam kung pano basahin ang menu? Seryasli? Dud, lipwad leng eng isep? "Sir, sir." habol ko sa kamay nya. "Sir, tama na. Okay lang yan." Napailing na lang ako sa kaloob-looban ko. Hindi ko alam kung ano ang iintindihin ko, yung mga tao ba dun sa serving lane, na nakalimot lang ng utak, o etong lalaki sa harap ko? Buti pa kasi yung mga yun, alam kong nakalimot lang and soon mahahanap din nila utak nila. Pero eto kasing nasa harap ko, mukhang pati sa sarili nawawala na. Ano ba naman 'tong mga nasa paligid ko?! Papa naman kasi! Ano ba 'tong restuarant na tinayo mo?! Mukhang sahalip na mga gutom ang pumapasok, eh parang mas ina-attract pa ata yung mga TULUYANG NANg NAGUTUM na talaga. Ano ba, nag-iipon ba talaga tayo ng mga gantong tao?!!! "Sir, okay lang kung hindi nyo alam yung oorderin nyo. Hindi naman po kailangan magmadali. Take your time." magalang na saad ko. "Tawagin nyo na lang po ako kung ready na kayo." Ngiti nya akong tinanguan. Tama nga ako, hindi nga nya alam yung mga ino-order nya kanina. At bago pa man ako makaalis ay nakita ko na kagad ang madiin nyang pagpikit sa may kaliwa. Mukhang nahiya ata. Oh! Akala ko ba flawless na script writer sya, eh bakit parang nawalan? Ano ba yan para oorder lang eh? "Ano Jade? Anong sabi?" mabilis na pagkapit ni Nika, isa rin sa mga waiter din namin. "Ano? Gwapo din ba pati yung boses?" Gwapong boses? May iba nga na gwapo pero ang liit ng boses. Meron ding normal na mukha pero ang ganda ng boses. Aba, kung meron din syang magandang boses, ang swerte naman nya. Buti na lang pala at Hilaw sya. Hindi pwedeng nasa kanya na ang halata! "Ewan ko sayo, Nika." pagwahi ko dito. Sunod na lumapat ang tingin ko sa ibang kitchen staffs na kasalukuyang naandito rin sa may counter. "Dapat talaga nilagay na lang ako ni Papa sa kitchen." mahinang saad ko. "Oi, Jade. Ganda natin, ha." sabi ni Kuya Mike na may makahulugan na ngiti. Nakakatakot yun. "Kuya mo ako kaya dapat yung mga ligaw-ligaw na yan sinasabi mo sa akin para matesting muna natin." Ano yun, experiment lang? At tsaka anong ligaw-ligaw? Tsk', sabagay mukhang ligaw talaga yung isang yun eh. Isa si Kuya Mike sa mga cook namin at oo, mas matanda sya sa akin. Senior ko rin sya pagdating dito sa trabaho. Mag-kuya ang turingan namin, katulad nang turing ko rin sa iba pang nakakatandang katrabaho ko dito. Matagal na kasi silang nagtratrabaho dito kaya napalapit na rin ako sa kanilang lahat. Naging ganun din ang turingan namin dahil siguro sa lagi nila akong nakikita dito. Dito din kasi talaga ako lumaki, kaya no choice sila. At tsaka, kahit ayaw nila ako bilang kaclose, eh araw-araw naman nila akong makikita kung gusto nilang magtrabaho dito. Dahil wala naman silang magagawa, bukod sa dito ako nakatira, eh anak ako ng boss nila. Pero mukhang sa isip ko lang ata yun. "Oo nga, Jady. Dapat sabihin mo sa mga Kuya mo at sila na ang bahalang mag-abang dyan sa may kanto." saad ng Tatay kong kakarating lang. -_- Sabi sa inyo eh. At oo, tinatawag nya akong Jady. Gusto kasi nya ata ng anak na lalaki, at dahil makasalanan syang tao, eh di pinagbigyan ni God yun. At mas pinahirapan pa, dahil sa dami-dami ng ibibigay, eh ako pa ang binigay. Ha! Buti nga! Magkakaugat sya kahit sa anit dahil strong na pasaway toh! And I'm parawd op et! "Sa dinami-dami ba naman ng mga kuya mo, eh hindi ko na alam kung saan pupulutin yang kung sinong lalaking yan." pagnguso nya sa mga nagtitipon-tipon na mga tiga-kusina dito sa may pwesto namin. Bakit ba naman kasi puro lalaki yung mga cook namin dito? Ayan tuloy, iisa lahat sila ng isip. Mga lalaki talaga oh. "Oh, eh, kung kulang pa. Edi isama mo pa 'tong si Weng, hahaha." dagdag nya na mas nagpatawa sa kanila. "Master naman eh." ngusong pagreklamo nito. "Okay na yung sila na lang. Tama na ako dun sa akin na lang pag-umayaw na kay Jade." "Eto akala mo naman!" suway ni Nika. "Ano ka, tiga-salo?" Wala ba talagang matino dito? "Pa!" agaw ko ng attensyon dito na nagpatigil sa kanya sa pagtawa. Mabilis na nagseryoso yun na parang nakalunok ng tawa. "Pati ba naman ikaw?! Nahahawa ka na sa barkada ko ah. Puro yan na lang din ang mga topic nila." sita ko dito, ngunit tinaasan lang nya ako ng kilay. "Oi, kung gusto mo ng seryoso, eh wag ka dito." pagturo nya sa akin. "Gusto pa naming tumawa eh." At ayun, mas nagtawanan pa sila at kung ano-ano pa ang mga sinasabi na hindi ko na lang inintindi. Sabi sa inyo eh, hindi ako ang anak dito. "Master, buti di ka masyadong tumatanda dyan kay Jade." dagdag pa nila. "Eh naku! Sobrang pinapatanda nga ako nitong batang to eh. Pano mas matanda pa ata sa akin mag-isip yan." sabay tingin nito sa akin, inakbayan nya ako. "Gusto kasi nito pinuproblema ang buong mundo. Eh ako naman, ayaw sa problema. Hahaha." Ang dami talaga nyang sinasabi. Pero okay na yun, at least alam nyang magkabaliktad kami ng edad. "Oh, pa, tama na." pagtaklob ko sa bibig nito bago nilagay ang papel sa harap niya, pinaglalagyan yun ng next order. "Ayan po oh, Master Chef, may order na po tayo. Kailangan nyo nang bumalik sa lungga ninyo." "Lungga? Hahaha." deretsyong tawa nya at kinuha ang papel sa kamay ko. "Osya, boys, back to work. Galit na ang sinyorita nyo." may pagpalakpak nya pang saad. At ayun, nawala na nang parang kakatapos lang ng concert ang kumpulan dito. Nagsibalikan na sila sa mga kani-kanila nilang ginagawa. Kaya naman tinignan ko ng masama ang kaharap ko. Tinawanan nya lang ako bago kinurot sa pisngi ko. "Eto naman oh, hindi na mabiro." sabay higit nito sa akin at ginulo ang buhok ko. "Pa naman kasi! Parang ewan, ako na nga yung topic ng mga barkada ko tapos ako pa rin ngayon." pagrereklamo ko. "Aba, simula ata nung nag-college ako, ako na ata lagi ang naging source of topic ng tawanan ninyo nina Kuya Mike sa kusina." "Hehehe, eto naman oh. Binibiro ka lang ng mga yun." sabay pagsiko nya sa balikat ko. "Magpalaki ka kasi para naman sa ganun di na ikaw ang binubully dito. Ganun kasi talaga pagmaliliit. Di ka ba nag-iischool? Dapat alam mo na yan." Napa-irap na lang ako. Ang sabi seryoso? Tsk', hindi ata nag-eexist yang word na yan dito sa pamilyang to. "Hahaha, balik ka na dun at kunin mo na yung order ng customer mo para naman sabihin mong hindi ka lang source ng kakatawanan dito at may iba ka pang silbi." muli nyang pagtawa sa akin at medyo tinulak ako papalayo dun. Tinawanan din ako ni Weng, nakinig nya yun kaya pinakita ko kamao ko sa kanila. "Shhh." pag-iling sa akin ni Papa. "Bad yan." bago ako inilingan. Sus! Sila nga 'tong mga bully. "Tumigil ka na Weng, back to work nga diba? Di ka ba nakikinig kay Master Chef?" habol kong saad dito. "Heh! Bumalik ka na nga dun kay Pogi. Ikaw ata di nakikinig kay Master Chef eh." at nilabas pa nito ang dila nya na parang bata. Talaga naman, makakatikim talaga to sa akin nang nawala nyang kamao. "Etong bruha 'tong. Di porque nagkatopic sayo ng about sa manliligaw eh meron na nga. Wala lang talagang ibang maisip na topic sayo sina Kuya kaya yun ang nasabi. Wag ka ngang feeling maganda dyan." Bwisit to. Aambahan ko na sana sya ng suntok, pero syempre hindi ko tototohanin yun. Tsaka nagtago na kaagad sya sa likod ni Papa eh. Ano ba naman ang magagawa ko, diba? "Jady, sige na." pagpapaalis sa akin ni Papa. At talagang iba pa ang kakampihan nya ha. Tsk', ako kaya yung anak nya dito! "Harapin mo na yung mangliligaw mo, kung meron man." dagdag pa nya. At talagang malakas ang pagkakabigkas nya nun para makinig nung mga nasa kusina. Kaya ayan tuloy, puro tawanan na naman. Pag-umabot lang talaga to sa dinning hall. Yari sa akin silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD