Jade's POV Pagkatapos kong maligo, dumeretsyo na lang ako sa paghiga. Syempre, nagtuyo muna ako ng buhok. Hindi na rin kami nag-away pa ni Hilaw at nasa sofa na kasi sya nung lumabas ako. Sinabi nya sa akin na sa kama na daw ako tulog kaya ayun, dun ako nahilata sa buong oras ng paliligo nya. Akala ko talaga uuwi kami. Nang lumabas sya ay nanatili lang ako sa paghiga, kaya siguro pinatay na rin nya yung ilaw. Hindi na rin ako nakakinig ng kahit ano pang ingay kaya baka natutulog na rin siguro sya. Hindi ako makapaniwala na nasa kama nya ako. Never pa akong nakitulog sa kwarto ng lalaki, ngayon pa lang. Amoy na amoy ko pa nga sya dito. Gusto ko tuloy magtanong kung pabango ba ang gamit nya sa paglalaba, ang bango eh. Parang naliligo yung buong kwarto sa amoy nya. Hindi naman sobrang tapa

