Friends
This week is hell week. Dahil sa sobrang daming nangyari sa buhay ko nitong nakaraang mga linggo ay nakalimutan ko na ang tungkol sa prelim exam namin na mangyayari ngayong linggo. I lost track of time because I was too preoccupied with little things. Simula noong nangyari ang photo exhibit ni Luke ay halos hindi ko na alam kung anong araw o petsa na basta ang alam ko lang ay umaga o gabi na.
“Davi, group study tayo.” aya sa akin ni Avi.
Napalingon ako sa kaniya at pinagmasdan ang mukha niya. She smiled widely revealing her perfect set of white teeth. Tinignan ko rin si Ari sa gilid niya na umiiling-iling na.
“Group study o group tagay?” nakangising tanong ko.
Bumusangot si Avi habang si Ari naman ay panay tawa dahil sa sinabi ko. I know Avi and I know how much she hates studying kaya kapag niyayaya niya kaming mag group study ay sure na akong walang group study na magaganap dahil magiging tagay session lang iyon.
“Grabe ka sa akin Davi. Nag-aaral na nga akong mabuti,” she said while pouting.
She looked so cute while doing that pero hindi niya ako madadala sa mga ganiyan niya.
“Iyan din ang sinabi mo sa amin last week noong may quiz tayo.” sabat ni Ari na tumigil sa pagsusulat at nakatingin na sa amin.
Nilingon siya ni Avi habang salubong ang mga kilay. Avi is really cute and she’s using that against us ngunit dahil iyan palagi ang ginagamit niyang technique upang mapapayag kami ay wala na ‘yang epekto sa amin ni Ari. Umusog si Avi patungo kay Ari at nagpa-cute.
“Naku, Avery Isabelle tigil-tigilan mo ako sa mga ganiyan mo.” reklamo ni Ari habang nilalayo ang mukha ni Avi sa kaniya.
Mahina akong tumawa habang nakatingin sa kanila. Kasalukuyan kaming nasa rooftop ng building namin at walang ni isang tao ang narito dahil abala ang mga kaklase ko sa ipapasa nilang project at pag-aaral para sa paparating na exam. The whole rooftop is reserved for us only.
“Davi, inaaway ako ni Ari.” pagsusumbong ni Avi habang umuusog papunta sa tabi ko.
Ngumisi ako at napailing na lamang. Avi is smart but she thinks studying is a waste of time kasi hindi raw namin alam kung kailan kami mamamatay kaya dapat enjoyin namin ang bawat minuto ng buhay namin at hindi ituon sa pag-aaral.
“H’wag kang pauto d’yan,” mahinang sambit ni Ari.
Tinignan ko siya at nakitang bumalik na siya sa pagsusulat. Ari is very studious and she’s very brilliant. Scholar siya sa university namin at active rin siya sa mga organization. She’s very focused and very serious when it comes to her acads because the only way for her to graduate is to maintain her scholarship at naiintindihan ko kung bakit ganoon nalang siya kaseryoso sa kaniyang pag-aaral.
“Ang sama ng ugali mo, Ari.” inis na sabi ni Avi habang nakatingin kay Ari.
Inangat ni Ari ang kaniyang tingin upang tignan si Avi na halos umusok na sa inis.
“I know, Avi.” she smiled sarcastically and returned on writing.
I shookt my head continue reading my book. Ayokong mag-aral sa mga oras na ito dahil wala rin namang papasok sa utak ko kaya minabuti ko na lang magbasa ng libro para naman ay magawa ako rito habang sinasamahan si Ari sa pag-aaral niya.
Naramdaman ko ang paglapit ni Avi sa akin kaya tinignan ko siya. Malungkot ang kaniyang mukha at maluha-luha pa. I sighed and put down my book.
“Tayo na lang ang mag group study. Ayaw naman ni Ari sumama, ‘wag na natin kulitin.” puno ng pagsusumaho ang boses niya habang sinasabi iyon.
Narinig ko ang mahinang pag ‘tss’ ni Ari bago ako sumagot kay Avi. Tinignan kong mabuti ang mukha ni Avi ngunit duda pa rin ako sa itsura niya.
“Nomi session na naman ‘yan, Avi.” I said while laughing.
Ilang beses na kaming nauto ni Avi sa kaniyang “group study” kaya hindi na talaga ako papadala ngayon. Oo, best friend kami ngunit kailangan ko rin naman mag-aral dahil isang linggo akong absent dahil sa nangyari kaya babagsak talaga ako kapag hindi ako nakabawi sa exam.
“Grabe kayo. Sino na ngayon ang yayayain ko kung ayaw ninyo sumama?” malungkot niyang tanong habang hinahawakan ang braso ko.
I pat her head and smiled at her. She has so many friends to invite kaya ewan ko sa kaniya kung bakit kami ang pinipilit niyang sumama sa nomi session niya.
“Yayain mo best friend mo,” suggestion ni Ari.
Nakatitig lamang ako kay Avi kaya kitang-kita ko ang pagbago ng kaniyang mukha. She rolled her eyes and shook her head. Tipid akong ngumiti habang pinagmamasdan ang inis niyang mukha.
“Hindi ko nga best friend si Blaze,” Avi said.
She sounded so frustrated while saying it. Tumaas ang kilay ko matapos marinig ang sinabi niya. Blaze and her seems close kaya we assume that they’re best friends or something.
“Hindi ko rin naman sinabi na si Blaze,” walang buhay na sagot ni Ari.
Napatingin ako kay Ari at nakatitig siya kay Avi na tila ba pinag-aaralan ang ekspresyon niya sa mukha. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay kinindatan niya ako at bumalik sa pagsusulat.
“Akala ko talaga best friends kayo,” natatawang sambit ko. “I mean, you two seems close.”
Avi looked at me with her disgusted face. Bigla naman akong natahimik nang mapagtantong baka hindi nga sila close at nag-a-assume lang kami na close sila.
“So, best friends din si Ari at Calum? Ganoo ba?” she asked while pointing at Ari.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. I don’t know the context of what she said that’s why I’m confused. Calum and Ari isn’t close. Minsan sumasama sa amin si Calum dahil magkaibigan sila ni Blaze at si Blaze naman ay bumubuntot parati kay Avi kaya nakakasama namin sila but I don’t really see Calum and Ari together, alone.
“Hindi kami close ni Calum. Kayo ni Blaze, oo.” Ari said without looking at us.
I nodded because I also agree with her. Halos maumay na nga ako sa pagmumukha ni Blaze dahil araw-araw siyang sumusunod kay Avi kaya masasabi ko talagang close sila ngunit si Calum at Ari, malabo iyon. Hindi palakaibigan si Calum at halos hindi iyon nagsasalita.
“Anong hindi? Noong isang araw nga nakita ko kayong sabay pumasok,” Avi said while looking at Ari.
Nabigla si Ari sa sinabi ni Avi na naging dahilan ng pagtigil niya sa pagsusulat. My eyes widen when I see her reaction. Ari is the ‘I don’t give a f*ck’ type of girl kaya nang makita ko ang reaksiyon niya ay namangha ako. Something’s fishy.
“Hindi ba pwedeng nagkita lang kami sa hallway at sabay pumasok,” Ari defended herself.
Halata sa boses niya ang kaba habang sinasabi iyon kaya naiintriga talaga ako. Nasa gitna namin si Avi kaya naman nahihirapan akong tignan ang itsura ni Avi ngunit alam kong ngumisi na siya ngayon dahil nawala ang poise ni Ari dahil sa paratang na ginawa niya.
“May nakapagsabi rin sa akin na sabay raw kayong umuwi kahapon,” paratang ulit ni Avi.
Ari closed her eyes and took a deep breath. Tahimik lamang akong nakamasid sa kanila dahil ayokong maputol ang usapan nila. I’m very curious right now and dumb at the same time. Hindi ko na alam kung anong nagyayari sa buhay nila dahil abala ako sa mga problemang dinadala ko at ayokong isang araw magising na lamang akong hindi na sila kilala.
“Ewan ko sa’yo, Avi. Sabihin mo d’yan sa mga nagsusumbong sa iyo na ayusin nila ang report nila sa’yo.” inis na sabi ni Ari habang padabog na sinasarado ang binder na sinusulatan niya kanina.
Narinig ko ang tawa ni Avi kaya tinignan ko siya at kinurot ko ang beywang niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga pinagsasabi niya o imbento niya lamang iyon para mainis si Ari.
“Bakit ka nagagalit?” nagtatakang tanong ni Avi.
Pinagmamasdan ko lamang ang bawat kilos ni Ari at kitang-kita ang pagkabalisa niya habang inaayos ang mga gamit niya. I can sense that Avi is just creating false statements at naniniwala naman si Ari roon.
“She’s lying, Ari. ‘Wag ka maniwala.” mahinang sabi ko habang tinitignan si Avi na mahinang tumatawa.
Lumingon sa akin si Avi at umiling. Ang kaniyang mukha ay lumiliwanag dahil sa tuwa at alam ko kung bakit.
“Ari, pinag-tri-tripan ka lang,” malakas kong sabi habang nakatingin pa rin kay Avi.
“Alam ko,” maikling sagot ni Ari habang nilalagay sa tote bag niya ang pencil case niya.
Mahina kong sinipa si Avi kaya lumingon siya kay Ari. Ari seems upset by something and maybe it’s because of Avi ngunit hindi ako sigurado roon.
“Hala, are you mad?” nag-aalalang tanong ni Avi kay Ari nang makitang nag-aayos siya ng gamit.
Ari looked at us and smiled briefly. Mahina kong binatukan si Avi dahil alam kong sa kaniya nainis si Ari.
“Kanina ka pa, Davi!” reklamo niya habang hinahawakan ang batok niya.
Hindi siya lumingon sa akin dahil nakatuon lamang ang buo naming atensyon kay Ari na aligaga at tila ba hindi alam ang gagawin.
“Hey, I’m just kidding.” Avi worriedly said while holding Ari’s hand.
Ari looked at us again and smile but this time a tear broke out. I immediately stand up and rushed towards her, ganoon din si Avi. Avi looked so flustered and didn’t know what to do.
“Avi, I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Joke lang naman iyon. I’m sorry if you got hurt by my statement.” naiiyak na sabi ni Avi habang niyayakap si Ari.
Rinig na rinig ko ang mu-munting hikbi ni Ari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung pagagalitan ko ba si Avi o hindi. Hindi ko alam kung bakit umiiyak si Ari kaya hindi ako makapagdesisyon kung ano ang gagawin ko.
“Avi,” mahinang bulong ko habang nakatingin kay Avi.
Pinanlilisikan ko siya ng mata at halata sa mukha niya ang takot. Namumutla si Avi ngayon at alam kong takot na takot siya dahil kung ako hindi alam ang gagawin ano na lang kaya siya na alam niyang baka siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Ari.
“Ari, I’m reall-“
“My lolo passed away,” bulong ni Ari.
Mahina lamang ang pagkakasabi niya roon ngunit sapat na iyon para marinig namin ni Avi. Nagkatinginan kaming dalawa at mas hinigpitan ang yakap kay Ari.
Ari is living with her lolo. Ang kaniyang lolo ang kasama ni Ari simula pagkabata hanggang ngayon. She came from a broken family. Ang lolo niya ang nagpalaki sa kaniya dahil may kani-kaniyang pamilya na ang mama at papa niya. It must be so painful for her, ang kaniyang lolo ang kaniyang naging sandigan at nag-iisang taong tumatanggap sa kaniya bilang parte ng pamilya nila.
“You must go now. Ipagpapaalam ka namin bukas,” I said to her.
Kumalas ako sa pagkakayakap at pumunta sa harapan niya. She’s crying while shaking her head. Nagkatingin kami ni Avi. Avi is patting her head while I was holding her hand.
“Hindi ako papayagan ni Tita na pumunta roon,” she said while smiling bitterly.
Binitawan niya ang kamay ko at inabot ang cellphone niya at may ipinakita na text. Napakurap-kurap ako. Mangha kong tinignan si Ari. Hindi ko alam kung kailan tumingin si Ari sa phone niya kanina dahil hindi ko naman napansin na humawak siya ng phone niya.
“Still, you should go there.” Avi said in conviction.
Anak si Ari sa labas kaya hindi siya welcome sa pamilya ng papa niya. Anak ng lolo niya ang papa ni Ari at ang napangasawa nito ay ubod ng sama kaya walang duda, hindi talaga makakapunta si Ari sa lamay.
“H’wag kayong mag-alala sa akin,” she smiled but her eyes didn’t.
I smiled sadly while giving her a hug. Alam kong komplikado ang pamilya niya at kahit gusto ko man na tumulong ay wala akong magagawa dahil issue nila iyon. I just want to hope and pray that her step-mom would let her go.
“It’s getting darker,” puna ni Ari habang nakatingala.
I didn’t looked at the sky but instead I focused on her. May mag luhang kumawala galing sa mata niya at kahit hindi niya man ipahalata ay alam kong nasasaktan siya ng sobra.
“Uwi na tayo,” Ari said again.
Nagkatinginan kami ni Avi na wala ring idea kung ano ang gagawin. Ayaw naming pangunahan si Ari sa kaniyang gagawin. We just want to be with her, listen to her and support her.
“Are you sure?” nag-aalaang tanong ko.
I don’t want to go home yet but if that’s Ari’s want then I will respect that.
“Oo. I need to think,” mahinang sambit niya habang nakakapit sa kamay ko.
I sighed and nodded. Ari doesn’t want to looked weak in-front of us at tama siya, kailangan niya ng panahon upang mag-isip. We know that if she needs us, she will reach out to us.
“Call us, okay?” Avi reminded Ari.
Tumango si Ari at tumayo na. Nakahawak ako sa kabilang kamay ni Ari habang si Avi naman ay nakahawak rin sa kabila. We walked silently until we reached the gate.
“I’m sorry if I teased you about Calum,” Avi broke the silence.
Tipid lamang na ngumiti si Ari. We hugged her and bid goodbyes. I go home with something heavy in my heart but I don’t have a choice but to wait for Ari to opened up and asked for help. I sighed and took a seat at my sofa and get my phone to text Ari.
To: Ari Grande
We are here for you. I love you.
I hit the send button after typing my message. Pinatay ko ang cellphone ko at nilagay sa center table ngunit hindi pa nag-iisang minuto ay lumiwanag ito. Sa pag-aakalang si Avi ang nag-reply ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang dumating na mensahe.
From: Unknown
What did you do to me, Davi?
My whole body feels so cold after reading the text. Mabilis ang naging t***k ng puso ko habang paulit-ulit na binabasa iyon. I don’t know who is this and it’s driving me crazy.