CRIS P O V Ang swerte Ko talaga sa mga Byenan Ko, akalain Mong pinag- luto pa Kami ng Ulam at Kanin. Meron nga kasing mga Duplicate key ang bawat Unit ng Apartment kaya pwede Silang pumasok. Pero hindi naman Nila sinasamantala na may susi Sila na basta na lang pumapasok. Ginagalang naman Nila ang Privacy ng bawat Isa, tsaka Dito lang Nila ginawa ang magbukas ng Unit Ko dahil hindi na nga Kami mag- iiba tsaka Manugang na Nila Ako. Pina- una Ko nang maligo si Melissa habang Ako na kako ang mahuhugas ng pinag- kainan Namin. Hindi naman na S'ya kumontra at pumasok na ng Kwarto. Pagkatapos Kong maghugas ay sinigurado Ko munang naka- lock ang mga Bintana at Pinto tsaka Ko ini- off ang Ilaw. Pumasok na din Ako sa Kwarto para kumuha ng bihisan Ko. Para paglabas ng Asawa Ko ay Ako naman ang mal

