“Manang, pakidala na lang po sa kwarto ang mga gamit ko,” ani Nikki nang makauwi sila sa bahay. Tahimik lang na nakasunod noon sa kanya si Cedric habang binabaybay nila ang hagdan. Papasok na rin sana si Cedric sa kwarto nang bigla siyang humarang sa pinto. “Manang, pakituro po kay Cedric kung saan ang guestroom,” aniya habang nakatitig kay Cedric. Napakunot ang noo nito.“Babe, naman. Are you serious?” “Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?” aniya atsaka niya ito nilakihan ng mga mata. Napakagat sa labi si Cedric na tila nanggigigil kaya napangiti ang kasambahay na noo’y nakatingin lang sa kanila. “Sir, sunod na lang po kayo sa akin,” anito na noo’y mabilis na ibinaba sa loob ang gamit ni Nikki. Habang sumusunod siya sa kasambahay nasalubong niya ang lolo Nikki. “Ano’ng balita? Ayos na ba
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


