Jade's POV Kung pwede lang talagang bumaon ang tingin, sana napatay ko na 'tong kaharap ko. Walang hiya at matatag ang apog ni Hilaw na nakikipagpatibayan sa akin ng tingin. He's glaring at me habang hindi nagalaw at nakacrossed arms. Nakahain na ang mga pagkain na inorder namin. Actually, dahil sa inis ay basta-basta ko na lang sinulat yung mga order para sa aming dalawa. Tanging yung kay Riley lang kasi ang inintindi ko at hinintay. Alangan naman kasing baliwalain ko yung dapat na pagtritreat namin sa kanya dahil lang sa inis ko sa Hilaw na to. Pansin ko lang, lately puro tantrums na lang sya. Nakakainis na nga dahil parang nagiging kasanayan na nyang idisplay yung ugali nyang yun, mukha na syang nagmomood swing. Hindi ko talaga nagugustuhan yun kahit kaunti. Nakakasira na ng mood at

