DANNICA LAZARDE POV:) Pagkalabas ng kapatid ni Sir Don, nakahinga ako ng maluwag. Kada nakikita ko siya o naririnig man lang boses niya kinakabahan at natatakot na ako. Aaminin ko, matapang nga ako pero pagdating talaga sa kanya, tiklop na tiklop ako. Natatakot talaga ako. Pag makikita mo palang yung ngiti niya, kakabahan kana. Oo, guwapo nga si Mr. Dan at pagtitingnan mo, napaka-inosente. Pero nakikita kong masama siya dahil naaalala ko yung ginawa niya doon sa babaeng ni-rape niya. Nakita ko na ang totoong kulay niya at nakita ko na ang totoong anyo niya. Pansasamtalahan niya ang mga kahinaan ng mga babae. Nagagalit ako sa kanya! Ang tingin niya saming mga babae ang daling makuha?!! Pwes! Pag hawakan man niya ang kung sino man na mahalaga sakin, isusumbong ko siya sa pulis. Sasabih

