Pigil ang pag-iyak ni Sab habang lulan siya ng taxing maghahatid sa kanya pauwi. No words could say how she exactly felt at that moment. Ang bigat-bigat ng kanyang dibdib na tila ba anumang oras ay puwede iyong sumabog. The pain was so intense that it was making it hard for her to breathe. Itinaas niya ang nanginginig na kamay upang takpan ang sariling bibig upang huwag nang umalpas ang kanyang mga hikbi. Ayaw naman niyang maeskandalo ang driver ng sinasakyang taxi kaya todo pigil siya sa pag-iyak. Her lips quivered as she tried, with all her might, to choke back her muffled cry. With her other shaking hand, she reached for her phone from her bag, and dialled Chase's number. She wanted to hear his voice. Alam niyang kahit na papano ay magagawa nitong pagaanin ang loob niya. She listen

