Jade's POV Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa may kama. Hindi ako makatulog. Nung natapos yung party/celebration o kung ano pa yun, masaya ako na nalaman na nila. May kumukubli nga lang parang pagsisisi dahil dapat pala sinabi ko na lang sa kanila mismo. Masaya naman ang mga kaibigan ko. Halata daw kasi nilang tense ako nitong mga nakaraang araw. Nagtataka din sila kung bakit daw ako busy sa kusina, kaya inalam talaga nila. At yun nga, sila na mismo ang nagsabi sa akin para hindi na daw ako mapressure pa na magsabi sa kanila. Yun nga lang, alam kong hindi lang nila masabi ang nasa saloobin nila. Kung may tampo ba sila na hindi sinasabi o kung galit ba sila dahil wala akong balak sabihin, depende yun sa kung pano nila gustong isipin yung pagtatago ko nun. Kahit naman masaya sila kanina,

