CHAMIE P O V "Ang Cute!!!!" mahinang tili ni Mylene pagkakita sa Anak ni Mayeth. Nandito na Kami Ngayon sa Bahay Nila. Sa Bahay nga Namin natulog 'yung Dalawa, pagkagising Namin Kanina ay Kumain lang ng Breakfast at umalis na. Dadaan pa kasi Kami sa Bahay Nila Millet at Mylene para magpalit Sila ng mga Damit. Mas payat kasi Ako kesa sa Kanila kaya hindi kakasya ang damit Ko kung ipapahiram Ko. Dumiretso na nga Kami sa Bahay Nila Mayeth pagka- paligo at bihis nung Dalawa. Binuhat pa N'ya ang Baby papuntang Garden, Duon kasi Namin napiling mag- kwentuhan. "Tayo kaya Kelan magkaka- baby?" tanong pa N'ya habang binababa sa Crib ang Anak ni Mayeth "Wala Ka ngang Boyfriend at Asawa, Paano Ka magkakaruon ng Baby!?" pang- aasar na sagot ni Mayeth, natawa lang Kami ni Millet, inirapan naman S'y

