KABANATA 2

1448 Words
CRIS P O V Sa kagustuhan Kong lumaki ang kita Ko ay nag-freelance na lang Ako sa pag-massage. Namigay Ako ng Flyers sa mga Taong dumadaan sa Entrance ng Mall o Hotel. Para kung gusto kong magpa-hinga ay walang magagalit sa Aking Amo. Nakaka-pagod din kasi ang Maghapong pagmasahe. Hindi naman nase-zero ang Araw Ko mula ng maging on-call ang ginawa Ko, kumbaga Home Service. Gaya Nayon, natuwa Ako kasi kahit Gabi na ay may nagpapa-home service pa. Sa Isang sikat na Condo nagpapa-punta. Pero nung Nanduon na Ako ay Babae pala ang Customer Ko. Hindi naman kasi Nila sinasabi kung Babae o Lalake Sila. Tsaka naka-lagay naman kasi ang Name Ko sa Flyers, hindi Ko naalalang pwede nga pala sa Babae ang Name Ko. Akala Ko ay ika-cancel N'ya ang Booking sa Akin. Mabuti na lang at nagpa-massage pa din kahit Babae S'ya at Lalake Ako. Hindi naman mapigilan ng Jun-jun Ko na magalit lalo't maganda itong mina-massage Ko. Maganda pa ang Katawan, Sexy, malulusog ang Dibdib at maputi. Nagtitimpi lang Akong hindi S'ya halikan. Pero nung nalaman Kong mag-boyfriend na pala ay parang nalungkot pa Ako. Tapos nung nalaman Kong may tampuhan Sila ay parang naawa Ako sa Kanya. Sabi Ko lang sa Sarili Kong kung Ako ang Boyfriend Nito ay hindi Ko hahayaang sumama ang loob sa Akin. Naka-dagdag pa sa pagka-horny Ko ang ung0l N'ya kapag nasasarapan S'ya sa pag-masahe Ko. Mabuti na lang at naka-tulog S'ya hindi na N'ya nakita ang pagsa-sarili Ko sa Banyo ng Kwarto N'ya habang naka-tingin sa Katawan N'yang Dalawang maliit na saplot lang ang suot. Nung mailabas Ko ang init sa Katawan Ko ay hindi Ko na tinapos ang pag-massage Ko sa Kanya at baka kung ano lang ang magawa Ko. Kaya nag-iwan na lang Ako ng sulat na umuwi na Ako. Hind Ko naman kinuha lahat ang bayad N'ya na nasa ibabaw ng Side table ng Kama N'ya dahil hindi Ko naman natapos ang Trabaho Ko. Sa lahat ng naging Customer Ko ay sa Kanya lang Ako naka-ramdam ng ka-Horny-han. Bulong Ko din sa Sarili Kong sana maulit ang pagma-massage N'ya sa Akin. Hindi dahil malaki S'yang magbayad pero may iba pa Akong sadya sa Kanya. Sa Kanya lang kasi nabuhay ang matagal ng hindi nabubuhay na Jun-jun Ko. Hindi naman sa impotent Ako kundi hindi lang ito basta-basta nagagalit kapag hindi Nito gusto ang Babae. Isang Araw habang nakahiga lang Ako sa Sofa sa Sala ay naka-receive Ako ng tawag. Unknown Number, siguro ay Customer kaya in-accept Ko tawag N'ya. "Hello!" sagot Ko, pina-ganda Ko pa nga ang boses Ko para ma-engganyo ang Customer na magpa-book. "Hello! Si Cris ito?" tanong ng kausap Ko sa Kabilang Linya, parang kilala Ko pa nga ang boses N'ya. "Yes! Ito nga po!" magalang Ko namang tugon "Okay! Pwedeng magpa-book sa Condo Ko ulit?" tanong naman N'ya Para maka-sigurado ay tinanong Ko kung Saang Condo at Ano ang Name na hahanapin Ko. "Nakalimutan Mo agad Ako eh Ako lang naman ang nagpa-book nung Isang Araw na napag-kamalan Kang Babae." parang may hinanakit na tugon N'ya "Naninigurado lang." natatawang sagot Ko din, "Anong Oras Ako pupunta?" excited Ko pang tanong "Mga Seven, hintayin na lang Kita, Bye!" sabi N'ya sabay paalam "Okay! Darating Ako, Bye!" mabilis Kong sagot tsaka Namin in-end na ang tawag Ini-off Ko na ang TV para makapag-ready na Ako sa pagpunta sa Condo ni Chamie. Hindi ko alam kung Bakit Ako excited ng ganito eh may Boyfriend na nga 'yung Tao. Matagal Akong naligo at hindi Ko alam kung bakit ilang beses pa Akong nag-toothbrush. Nag-paligo din Ako ng pabango na binili Ko pa Nuon nasa Ilocos Ako, Original iyon na Calvin Klein. Ginagamit Ko lang kapag may pupuntahan Akong importante tulad Ngayon. Hindi Ko na nga naisip na pagpapawisan din naman Ako mamaya kapag minasahe Ko na S'ya. Excited Kong kinuha ang Bag Kong naglalaman ng mga gamit Ko pag-masahe, tulad ng Oil, powder at minsan ay Scented Candle pampa-relax at essential Oil. "Aalis Ka?" takang tanong ni Melisssa nang pagbukas Ko ng Pinto ng Apartment Ko ay S'ya ang nabungaran Ko. May hawak ulit S'yang maliit na bowl na may takip, siguradong ulam na naman 'yon "Oo, may nag-book kasi." simpleng sagot Ko "Ganun ba? Eto na lang, lagay Mo sa Ref para pagdating Mo mamaya eh may makain Ka." pilit ang ngiting tugon N'ya, kita Ko ang lungkot sa Kanyang mga nangungusap na mga Mata. Ina-abot N'ya sa Akin 'yun Bowl. "Sige, isasalin Ko lang." naka-ngiting tugon Ko naman, mabait naman kasi kahit ang mga Magulang N'ya sa Akin, kinuha Ko 'yung Bowl na hawak N'ya tsaka Ako pumasok ulit sa loob para isalin sa Isang Tupperware ang ulam na dala ni Melissa. Pagka-salin ay tsaka ko tinakpan at nilagay sa loob ng Ref. "Salamat, ha! Lagi Ka na lang nagdadala ng ulam." nahihiyang saad Ko sa Kanya, Giniling na Baboy kasi ang dala N'ya na may nilagang Itlog tsaka Carrot at Patatas na pinino. "Sus! Para 'yun lang eh! Sige na! Baka ma-late Ka pa sa Booking Mo." saad na lang N'ya, S'ya pa mismo ang tumalikod palabas ng hanggang Dibdib Kong Gate. "Sige! Salamat ulit!" mahinang sigaw Ko para marinig N'ya, lumabas na din Ako tsaka Ko ini-lock ang Pinto at Gate ng tini-tirhan Ko. Actually, magkatabi lang ang Bahay Nila Melissa sa inu-upahan Kong Bahay. Pero naka-bukod ang mga Gate ng bawat Unit. Sa Kanila 'yung Apat na Pinto ng Apartment. Retired Principal kasi ang Tatay ni Melissa, S'ya naman ay Public School Teacher. Housewife ang Kanyang Ina. Apat Silang magkakapatid, may Asawa na 'yung Dalawa at naka-bukod ng Bahay. 'Yung Bunso Nila ay nasa huling Taon na sa Kolehiyo. Maganda naman ito at simple at alam Ko ngang matagal ng may gusto sa Akin. Masarap pang magluto, kumbaga ay Wife Material S'ya, hindi Ko lang maintindihan sa Sarili Ko kung bakit hindi Ko S'ya magustuhan. Lalo pa Ngayong nakilala Ko si Chamie, 'yung nararamdaman Ko kay Chamie ay hindi Ko nararamdaman kay Melissa. Taxi na ang sinakyan Ko papunta sa Condo ni Chamie, para hindi Ako mag-amoy pawis. Nag-iwan na lang Ako ng ID sa Guard ng Condo. Tsaka mabilis Akong pumuntang Elevator para makarating agad sa Floor ng Condo ng Dalagang Architect. "Good Evening!" naka-ngiting bati Ko nang pagbuksan N'ya Ako ng Pinto ng Condo N'ya "Good Evening Too! Sakto lang ang dating Mo!" tipid ang ngiting tugon N'ya, nagtaka naman Ako dahil naka-suot S'ya ng Cocktail Dress na parang may pupuntahang Party. Hindi tulad na suot N'ya dating naka-robe lang S'ya. "Pasok Ka muna," nilakihan pa N'ya ang Bukas ng Pinto, tahimik naman Akong pumasok. "Ito ang Suot Mo," sabi N'ya sabay abot sa Akin ng naka-hanger na Damit na Dark Blue Long sleeve at trouser na Black. "Ano po ba ang gagawin Ko?" hindi Ako naka-tiis na tanong Ko, tiningnan Ko lang ang ina-abot N'yang Damit. Malalim muna itong napa-buntong hininga, "Hindi naman talaga Ako magpapa- massage Sa'yo, sorry ha! May Reunion kasi Kami ng Batch Namin ng High School eh Ako lang ang walang isasamang Boyfriend sa Aming magka-kaibigan." Kiming tugon N'ya "Nasaan ba ang Boyfriend Mo?" tanong Ko, hindi Ko lang masabi sa Kanyang ayos lang kahit Saan Kami magpunta basta kasama Ko S'ya. "Hay! Naku! May Reunion din Sila ng College Classmate N'ya!" naka-irap N'yang sagot, kaya mahina Akong natawa. "Ano naman ang nakakatawa?" naka-taas pa ang Isang kilay na tanong N'ya "Wala! Mas lalo Kang gumanda kapag naka-simangot Ka." seryoso Kong tugon "Hmmp! Bola!" sagot N'ya, "Oh!" abot N'ya ulit sa Akin ng damit na naka-hanger kaya wala Akong nagawa kundi kunin iyon at magpalit sa Banyo malapit sa Kusina. Kung hindi kasi Ako ang sasama ay baka kung Sino lang isama N'ya tapos mapa-hamak pa S'ya. Alam naman siguro ng Boyfriend N'ya ang gagawin Naming pagpapanggap. Paglabas Ko ng Banyo ay kita Ko ang paghanga na rumihistro sa Bilugang Mukha ni Chamie, tiningnan N'ya pa Ako mula Paa hanggang Ulo. Hindi naman sa pagmamalaki ay madaming kumukuha sa Aking Model ng mga Damit. Umaayaw lang Ako dahil hindi iyon ang Linya Ko, tsaka Kong magiging Asawa Ko lang ang makakakita ng mga Abs Ko. May pagka-conervative kasi Ako. Kaya ang suot ni Chamie na hanggang itaas lang ng tuhod ang haba ay ayoko pero hindi Ko masabi dahil wala naman Akong karapatan. Tapos Single Sleeve pa kaya Isang balikat lang N'ya ang may takip na damit 'yung Isa ay wala kaya kitang-kita ang makikinis at mapuputi N'yang balikat. "Let's Go!?" pigil ang tawang tugon Ko, napa-kurap naman S'ya mula sa pagka-tulala. "Sige! Tara na!" medyo utal pa N'yang tugon. Kaya nagpatiuna na Akong maglakad para pagbuksan S'ya ng Pinto ng Condo N'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD