Gigi Niyaya kami ni Ate Ann sa isang silid. Lumabas siya sandali at pagbalik ay may dala-dala na itong ladies drink. Sumenyas pa ito ng huwag daw kami maingay. Ang lagay ay dapat may session din daw kami. Nagsimula kaming uminom habang kumakanta. Tikim-tikim lang hanggang sa hindi ko na namalayan na naparami na pala ako. Hindi naman ako anghel para hindi makatikim ng ganito. Nakasanayan ko na rin ang pag-inom kasama sila ate Maria at iba pa, ‘yun nga lang ay empi-light lang o kaya ay gin na may kasamang juice at kung anu pang hinahalo nila. Hindi gaya nitong iniinom namin, pang sosyal. Masarap siyang inumin na akala mo walang epekto, pero meron pala. “What the hell, Love?” dinig kong boses ni kuya Charles sa asawa. Nakaupo ito sa mesa habang kami ni Gabie ay sumasayaw sa tugtog na pinat

