Jade's POV
One week daw kailangan magstay ni Hilaw dito sa hospital. Thursday pa lang at kailangan kong pumasok sa school, pero ngayon pa lang nag-iisip na ako kung papasok nga ba talaga ako.
One week so abot yun hanggang next week. Medyo madali na yung sa next Monday at Tuesday kasi ang kababagsakan nung last two days, kaya I think okay na sya nun. Ngayon kasi, kakaconfine lang nya kahapon kaya hindi ko alam kung kaya na ba nya nang mag-isa. Ang kulit naman kasi, sabi na't kailangan ng guardian eh.
5 am ako gumising para umuwi sana, para magprepare sa school at kumuha muna ng pagkain at ihatid muna dito bago pumasok. Kaso looking at his face right now, parang mahihirapan ata akong magdesisyon. Ang putla pa rin kasi nya ngayon.
Kaya bago ako umalis ay nag-iwan muna ako ng sulat. Sinabihan ko din yung nurse sa pag-alis ko, para may mag-akikaso sa kanya kung may kailangan man sya.
"Oh, ang aga mo ata. Akala ko nasa ospital ka?" pagbati sa akin ni Papa nang pagbuksan ako ng ilaw dito sa may pinto.
Sarado pa ang kalhati ng resto at tanging ang kusina lang ang gising. Nagpreprep sila ng mga kailangan para sa rush hours mamaya. Naka-apron na rin sya at halatang nagluluto dahil sa pula ng mukha nyang pawisan. May iba din syang kasama sa kusina.
"May pasok ako." mabilisan kong sagot bago nilagpasan sya. "Pa, kailangan ko ulit ng pagkain nya."
Nagulat syang nag-oo, at derederetsyo akong pumunta sa taas para maligo. Mabilis lahat ang naging paggalaw ko.
Tumutulo pa ang buhok ko nang bumaba ulit ako. "Pa, nasaan na? Aalis na ako, baka malate pa ako sa school."
Kaso walang sumagot sa serving lane kaya tinawag ko ang taong malapit dun. "Kuya Mike, si Papa?"
Nakataas ang kilay nya na parang ngayon lang ako napansin. "Ba't naandito ka?" pagsusuri nya sa akin.
"Kukuha lang ako ng pagkain." tinuktok ko pa yung board dun dahil sa pagkainip. Luminga naman sya sa may tabi nun sa loob at nakita ang isang plastic dun na nakabalot na. Kinuha nya yun gamit ng isang daliri at palagpak na binaba habang tinignan ako ng walang kaganagana.
"Akala ko, matagal kang mawawala? Ba't naka-uniform ka na kaagad?" pagtukod ng siko nya sa board. Tanging yung bintana na lang ang namamagitan sa amin ngayon. Ngunit dahil walang saraduhan yun ay kita namin ang isa't isa. Mas nakakatakot sya ngayon. Parang nag-uusap lang kami sa selda. Joke!
"May pasok ako. Di ako mag-aabsent." plain kong sagot.
"Oh, para saan pang nagdala ka ng mga damit kahapon?" pagtingin nya sa kabuoan ko. "Nagbebenta ka ba ng mga gamit nyo?"
Jusme, saan galing yan?
Umiling ako dun. "Hindi ah. Saan galing yan?"
"Eh, akala ko nagrerebelde ka. Ano pala ginagawa mo?"
Ay sus! Kuya Mike talaga puro masama ang iniisip sa akin.
"Sabihin mo na lang kay Papa na aalis na ako."
Binigyan nya ako nang hindi siguradong tingin. "Ge-h. Bahala ka kung pano mo gustong gawin yun."
Nakanganga ko syang tinignan bago nya ako tinalikuran at di na pinansin. Mukhang wala ngang nangyari at lumakad lang sya ng presko. Yung lakad ng mga siga—na may deretsyong likod, di pantay na balikat at nagswiswing-swing pang kamay habang nakatungong sumisilip sa paligid, na parang may pinanghihinalaan. Napailing ako.
Mukhang nag-abot lang sa akin ng pinagbabawal si Kuya Mike. -_- Yan, kahit malinis ako, parang kakabahan pa rin ako dahil sa aktohan nya.
Umalis na rin ako pagkakuha nung mga pagkain. At sa hindi inaasahan, si Kuya Driver ng taxi kahapon, ay nagsulpot din sa harap ng resto namin. Hinatid nya ako sa hospital at inintay din. Pagkatapos kong ibigay sa nurse ang pagkain ni Hilaw para ihabilin. Saktong 7:12 am na akong nakarating sa school.
"Salamat po, Manong." pagbaba ko ng taxi.
"Sige, iha. Buti talaga at saktong nadaanan kita kanina." pagsilip nya sa bintana. "Anong oras ka lalabas mamaya, iha?"
"Naku, Manong, wag na po. Ako na po ang bahala sa pag-uwi ko."
Tumango naman sya ng kaunti. "Ganun ba? Sige, ihahatid na lang ulit kita bukas. At ganto na lang, tawagan mo na lang ako pagkailangan mo ng taxi. Nakakontrata na kasi ako sa Papa mo eh." pag-abot nya ng isang papel. Tinanggap ko yun.
"Sige po, Manong." umu-oo na lang ako at baka nga kailanganin ko din ng taxi pagminsan. Pero seryoso, hindi naman talaga ako nagtataxi. Lakad lang ako tuwing umuuwi at pumapasok. Ang malayo lang naman ay yung sa hospital dito, hindi ang bahay namin.
Lumipas ang oras at kahit tanghali pa lang ay parang pagod na kaagad ako dahil sa aga ng gising. May mga oras din na napapaisip ako tungkol kay Hilaw. Kung ano ang ginagawa nya, kumain na ba sya, o kung okay lang ba sya? Parang mali kasi ata yung desisyon kong pumasok.
"Dapat pala tinulungan ko na lang sya." pagkausap ko sa sarili.
"Ha?" biglang tanong ni Cheska na dinapuan ng tingin ko dahil sa pag-imik nya.
"Wala, may iniisip lang." muling paghalumbaba ko sa lamesa at pumikit. Hay~ Kung nasa ospital kaya ako ngayon, ano kaya ang ginagawa ko dun ngayon?
"Bakit parang gabing gabi ka na umuwi, Jade? Puyat na puyat ka ah. Parang tinalo mo pa ata kami sa paggagala mo kahapon." pagpuna ni Stella. "Saan ka ba galing?"
"Sa hospital." wala sa sarili kong sagot. Inaantok talaga ako pero ayaw pa rin tumigil ng utak ko sa pag-iisip.
"Ha? Bakit?"
"Anong ginawa mo dun?"
"May sakit si Tito?"
Sabay-sabay na pagtatanong nila. Puwera lang kay Molly na kakasarado pa lang ng bibig, na late sya sa reaksyon. Nakita kong nagtango na lang sya na parang yun din daw ang gusto nyang sabihin.
"Hindi kami. Nagbigay lang ako ng pagkain. Napagabi lang." pagdadahilan ko. Nagkusa na ang bibig ko, hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong sabihin yung totoo.
Hindi naman dahil sa gusto kong itago ang mga ginagawa ko nitong mga nakaraang araw at yung tungkol kay Hilaw. Ayaw ko lang bigyan nila ng issue dahil hindi naman kailangan yun. Minsan lang kasi ako sumama sa lalaki. Mostly pa sa mga kuya ko sa trabaho, pero kahit yun binibigayan nila ng meaning. Kaya for sure, mas magiging malaking issue yung kay Hilaw.
"Ganun? Eh, anong nangyari sayo, gumawa ng assignment kagabi para mapuyat ka ng ganyan?" mapang-akusang tanong ni Cheska.
"Assignments?" panlalaki ng mata ko. Oo nga no, kailangan gawin ko na yun para derederetsyo na lang ako mamaya sa hospital. "Akyat lang ako, kukuha lang ako ng libro."
Di ko na inintay ang sagot nila at ginawa na ang dapat. Pumunta ako ng classroom at dun na lang ginawa ang mga assignments ko. Ultimo sa loob ng ibang klase ko, ginagawa ko pa rin yung iba. Kaya nung uwian na, nagmamadali akong naglocker para makaalis kaagad.
"Oi, saan ka?" habol sa akin ni Rina nang mabilis kong nilagay ang mga libro ko sa locker, kahit na magulo yun sa loob. Binagna ko na lang lahat dun.
"Aalis." mabilis kong sinara yun at walang linggon na umalis. Narinig ko pa ang pagtatanong ni Cheska kay Rina kung ano daw ang problema pero bahala sila. Basta may kung ano sa loob ko ang gustong magmadali.
Kaso nawala ang pagpapakiramdam ko sa sariling tunog ng paghinga, nang may malamig na pumatak sa pisngi ko. Nasa may gate palang ako pero napatigil na kaagad ako.
"Umuulan." pagtingala ko sa langit. Medyo makulimlim at malungkot ang paligid, ngunit lahat nang nasa ilalim nun ay nagmamadali. Katulad din nila, mabilis na tumugon ang mga paa ko para pumara ng taxi.
Marami ang estudyanteng pumapara kaya medyo nagtagalan ako bago makaupo sa isa. Nanginginig pa ang isa kong binti dahil hindi ko maintay yung traffic, kaya ganun na lang ang ngiti ko nang makarating ako sa hospital.
Excited lang ang peg?
Syempre, ngayon lang ako pupunta sa ibang lugar, bukod sa bahay. Tuwing uwian kasi parang naging isang routine lang sa akin ang pag-uwi sa resto o sa bahay. At least ngayon may iba akong pupuntahan. Kahit hospital yun, parang ang excited ko. Ewan ko ba.
"Oi." mahinang bati ko sa pagbukas ko ng pinto. Nakaupo sya ngayon sa may kama habang nakasandal, ginawaran nya ako ng maliwanag na ngiti pero kaagad ding nawala yun.
Anong meron? May iniintay kaya syang iba?
"Akala ko tulog ka ngayon." pumasok na ako nang tuluyan habang sinusuri ang maliit na lamesa—kung naandun ba yung pinaiwan kong pagkain kaninang maga. Naandun nga yun pero nakatali pa rin ang plastic. Kumunot ang noo kong nilapitan yun.
"I did slept all day." bagsak na saad nya at pinagmamasdan ang pagkulikot ko dun sa plastic. Nakita kong naandun pa rin lahat. Hindi nga nagalaw.
Hindi nya kinain yung pagkain sa loob.
Nilingon ko sya. "Nagkain ka ba?"
"Hmmm." maigsing sagot nya habang hindi ako tinitignan. Problema nito?
"Okay?" pagtingin ko ng weirdo dito. Mukhang wala naman syang ginagawa at tanging nakaupo lang.
Tamihik ah. Sige, magsukatan tayo.
Binaba ko ang bag ko sa may tabi nung tinulugan kong upuan kahapon. At dahil wala akong balak magsalita, ay tinuon ko na lang ang attensyon ko sa sarili. Ngayon ko lang napansin na basa pala ako dahil sa ulan. Hindi naman sobrang basa, yung pang-itaas ko lang. Medyo nagdikit ang collar ko sa balikat at medyo bumakat yung sando k---mabilis kong nilingon ang nasa harap. Sakto naman nun ang mabilis na pagliwas ng tingin nya.
Napapikit ako ng madiin. Ano na, Jade? Mapapahiya mo na naman yang sarili mo.
Patay malisya kong pinagpagan muna ang braso ko bago nilayo ang pagkakadikit ng damit ko sa balat. Umupo ako ng prente na parang walang nangyari. Pati buhok ko na hindi ko pinapansin dati ay medyo nasusuklay ko ngayon gamit ng mga daliri. Ngunit, dahil sa pagbukas ng pinto ay natigil yun.
"Sir?" pagsilip ng isang nurse bago pumasok. "Eto po yung gamot nyo para mamaya, take it after dinner----Oh, naandito ka pala." pagpansin nya sa akin.
"Ate, bawal syang malate kumain ngayon at dapat bago mag-8 nakakain na sya, at natutulog na ng 10, ha."
Nagtango na lang ako sa paglabas nya. Bakit sa akin nya binigay yang mga biling yan? Ayaw nga akong kausapin nitong Hilaw na to. Ano ako, lulunok ng pride? Bahala sya, nakinig nya naman yun.
Kaso wala pa atang 15 minutes, ay nawalan na kaagad ako ng gagawin. Wala naman akong ibang gagawin dito, dahil wala naman talaga dapat ako dito kung hindi nya kailangan ng taga pag-alaga.
Tapos tignan mo, ni hindi man lang ako pinapansin ng kumag na yan. Bwisit 'tong lalaking to! Ayaw talagang umimik!!!! Matutuyuan na ako ng laway dito! Tsk', tuyuan ko sya dyan ng dugo, eh!!!
Ano bang gusto nya? Bakit nya ako dinadamay sa toyo nya? Ang ganda-ganda ng mood ko kanina tapos sisirain nya. Pagod din kaya ako. Ang aga ko pang nagising kanina.
Tsk', wala naman akong magagawa at wala ata syang balak magsalita. Pagbigyan na, may sakit eh. Napabuntong hininga na lang ako. "Magpalit ka na ng pantulog. Hindi ka pa nagpapalit simula kahapon." inabot ko ang bag at nilagay yun sa may gilid nya. Naandun ang mga pamalit nya, bahala na sya dyan.
Di nya tinignan yun, bagkus ay tumungo lang para tignan ang sariling kamay at bumalik ulit sa pagkakaderetsyo ng tingin. Daming arte.
"Hoy, Hilaw." pagkulbit ko sa braso nya. Hindi pa rin nya ako pinansin.
"Hilaw." pagkulbit ko ulit.
"Oi." at isa pa.
"Hilaw." at ganun ulit.
"Hilaw." ang kulit ko na dito ah. Hindi ko na sana sya kakausapin ulit kaso gumalaw ang kamay nya papunta sa may maliit na lamesa at may kinuha dun habang hindi nagagalaw ang buong katawan. Steady lang. Okay.
"Here, Jade." pagdiin nya sa pangalan ko. Nakunot ang noo ko dun habang nakatingin sa kanya at sa kapit nya. Kinuha ko ang papel dun. Tsk', di na lang sabihin.
"Uuwi lang ako." basa ko dun. Kumunot ang noo ko lalo. "Oh, galing sa akin to, bakit?"
Eto yung iniwan kong sulat kaninang umaga bago ako umalis. Sinabi naman dun sa sulat, diba.
Bumaling sya sa akin gamit ng seryosong mukha. Naging matured ang dating nya, at dahil siguro sa wala masyadong kulay ang mukha nya, ay mas lumitaw ang bawat detalye nun. Kung noong unang beses kaming nagkita ay parang may pagkamaangas sya at babaero, na bumaliktad sa personidad nya na mapalangiti. Ngayon, napaka-manly ng dating nya.
"Jade." madiin nyang bigkas, tunog na nagsasaad yun na may hindi sya nagustuhan sa tanong ko.
"Ano?" bagsak mata kong pagtugon. Batak sya masyado at halata ang pagkairita sa mga mata nya.
"Jade, you left that as a message?" di makapaniwalang tanong nya. "For what, leaving for a second, or for a whole day?"
Anong klaseng tanong yan? To what for? Matatapos na nga 'tong araw na to, hindi pa rin nya alam?
Naparolyo ang mga mata ko. Tsk! Anong pinapalabas nya?!!!?!
"Whole day, ano bang ineexpect mo?" rektang tanong ko. "May pasok kaya. Wala naman akong excuse, katulad mo, para umabsent." tunay naman kasi.
Matagal syang nakipagtitigan sa akin bago pinutol yun at bumalik sa pagtitig sa kawalan. Meron ata syang kaaway na hindi ko nakikita at ang sama ng tingin nya dun. Ano ba naman kasing ugali yan? Bakit hindi na lang sabihin kung ano ang problema? Ang dami pang emot eh.
"Hoy, Hilaw." pagkulbit ko ulit sa braso nya. "Oi, Hilaw."
"Jade." di pa rin nya binabago yung tono nya kaya muli kong ginawa yun. Ang hirap naman kasing alamin kung ano ang gusto nya.
"Oi, Hilaw." ngunit bago pa dumapo ang daliri ko sa balikat nya, ay kinapitan na nya yun.
"Jade, that's not how you leave a message." pagsalubong nya sa mata ko. Napakaseryoso nun.
"Bakit, paano ba? Dapat ba mahaba? Dapat ba essay o thesis, ganun ba?"
Alam kong pang pilosopong sagutan yun, pero paano ba? Di ba nya yun maintindihan?
"Are you kidding me?" mapakla nyang tanong. Mas nairita ko pa ata. "Jade, be serious."
Aba, ako pa?! Bakit, ako ba yung may mood swing dito? Di ko nga alam kung ano ang kinakagalit nya dyan. Kakarating ko lang, kaya anong ineexpect nya sa akin?
"Seryoso ako, Hilaw." sabay turo ko sa kanya. "Alam mo, wala nga akong maintindihan sa nangyayari ngayon, samantalang kakarating ko lang galing sa school. Nagmadali pa nga ako para lang pumunta dito. Alam mo bang pinilit ko pang matapos yung mga assignments ko para bukas, nang hindi na ako makaabala sayo dito mamaya. Nagmamadali pa akong pumunta dito, tapos totoyoan mo lang ako."
Mabilis syang tumingin sa akin. Pinantayan ko yun. Walang bumitaw sa amin, kaya't hindi na ako nakareact nang mahablot nya ang braso ko. Kasunod nun ang pagkawala ng balanse ng dalawang paa ko at ang init na bumalot sa nanlalamig kong katawan. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa may gilid ng kama---at nasa bisig nya. Anong ginagawa nya?
"O-i, Hi--" pagtapik ko sa ligod nya.
"A hug will calm me down." pagbulong nya. Nangilabot ako sa mainit nyang hininga na dumadapo sa leeg ko. Kinakabahan ako dahil sa pangyayari. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa bilis ng galaw namin o dahil sa ginagawa nya?
Napapansin ko lang, dehado na naman ako at pataas ng pataas ang kalidad na kailangan nya sa pagkalma.
Nung una pangalan ko, ngayon naman pagyakap. Nakakatakot yung sa susunod.
Mukhang mamalasin yata ako.