Kabanata 13

2767 Words
Lalaki “Yes last subject na,” malakas na sigaw ni Avi habang lumalapit sa akin. I looked around saw how my classmates are grinning from ear to ear. They must be very happy ngunit hindi ako. Matatapos na nga akong mag-aral sa coffee shop ngunit hindi pa rin ako nakakatulog ng maayos. I called Ari yesterday ranting over and she just laughed at me. I checked on her and told me everything is fine and that she misses us. Bukas pa ang balik niya, sayang nga at hindi siya makakasama ngayon ngunit ayaw ko rin naman siyang sumama dahil alam kong malungkot pa siya at nagluluksa pa. This past few days, napansin kong nawawala bigla si Calum at hindi ko alam kung bakit but I thought I’m just being paranoid dahil kulang ako sa tulog gawa ng mga kapit-bahay ko. “Excited na akong makita ka mamaya,” she cheerfully said while sitting beside me. Tumango lang ako. Wala akong gana na makipag-usap sa kahit na sino dahil antok na antok na ako ngayon. Hindi ko nga alam kung tama baa ng mga sagot ko dahil wala talaga sa tamang pag-iisip ngayon. “Susunduin kita mamaya,” pinal niyang sabi habang inaayos ang upuan niya. Hindi kami nagtatabi tuwing exam dahil wala raw siyang mapapala sa akin dahil parehas kaming bobo at ang pagkakaiba lang daw naming ay nag-aaral ako at siya hindi. She usually sits beside Ari but since she’s not around ay sa akin siya lumalapit. “H’wag na, sa lifestyle lang din naman tayo.” sagot ko habang tinutuko ang siko sa aking lamesa. My head is spinning right now due to my lack of sleep ngunit may magagawa ba ako? Meron, pero nahihiya ako. “At ano? Maglalakad ka? Ayaw ko nga. Ang ganda-ganda mo tapos paglalakarin kita,” masungit niyang sabi habang tumataas pa ang kilay. I laughed at her. I’m fine by walking dahil nga malapit lang ang lifestyle district ngunit dahil OA siya ay pagbibigyan ko na lamang ang gusto niya. “Anong oras ka pupunta roon?” I asked. Tumingin siya sa akin at nag-isip saglit. “Nine,” she said and pulled her ball pen. My eyes widen and shake my head to disagree. Ang oras na iyan ay ang simula ng gyera papuntang langit ng aking kapit-bahay. Kung pupunta siya roon ng ganoong oras ay malalaman niya ang matindi kong problema at madagdagan pa iyon kapag gumawa siya ng eksena. “Sa lobby mo na lang ako hinatayin,” kinakabahan kong suggestion kahit alam kung hindi siya papaya. Mapanuyang ngiti at mapang-akusang mata ang iginawad niya sa akin. “Bakit ayaw mo kaming pumupunta sa condo mo? May tinatago ka ba roon?” she accused me. Mabilis akong umiling sa sinabi niya. She must be out of her mind just by thinking that. I mean, I’m still broken hearted at hindi ko pa kayang mag-entertain ng iba pero napasukan na ako ng iba. Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa malalaswang naiisip ko. “Kailan ko sinabing hindi kayo pwedeng pumunta roon?” balik tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya at umiiling-iling. Ang kaniyang siko ay nilagay niya sa lamesa at ang kaniyang kamay ay nasa baba niya. Ang kaniyang singkit na mata ay mas lalong sumingkit habang tinitignan ako na para ban a nakikita niya ang mga ginawa kong kasalanan. “Hindi mo nga sinabi directly pero hindi mo kami pinapapunta roon. May tinatago ka sigurong lalaki roon,” mapanuyang sabi niya habang mahinang tumawa. I gasped and softly hit her shoulder. Malakas na ngayon ang tawa niya kaya nainis ako, Wala akong tinatagong lalaki ngunit may pinagtataguan akong lalaki na nakatira sa parehong building ko. “Ano ba ‘yan, Avi,” reklamo ko at nagsungit sa kaniya. I know she won’t stop bugging me until I get mad at her kasi ang cute ko raw asarin but I’m not going to bite her bait dahil wala ako sa mood ngayon. Ang kaninang maingay na classroom ay biglang tumahimik at alam ko na kung bakit. Pumasok sa room naming ang panghuling professor naming at ibinigay ang test paper sa amin. This test might be the easiest one because it’s my forte but I’m still not sure if I can answer this properly and correctly. Kasalanan talaga ito ng mga kapit-bahay kong hindi nagpapatulog. The exam went smoothly except when Avi occasionally kicked my leg to ask some question. Confident naman ako na mataas ang marka ko dahil feeling ko tama naman ang mga sinagot ko roon. Ang mga kaklase ko ay kani-kaniyang labas sa room at ang usapan na palaging nariring ko ay ang tungkol sa party na mangyayari mamaya. I’m not sure if I’m excited to attend the party o kung tutuloy ba ako dahil ang gusto ko na lang gawin ngayon ay matulog at magpahinga but I know that I can’t do that. Should I sue them for disturbance? “Davi,” a cold baritone voice makes me come back to my senses. Inangat ko ang tingin ko at nakita si Calum na nakatayo sa harapan ko. I raised a brow to him. Tumikhim siya at umupo sa lamesa ko. “When will she come back?” he asked me. Seryoso ang mukha ni Calum habang tinitignan ako. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. “Sino?” I asked confusedly. I think he’s asking about Ari but I don’t want to assume kaya mas mabuti na itong klaro upang walang misunderstanding na mangyari. “Bria,” he said then looked away. Napaubo ako matapos marinig ang paraan ng pagtawag niya kay Ari. Ari told us not to call her that dahil ayaw niya raw that’s why I’m surprised that Calum is calling her like that. “Ah. Si Ari pala, bukas ng gabi.” sagot ko habang tipid na ngumingiti sa kaniya. He looked at me and smile. Tumayo siya at nilagay sa batok niya ang isa niyang kamay at tila ba may gusting sabihin ngumit nahihiya. I looked at him silently and waited for him to talk dahil alam kong may gusto siyang itanong sa akin. “Did she contacted you or Avi?” nahihiyang tanong niya. His voice was very weak that I can’t barely heard it. I looked around and notice that we are alone in the room. “I called her last night. She said she’s fine,” nakangiting sagot ko at tumayo na. Hindi ko alam kung ano ang nasa kanilang dalawa ngunit nararamdaman ko ang pag-aalala ni Calum kay Ari kaya dapat lang na malaman niyang okay lang si Ari upang matigil na siya sa kaniyang pag-alala. “That’s good to hear,” tipid siyang ngumiti at tumalikod na. Pinagmasdan ko siyang naglakad papalayo sa akin. Kinuha ko na rin ang bag ko upang makauwi at makapaghanda. When I started walking, I noticed how Calum stop and looked at me again. “Will you please tell her to contact me? She’s not responding,” puno ng pait ang boses niya habang sinasabi iyon. Mabilis akong tumango. I can see pain all over his face and I’m starting to think that maybe they are in a relationship at hindi ko lang akam. “Yep, I’ll tell her,” I smiled to assure him that everything is going to be fine. Tipid siyang ngumiti sa akin. “Thanks, Davvi. You’re really the best! See you at the party,” he said while smiling now. I can see that he’s faking it, he’s faking his smiles and I feel bad for him. Kung may magagawa ako para tulungan siya ay gagawin ko. Calum has been in trouble because he protected me that’s why I’m returning a favor to him. “Yeah. See you, Calum.” I said. Akala ko ay aalis na siya ngunit hindi siya natinag sa kinatatayuan niya at tinitignan niya lang ako. “Hindi ka pa ba aalis?” I asked him because I can sense that he has no intention to move at all. “Hinihintay kita,” he said while raising his brow. Napailing ako at tumawa. Naglakad na ako patungo sa kaniya at sabay kaming naglakad palabas ng campus. He told me that he wants me to feel safe at gusto niya rin masigurong hindi na ako binabastos. I just smiled and say thanks to him repeatedly because of his kindness. Noong nakarating na ako sa labas ng gate ay sinabi niyang hintayin ko raw siya dahil kukunin niya muna ang sasakyan niya. I waited there for a minute at hinatid niya ako patungo sa condo. “Shall I pick you up later?” he asked while I’m going out from his car. Umiling ako at sinarado ang pinto. Ibinaba niya ang bintana upang magkausap kami. “No. Thank you, Calum, but Avi will pick me up.” I said. He nodded. “Alright. See you then,” he said and bid goodbye. Tinaas ko ang kamay ko upang makapagpaalam sa kaniya. Bumusina pa siya bago pinaandar ang sasakyan niya. I walked towards the elevator building and waited for a couple of minutes for the elevator. Habang naghihintay ay tinignan ko ang oras at nakitang alas syete y medya na. Our exam ended around six thirty but since sobrang traffic ay natagalan kami. I still need to take a shower and decide for my hair design. Hindi ko alam kung anong oras akong matatapos sa pag-aayos. I quickly entered the elevator when it came and rode it alone. Nakarating ako sa floor ko ng walang problema. Mabilis ang bawat kilos ko noong nakapasok na ako sa unit ko. I’m planning to head out around 8:30 P.M para hintayin si Avi sa lobby at upang hindi niya malaman ang nangyayari sa unit ko. I quickly took a shower and finished it faster than usual. Tinapis ko lamang ang tuwalya sa aking katawan habang nag-blo-blower ako ng aking mahabang buhok. Drying my hair faster will be my problem dahil hanggang beywang ko ito at sobrang kapal pa. I sighed, I really need to cut my hair short. Alas otso noong natapos kong patuyuin ko ang buhok ko. I put some light make-up. Inayos ko lang ang makapal kong kilay at naglagay ng lipstick. I decided to just let my hair down mas babagay iyon sa dress ko. I walked towards my closet and pulled the red silk dress that Avi brought for me. This dress have a cowl neckline at backless din. I sighed and looked for my silicone bra. I really think that this is too much dress for me, cowl neck na nga, backless na at may slit pa. Nasa kwarton ako ngayon at kasalukuyang sinusuot ang red heels na binili sa akin ni Avi last month nang biglang may sumigaw mula sa living room ko. “Nandito na si Avi, si Avi na maganda,” pagkanta niya. Kumunot ang noo ko matapos marinig ang boses ni Avis a labas. Malakas ang naging kalabog ng puso ko. Mabilis kong tinapos ang pagsusuot ko ng heels at mabilis na lumabas sa kwarto ko. Naabutan ko si Avi sa sala na nakaupo sa sofa. She looked at me in awe while dramatically standing up. “Grabe, ang ganda mo,” ma-drama niyang sabi habang lumapalapit sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tinignan ko ang suot niyang dress at hindi makapaniwalang wala akong nakitang balat. “Wow, new look,” komento ko. Sumimangot siya. Her dress is a mesh longsleeve type at kulay black iyon. That was my style and her style is like this one I’m wearing. “It suits her, right?” rinig kong boses ng lalaki galing sa kusina ko. Napalingon ako roon at nakita si Blaze na kumakagat sa apple na galing sa ref. Tinignan ko ang apple sa kamay niya at tinaasan ng kilay. Ngumisi siya at ipinakita sa akin ang apple. “Pahinge,” he cutely said. Tumawa na lamang ako at tumango. Ano naman ang magagawa ko e halos ubos na iyong apple. Binalik ko ang tingin ko kay Avi at nakitang nanghahalungkay na siya sa bag niya. “Your lipstick doesn’t suits you,” she said while grabbing one of her lipstick. Hinila niya ako papuntang sofa at pinaupo roon. I just stay still and let her do whatever she wants because I know I will look more presentable and beautiful kapag inayusan niya ako. “Okay na ‘yang buhok mo,” she said. Tumango ako dahil sangayon din ako roon. Binuksan niya ang lipstick at nakita kong kulay pula iyon. She smile and signed me to open my mouth. Sinunod ko naman iyon at nilagyan niya ako ng pulang lipstick. Matapos iyon ay tumili siya at panay puri sa akin dahil ang ganda ko raw. I rolled my eyes on her. “What time are we heading out? It’s already nine,” Blaze said while looking at the both of us. Sabay kaming napalingon kay Blaze na nakatayo sa harapan ng T.V. Lumaki ang mata ko matapos marinig ang sinabi niya at halos mamawis ako habang tinitignan ang dingding na nasa likod niya. It’s already 9:00 P.M and any minute from now ay magsisimula na ang gyera sa kabilang unit. “Oo nga, hindi pa ba tayo aalis?” kinakabahan kong tanong kay Avi. Avi looked at me and nodded. “Sure ka ba na wala kang tinatagong lalaki rito?” she asked. I rolled my eyes. She really is suspecting me about having a boy living here. Siraulo talaga. “I checked her kitchen and bathroom, it’s clear.” dinig kong sabi ni Blaze. Mabilis akong lumingon sa kaniya ngunit umiwas siya ng tingin. Ibang klase talaga ang utak nilang dalawa, bagay talaga sila. “Baka nasa kwarto,” Avi said and walked towards my room. I sighed and just let them do what they wants. Nakaupo lang ako sa sofa habang kinakabahang tinitignan ang dingding kung saan nangyayari ang milgaro. Napatingin ako sa wall clock at nakitang 9:10 P.M na. Nakahinga ako ng maluwag dahil late ang kanilang gyera at sana walang gyera magaganap nagyon. “Tapos ka na ba?” tanong ko kay Avi. I wanted to get out of here as much as possible lalo na at hindi pa sila nagsisimula dahil baka late lang ang gyerna nila. Mas mabuti na iyong makaalis na kami ngayon para walang maging problema. I heard footsteps on my room coming out kaya tinignan koi yon. I saw Avi walking out with her hand around her chin and nodding. “It’s clear, baka naman pinaalis mo muna.” she said again. Napailing na lamang ako sa kaniya. I don’t know why she keeps on accusing me like that dahil lang sa hindi ko raw sila pinapapunta rito. Ngunit nakita niya na naman na walang tao rito kung hindi ako lang kaya sana naman maniwala na siya. “Wala nga, Avi,” natatawang sabi ko habang tumatayo na. Naglakad ako papuntang kwarto ngunit si Avi ay panay tingin pa rin sa unit ko at naghahanap ng mga ebedensya niyang may lalaki raw ako rito. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang puting handbag ko kung saan naroon ang cellphone, wallet, susi at iilang pang retouch ko. Lumabas ako sa kwarto at inaya na silang umalis. Naabutan kong nag-uusap si Avi at Blaze habang tinituro-turo ang iilang parte ng unit ko. “Blaze, taga rito ba si Andrix?” rinig kong tanong ni Avi habang naglalakad patungo sa pintuan. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila at hindi pinapahalatang kinakahaban ako sa usapan nila. “Yeah,” maikling sagot ni Blaze. Nasa harapan na kami ng elevator ngayon at halos mamawis na ako sa kaba. Bakit ba kailangan si Andreus ang topic nila? Kinakabahaan tyloy ako. “Anong floor daw?” Avi curiously asked him. Dumating na ang elevator at pumasok kami roon. Nasa likod ko silang dalawa habang ako ay pinindot na ang button patungog ground floor. Nakikita nila ang ekpresyon ko kaya kailangan kong kumalma dahil baka kung ano na naman ang pumasok sa utak ni Avi. “I’m not sure but I think he owns a penthouse,” Blaze coolly said while raising his brow. Narinig ko ang madramang pagsinghap ni Avi kaya napatingin ako sa kaniyang ekpresyon. Oo, Avi tama si Blaze sa penthouse siya nakatira at nakapunta na ako roon. “Ay weh? Sure ka? Bakit nakita ko siya sa floor ni Davi noong isang araw?” Avi confusedly asked that left my body unable to move and makes my heart explode.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD