Single’s New Heart Beating

2612 Words
Jade's POV Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magsabi ng totoo. Kahit naman hindi mahigpit sa akin si Papa ay kailangan ko pa ring magpaalam. "Pa, tanda mo yung naghugas dito dati?" seryosong tanong ko. Tumingin naman sya sa itaas na parang inaalala nga, at tinuro ako. "Ah, si Pogi, ba?! Yun! Oo, oo naman." mabilis nyang sagot. Excited lang? "Yun-yun, yung nasa hospital ngayon." pag-amin ko. "Oh, eh, ano naman ang kinalaman mo dun?" Yan na nga po. Hindi ko na masasagot yang tanong na yan kung hindi ako magsisinungaling. Ano ba yan, parang yung guard lang dun sa school kanina, wala akong masabe. "Ah--kai-bigan?" hindi ko talaga sigurado eh. "Ka-ibigan, Jade?" nakakaloko nya ako tinignan. Susme! Anong klaseng parenthood ang meron sya? "PA!" buong lakas kong sigaw. Naikuyom ko ang kamay kasama ng pagpiga ng buong katawan ko. OO, batak ako. "Hindi!" "Oh, chill ka lang. Tumatanda ka na naman eh." pagpapakalma nya sa akin, habang parang natatakot. Seryoso, anak nya kaya ako. "Oh, ano pang ginagawa mo dyan? Sarap upo ba, Jady? May pupuntahan ka pa." Kumunot ang noo ko dun. "Saan?" "Eh, diba nga sa hospital. Larga na, at hindi ka iintayin ng oras mo. Punta na ako sa baba---" pagtigil nya sa paghakbang. "Ay nga pala, may bagong boxer dun sa pinakang baba ng drawer ko. Bago pa yun at yun yung bigay ni Mike sa akin nung birthday ko, mali sya ng size kaya bigay mo na lang kay Pogi." "Pa!" sigaw ko ulit dito. Bakit kailangan pa nyang sabihin yun?! Wala talagang kahiya-hiya 'tong si Papa!!!! Babae kaya ako! "Oh, eh, bakit ba, Jady?!!" balik nyang sigaw sa akin na ginaya ang pagpiga ko ng mata kanina. "Mali ba, ha? Eto oh, tinutulungan lang na----" "Alam ko na yun!" "Edi mabuti naman! Heh!" paglabas nya ng pinto at medyo binagsak pa yun. Tamo yun! Buti na lang talaga at hindi kami kinig sa baba. Kundi, iisipin ng mga tao dito nagbubugbugan na kami ng tatay ko. Pero seryoso, hahayaan lang nya ba ako? Wala nga akong masabing pangalan sa kanya tapos mag-iistay din ako ng gabi dun, TAPOS hahayaan lang nya ako ng ganun-ganun lang? Imba talaga ang tatay ko. Buti na lang at ganyan sya. Muntikan ko ng makalimutan na may kakaiba nga pala akong tatay. Binilisan ko na lang ang pagkuha ng mga gamit, at katulad nang nasabi na kanina ay ipapagamit ko na lang kay Hilaw yung gamit ni Papa. Medyo mabigat din ang mga dala ko dahil may extrang kumot akong dinala, hindi lang para kay Hilaw kundi sa akin na rin. Nagpalit na naman ako ng jacket at ng maluwag na jogging pants para comfortable akong makatulog dun. Nang masigurado kong nakuha ko na ang lahat ng kailangan ay nagdaan na lang ako sa may serving lane. Ayaw ko kasing maquestion ng mga taga-kusina. Marami na naman sasabihin yung mga yun panigurado. "Master C! Alis na me." mabilis na pagdaan ko dun kaso. "Ay, anak ng tipaklong!" "Grabe ka naman, Jade, shock na shock lang?" nainsultong tanong ni Weng. Paano ba naman hindi, eh WALA na namang tao sa kusina at lahat ay NAANDITO. Ano ba yan?! Akala ko makakatakas na ako. "Bakit ba kasi kayo naandito?! Sinong nasa kusi----" "Okay lang yun, Jade. Mawawala ka daw kasi sabi ni Master. Saan ka ba?" deretsyong tanong nya. "Oi, oi, wag mo nang tanungin yan, at napayagan ko na." saad ng boses ni Papa na papalapit. Inabot nya sa akin ang bag na kapit nya. "Oh, nang may makain naman kayo dun." "Naku, Pa, buti naisip mo to." mabilis kong kinuha yun pero may pumigil. Si Kuya Mike. "Hoy Jade, ang bait ng tatay mo. Pagnalaman ko lang talagang nagdrudrugs ka, yari ka sa akin, tandaan mo yan ha." may diin nyang saad kaya napalunok ako sa takot. Si Kuya Mike kasi yung taong may tattoo, at marami yun. Dati daw syang nasa g**g. Simula nung kinder sya hanggang sa makagraduate. Joke, yun yung kwento na ginawa namin ng mga nagtratrabaho dito. Pati kasi tattoo nya ginawan ni Weng at Nika ng backstory, para ano—para ma-explain sya??? Ganun, ata? Ewan, mga babae eh, kaya ayun sumikat sa amin. Pero wag kayong mag-isip ng kung ano dyan, wala syang bisyo---ah nagsisigarilyo pala sya at nag-iinom pero occasionally naman, hindi habit. Mabait din sya, ang siga-siga lang tagala ng datingan. Tsaka yung mga worries nya ay dinideliver lang nya nang pagalit lagi kaya namimiss interpret sya ng iba. Pero mabait talaga sya. Sya din ang kasangga ng Papa ko sa pagpapalaki sa akin. Kahit na medyo matanda lang sya ng kaunti sa akin. -_- Malambing talaga yan at most of the time kakampi ko sa mga gantong bagay patungkol sa paglaki. Napagdaanan na daw kasi nya eh. "Kuya Mike naman, he-he." pagak na tawa ng namumuti kong mukha, bago walang buhay na tinapik sya sa balikat. "Sasabihan ko yung kasama ko kung naggaganun man sya. Wag kang mag-alala, hindi ako maggaganun. Never." "Buti alam mo. At pag-umuwi ka lang dito ng buntis ha." delekadong saad nya, pero mas delekado yung sinasabi nya kaya tinakluban ko na kaagad ang bibig nya. "Oi, kung ano-ano na naman ang sinasabi mo. Isusumbong kita eh." sabay tingin ko sa paligid. Buti na lang at nagtatakluban nila ako. Pag may tiga-school palang kumakain dito, yari na ako. "Pagnachismis ako dito." "Anong kung ano-ano?" kunot noong tinignan nya ako. "Hindi maliit na bagay yun." pagbulong nya kaya mas natakot ako dahil parang nasa horror movie lang kami. Pero ako yung bida na binubulungan nung mamamatay tao. "Alam ko naman, shhhh ka nga." "Buti alam mo. Ninong ako ha." Lumaglag ang bibig ko dun. "Ano?" aasarin pa ata ako ah! Talaga namang--- "Oi, Jady, tama na." pagsuway sa akin ni Papa kaya nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti. "Syempre, dapat planado na yun. Ininong mo na silang lahat para marami tayong aginaldo." Grabe! Pati yun iniisip nila?! Gano ba ako kasama sa tingin nila at lagi nila kong pinagtritripan!!! "Pah, graduating ako. Ano sa tingin mo, sisirain ko yung pangarap ko?" mahinang tanong ko bago naninigas na tinuro ang sarili. "Ay, sorry boys, back to work. Wala pala tayong aasahan dito eh." sabay palakpak nya kaya nagsialisan nga sila. Show lang, ganun?! Mabuti nga at matinong anak ako, tapos gusto nilang magkapamilya kaagad ako ng wala sa oras at edad??? Ang g**o naman nila! Ang mas nakakagimbal pa dung katotohanan ay—paano ako lumaking matino kung sila ang nagpalaki sa akin? Ang amayzing lang. "Geh, Jade, ingat ka na lang." pagbeso sa akin ni Weng. Nagsilapitan rin sa akin ang iba para magpaalam. Ganto talaga 'tong mga to, feeling preso at ako ang bagong laya. Akala mo naman hindi na ako uuwi. Malalambing talaga ang mga serving lane, hindi katulad ng mga taga-kitchen. Binangga kasi nila ako. "Tsk', walang pakinabang." bulong ni Kuya Mike na nilagpasan ako. Ganun din ang ginawa sa akin ng iba pang tiga-kitchen. Kaya sinamaan ko ng tingin ang puno nila. "Pa talaga! Kung ano-ano ang tinuturo mo sa mga yun." pagreklamo ko. "Pano mo ba pinapalaki yang mga bata mo sa kusina at puro ang sasama ng ugali, ha?" Tinawanan lang nya ako. "Baka paano KA pinalaki nung mga yun. Dahil kung ako ang nagturo sayo, edi sana masunurin ka." Napairap na lang ako dun. Grabeng mind tricks yan, pasa-pasa ng pagpapalaki. Sabagay, paano ko nga ba pinalaki ang tatay ko? Hindi ko ata natutukan at medyo kulang. Inakbayan nya ako. "Basta alam mo ang limitasyon mo, ha?" "Pa naman!" magrereklamo pa sana ako kaso pinihit nya ang balikat ko paharap sa nilalakaran namin. Mukha tuloy kaming nagbubulungan ng masamang balak dito. "Hindi nga Jady, seryoso tayo." napatahimik ako dun at tumango. "Kung may magbago man, ay sabihin mo sa akin at gagawan natin ng paraan. Wag pabasta-basta, ha? Pag-isipan muna. Anong sabi ko sayo sa pagluluto?" "Wag ihanda kung hindi pa kontento sa lasa." Matagal na nyang sinasabi sa akin yan simula noong bata pa ako. Lagi din sa kusina. Motto yan na kinagisnan ko kaya napili kong maging chef din. "Apply din yan sa tunay na buhay, Jady. Kailangan paulit-ulit ang prosesso, kailangan paulit-ulitin ang pag-iisip. Alamin kung ano ang kulang at ang pwedeng baguhin at iprevent dahil kung hindi, ay?" "Pangit ang lasa ng mga susunod." pagdagdag ko. Saan ba dadalhin ni Papa ang usapan? Nalilito na ako eh. "Tama, yun ang mga consequences, yun ang future mo." pagtapik nya sa braso ko. "Alam kong alam mo na yan, at malaki ka na nga." sabay tingin nya ng ulo hanggang paa sa akin. "Parang ngayon ko lang napansin na medyo tumangkad ka pala." Hay, naku~ "Pa." seryosong pagkapit ko sa balikat nya. "Hindi po ako magrerebelde." paglilinaw ko na tinawanan lang nya. "Hahaha, yun nga eh." pagkapit nya sa tyan nya habang tumatawa. Nakakalait yun ha. "Kaya minsan mahirap alamin kung tumatanda ka ba. Ganun kasi ang mga lalaki, pagminsan pagrerebelde ang sign ng pagtanda nila." ginulo nya ang buhok ko. "Eh ikaw, ang masunurin mo kaya minsan iniisip ko na pa-late bloomer ka, hahahaha." Tsk', talagang tinulad pa ako sa lalaki ha. "Osya, alis ka na. Baka gabihin ka pa. Tawag ka na lang kung may kailangan ka man. Ay magpahatid ka nga pala dun kay Kumpare." pagturo nya sa lalaking nakaupo sa may lamesa sa gilid namin. "Oh, Manong! Ikaw pala." gulat na tingin ko kay Kuya Driver na nagdrive sa amin kanina sa hospital. Kumapare daw? Napatingin tuloy ako sa Papa ko at tama nga ako, ngayon lang sila nagkakilala. Umiwas sya ng tingin eh. "Oh, Miss, ikaw pala!" pagbati nito sa akin. "Mabuti at paalis ka. Ihahatid na kita." "Naku, wag na po." tatanggi pa sana ako kaso tumayo na sya. "Naku, sige na't ang daming nito oh." pagturo nya sa mga pagkaing dala nya. Ganun kasi talaga magpayad ang Papa ko. Pinapapasok nya sa restaurant namin. Medyo tumagal ako ng konti dahil nakipagchikahan pa ang magaling kong itay sa bago nyang kaibigan. Magtataka pa nga sana ako nang sabihin ni Kuya Driver na pwede ko daw syang maging service, kaso magaling talaga ang tatay ko sa trading business at binigyan nya ng seventy percent off si Kuya Driver at ang pamilya nya kung kakain daw sila dito. Ayaw tuloy pumayag ni Kuya Driver na hindi nya ako maihatid. "Manong, salamat po ulit at tsaka pasyensya na nga po ulit dun sa backseat ninyo." pagturo ko dun. Sa unahan kasi ako nakaupo nang ihatid nya ako dito sa hospital. "Naku, iha! Hindi mo na problema yan. Sige ha, ingat ka." Nang makaalis na si Kuya Driver ay nagpunta na ako sa room ni Hilaw. Buti nga at natandaan ako nung nurse kanina dahil naituro nya sa akin ang room na hinahanap ko. Wala pa rin kasi akong masabing pangalan. "Oh, okay ka lang?" tanong ko nang makitang nagising ko ata sa pagkakaupo ko si Hilaw. "May kailangan ka ba? Banyo, tubig o pagkain? Oh---wag mong piliting bumangon." parang gusto nya kasing umupo kaya tinulungan ko sya. Pero dahil siguro sa panghihina ay hindi sya tuluyang makasandal sa headboard ng kama at tanging sa unan na pinataas ko lang umabot ang pagkakatuon ng ulo nya. "N-oh." matipid na pag-iling nya. "Sorry." Nanlaki ang mata ko dun. "Hoy, anong sinasabi mo? Walang ganyanan." Para naman kasing tiga-outer space ang kausap ko at basta-basta na lang nagsosorry. "For this." maigsing dagdag nya. Meaning nya dun ay yung sitwasyon namin ngayon? "Oi, wag kang ganyan. Kita mong wala ka pang lakas nag-gagaganyan ka na naman. Ipa-next time mo na lang yang tama mo. Masasayang lang ang energy mo." "Bu---" "Shhh." pagsinyas ko sa kanya habang inaayos ang kumot nya. Napangiti sya dun. "Sabi nga pala ng doctor, baka daw sumuka ka anytime soon. Kaya tawagin mo lang ako pagparating na yung anytime na yun ha." "Hmmm." pagtango nya habang pinagmamasdan ang mukha ko sa bawat galaw ko. Ano na naman?! "Ang sabi din, pwede ka daw kumain pero soup lang at liquids. Pwede din daw ang saging kaya pasalamat ka, lahat meron ako ngayon----Teka, ano ba yang tinitingin-tingin mo?" pag-ayos ko ng upo para makatungo papalapit sa kanya. Mahina lang kasi ang pag-uusap namin. Yes, mahina lang. Sobrang relaxing kasi nung atmosphere dito. Kaya kailangan kong lumapit sa kanya. Hindi ko na matuloy yung sinasabi ko dahil nadidistract talaga ako sa tingin nya. "At you." pilit na pagngiti nito. Napaismid ako. "Hoy, Hilaw, paalala lang ha? Di ka pa okay kaya tigilan mo yang mga katamisan mo dyan. Tignan mo namumutla ka pa nga." pagturo ko sa labi nya kaya binasa nya yun. Hindi ko nga lang alam kung ako ba yung masyadong malisyoso at paapektado pero ang sensual lang kasi sa akin ng dating dahil ginawa nya yun habang nakatingin sa akin at ngumiti pa ng kaunti. Minabuti ko na lang putulin ang tingin dun. "At sabihin mo din kung masakit to ha?" pagturo ko sa dextrose na nakadikit sa kanya. At kung hindi naman masakit ay papasakitin natin pagnagkulit ka. "Thanks." simpleng sagot nito. Tinanguan ko lang yun. Wala akong balak na kausapin sya ng mahaba dahil kita pa sa mukha nya ang panghihina. Wala syang kulay ngayon, at kahit sa same day lahat to nangyari ay parang namayat na kaagad sya. Sinabi din ng doctor kanina na puro suka daw siya kanina kaya sinabi nila sa akin na expected daw na matutulog lang sya hanggang bukas. Pero malakas ang loko at nakikipagtitigan pa sa akin ngayon. Mas mabuti na rin yan at wag munang kausapin, para naman makatulog na sya pagnapagod na sya sa trip nya. "Nga pala, two things." pag-angat ng dalawa kong daliri. "Food poisoning daw." inintay ko ang sagot nya pero katulad ng kanina ay hindi nagalaw ang puwesto nya at titig sa akin. "I kinda know." pagsabay nya ng pikit sa sinabi. Gusto ko sana syang tawanan ngayon at alam kong sa ligod ng ngiting yun ay gusto nyang tanungin kung bakit hindi kami pareho ngayon ng kalagayan. Hahaha, matibay ang halimaw sa tyan ko! "Second, e--" kinuha ko ang cellphone nya sa bulsa ng jacket ko. "To! Tada!" pagrepresent ko dun. "Oh." pag-abot ko sa kanya ngunit nilayo ko yun ng mabilis. "Ay kamay mo pala. Ako ang utusan mo ngayon kaya ako dapat ang bahala sa pagtawag ng pamilya mo. Kamay mo na lang para sa password." paglahad ko ng kamay. Ngunit, ninginitian lang nya ako bago umiling. Tahimik nyang inabot ang kamay ko para sa kapit ko. Nilapit ko na yun para hindi sya mahirapan. Okay? May narealized tuloy ako. Cellphone pa rin nga pala nya to. Isang personal na gamit, at hindi nga rin pala kami ganun ka-close. Bakit ba kasi sinabi ko pa yun? "Pero syempre, depende pa rin sa privacy mo." paghabol ko bago pinaikot ang upuan ko para kunin yung mga kumot. Yan, kunin mo yang kumot, Jade. Nakakahiya ka talaga, pati personal space nung tao pinapakielaman mo! "Jade." tawag nya. "Hmmm?" kagat labi akong tumingin sa kanya bago pinaikot ulit ang upuan ko para makaharap. "Oh." nilagay ko na lang yung kumot na kapit ko sa kanya. "Come closer." pagsinyas nya kaya ginawa ko yun hangga't sa pumantay na ang aming tingin. Kinapitan nya ang kamay ko na nagkukumot sa kanya, nagtataka kong sinundan ng tingin ang malamig nyang kamay. "Here." paglapat nya ng hinlalaki ko sa screen ng cellphone nya. "So you can open it anytime you want." pagsulubong ng nakangiti nyang mukha sa akin. Dahan-dahan kong tinignan ang pagkakapit ng kamay nya sa kamay ko. Ha--? Teka, ba-kit ang bilis ng ti--bok ng pus--o ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD