Chapter 6- Lagot ka, Nikki!

1359 Words
“Para saan ‘yon?” pigil ang emosyong tanong ni Cedric nang bumitaw si Mika. “Sorry po! May pinagtataguan lang po ako,” nahihiyang sabi ng dalaga. Napakunot ang noo ni Cedric. “Sino?” Hindi pa nakakasagot si Mika nang biglang may magsalita mula sa likuran niya. “Nikki, Darling, is that you?” Nagtatanong mga matang tumingin si Cedric sa dalaga. Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi nito. Mariin muna itong napapikit bago lumingon sa likuran. “T-Tita Belle,” tanging nasambit ng dalaga. Todo ang kabog ng dibdib ni Mika noon mukha kasing dead end na siya. Hindi na niya magagawang magkaila pa dahil huling-huli na siya ni Cedric. “How’s your mom?” tanong ng tita niya matapos humalik sa pisngi niya. “N-Nakabalik na po pala kayo mula sa US?” “Oo, ngayon lang. Dumiretso muna kami rito para mag-dinner? Hindi mo ba napansin ang mga pinsan mo?” tanong nito. Alanganing ngumiti ang dalaga. “Nandito rin po ba sila?” kunwa’y sabi niya sabay lingon sa likuran. “Yeah! Nauna lang silang lumabas sa akin. So, how’s your mom?” muling tanong nito. “B-Baka po okay naman, Tita,” alanganing sagot niya. Napakunot ang noo ng tita niya. “Baka? What do you mean by that? Hindi ka pa rin ba bumabalik sa inyo?” Napabaling ang tingin nito kay Cedric at sa batang hawak nito bago ito muling bumaling sa kanya. “Tita, it’s not what you think, po,” agad na sabi niya. Alanganing ngumiti si Cedric atsaka ito tumayo. “Hello po. I’m Cedric,” anito atsaka nito inabot ang kamay sa babae. “Hi! I’m Belle, Nikki’s aunt. Kapatid ako ng daddy niya,” anito. Napakunot ang noo ni Cedric. “Nikki?” anito sabay baling sa dalaga. Ngumiti ang babae. “Yeah, si Nikki," anito sabay turo kay Nikki. Napatango-tango ang ulo ni Cedric na noo'y sumakay na lang. “N-Nice meeting you, po, Ma’am,” nakangiting sabi nito. “Ikaw, siguro ang dahilan kung bakit tumakas si Nikki sa fiancé niya,” nangingiting sabi ng babae. “Tumakas?” Muling napatingin kay Mika si Cedric pero ngumisi lang ito sa kanya atsaka ito bumaling sa babae. “Tita, please! Saka na lang po ako magpapaliwanag sa inyo. Please don’t tell Lolo na nakita niyo ako.” “My God, Nikki! It’s been two months already. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nagpapakita sa lolo mo? Nakapagbakasyon na ako’t lahat hanggang ngayon pala hindi ka pa rin umuuwi sa inyo?” “Tita, please! Not here,” pakiusap niya. Hinawakan siya sa isang braso ng tita niya atsaka siya nito hinila. Pero bago pa sila makalayo, nakangiting bumaling ito kay Cedric na noo’y halatang naguguluhan na rin sa kanila. “Wait lang, Pogi. Kakausapin ko lang ang pamangkin ko,” anito atsaka siya hinila papunta sa kabilang mesa. Napakunot ang noo ni Cedric. “Coincidence lang ba na kapangalan niya si Nikki?” “Sino ang lalaking ‘yon? At ‘yung batang kasama niya?” agad na tanong ng tita ni Nikki. Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa kanya para hindi marinig ni Cedric. “Boss ko po ‘yon. Anak naman po niya ‘yung bata,” aniya. “Boss? Eh, bakit magkasama kayo na parang mag-jowa? Huwag mong sabihing tinakbuhan mo si Kyle para lang kumabit sa Cedric na ‘yan?” “Tita, ang tagal na po naming hindi nagkikita ni Kyle. Ni hindi ko na nga po alam ang hitsura niya ngayon. Hindi lang po kasi maintindihan kung bakit kailangan kaming ipakasal kung wala naman kaming feelings sa isa’t isa?” “Hindi ba’t malapit kayo sa isa’t isa noon?” Natawa si Nikki. “Tita Belle, mga bata palang po kami noon. Wala na po sa akin ‘yon.” “At sino ang gusto mo? Iyong pogi na ‘yon?” anang tita niya sabay nguso kay Cedric. “Wala po kaming relasyon.” "Owss? Talaga?" "Tita?" Ngumisi ang tita niya. “Oh, siyah, sige. Wala na kung wala. So, kailan mo balak bumalik sa inyo?” Lumungkot ang mukha ng dalaga. “Hanggat hindi po isinusuko ni Lolo ang kagustuhan niyang ipagkasundo ako kay Kyle, hindi po ako uuwi.” Napabuga na lang ng hangin ang tita niya. Inabot nito ang isang kamay niya atsaka pinisil. “ I’ll see what I can do. Susubukan kong alamin kung nagbago na ba ang desiyon ng lolo mo. Just watch on your phone and wait for my call, okay?” “Thanks, Tita,” aniya atsaka niya ito niyakap. “Hindi ko sasabihin sa lolo mo na nakita kita. Pero hindi mo ako mapipigilang sabihin sa mommy mo. I’m sure nag-aalala na ‘yon sa’yo.” Napangiti si Nikki. “It’s okay, Tita. Please tell mom, ‘wag na po siyang mag-alala. Okay lang po ako.” Seryoso ang mukha ni Cedric nang bumalik siya sa mesa nila. Tahimik lang ito habang kumakain. Alam ni Nikki na sa mga sandaling iyon tumatakbo na ang isip ni Cedric sa maraming katanungan tungkol sa kanya. Kabado siya noon sa kung ano’ng sasabihin nito kaya hindi niya magawang lunukin ang pagkain niya. Pero hindi siya kinonpronta ni Cedric ng mga oras na iyon bagay na lalong nagpakabog ng dibdib niya. Nang makarating sa bahay, agad na bumaba ng kotse si Cedric atsaka ito umikot sa gawi nila para kunin ang bata na noo’y nakatulog na. Todo ang kabog ng dibdib niya habang binubuntutan niya ang mag-ama paakyat sa kwarto. “Wait for me outside,” ani Cedric nang makapasok sila sa silid ng bata. Kalmado ang boses ni Cedric pero dumagundong iyon sa pandinig ng dalaga. Iyon na kasi ang hudyat na uusigin na siya nito. Kapag nagkataon, sa kalye siya pupulutin. Matapos tawagin si Milly para magbantay sa bata, dumiretso si Cedric sa garden para doon sila mag-usap. Tahimik lang na sumunod siya sa binata. “Now, tell me. Sino ka ba’ng talaga? Ano ang pakay mo rito?” agad na tanong ni Cedric nang makarating sila sa garden. Pinagsalikop pa nito ang dalawang braso at seryosong tumingin sa kanya. "I'm sorry!" nakayukong sagot niya. “Hindi iyan ang gusto kong marinig sa’yo! Sino ka? Bakit nagpapanggap ka na ibang tao?!” Humila si Cedric ng silya atsaka ito naupo. “Sit down,” anito atsaka nito binatak ang isang silya para sa kanya. Dahan-dahang inabot ni Nikki ang silya atsaka siya naupo. “Ano ang totoong pangalan mo? Bakit kailangan mong magpanggap na ibang tao?” seryoso ang mukhang tanong ni Cedric. “Nikki po ang totoong pangalan ko. Nikki Ricaforte. Hindi naman ako masamang tao. Naglayas lang ako sa amin kaya ako nandito.” Halos lumundag ang puso ni Cedric nang marinig ang buong pangalan ni Nikki. Pero hindi niya iyon pinahalata, sa halip, mas lalo niya pang sinindak ang dalaga. "Alam mo ba'ng pwedeng-pwede kitang ipadampot sa mga pulis ngayon? Bakit kailangang baguhin mo pa ang pangalan mo?” Hindi nakakibo si Nikki na noo'y nakatungo lang ang ulo sa sahig. “Ano ba’ng tinakbuhan mo sa inyo?” dugtong ni Cedric. Napayuko si Nikki. “Mahabang kwento po, Sir,” aniya. “It’s okay. Ikuwento mo, makikinig ako,” anito na noo’y pinagsalikop ang mga braso at seryosong tumingin sa kanya. Napayuko ang dalaga.“I’m sorry, Sir. Personal ko na pong problema ‘yon. Ang masasabi ko lang po sa ngayon, hindi po ako masamang tao. Wala po akong balak na masama sa inyo.” Naningkit ang mga mata ni Cedric. Hinila nito ang silya niya papalapit atsaka nito bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. Todo ang kabog ng dibdib niya noon pero buong tapang na sinalubong niya ang tingin nito. “Paano ko naman masisiguro na nagsasabi ka ng totoo? Paano kung kasabwat mo pala ‘yung babae na nakita natin kanina sa restaurant? At ‘yung paghalik mo sa akin kanina, parte ba ‘yon ng plano niyo? Come on tell me, sino-sino ba ang kasabwat mo?” Hindi nakaimik ang dalaga na noo'y napatitig na lang sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD